You are on page 1of 14

REGALO

Add Title Here


• Add Text Here
Add Title Here
• Add Text Here
Add Title Here
• Add Text Here
Add Title Here
• Add Text Here
Add Title Here
• Add Text Here
Add Title Here
• Add Text Here
• Inalog ko ang baryang matagal nang nakaimbak sa bulsa ng
aking kupas nang pantalon habang nakadikit ang aking
mukha sa salamin sa labas ng tindahan ng mga laruan.
Sumimangot ang aking mukha nang makita ang nakatayong
karatula ng presyo. Inalog ko ulit ang aking bulsa, kinapa ang
kakaunting barya sa isang araw kong pagtitinda at paglalako
ng dyaryo at sampagita malapit sa simbahan. Nakabenta ako
ng marami ngayong araw na ito. Subalit ang hilaw na tunog
ng baryang inalog ko ay hindi ata kakasya sa singkwenta
pesos na nakasulat sa karatula ng mga laruang kanina ko pa
minamasdan.
• Idiniin ko nang maigi ang nakadikit kong mukha sa salamin upang
makita nang maayos ang mga makukulay na laruan. Siguradong
matutuwa si Jun-Jun sa matitingkad na pula, berde, asul at dilaw na
kulay sa laruang sasakyan at baril-barilan. Huminga ako ng malalim.
Kasabay ng aking pagbubuntong-hininga ay ang paglapit sa akin ng
isang seylsleydi at nag-akmang paaalisin ako. Binitawan ko ang barya
sa aking bulsa, inilayo ang mukha sa papalapit na babae mula sa
tindahan, at humakbang ng ilang apak papalayo. Iniwan ko ang
pagbabaka-sakali ng aking isipan
• Sa susunod na lang siguro,” bulong ko sa sarili. “Balang araw, mabibili
rin kita.”
• Humakbang na ako palayo sa tindahan. Kitang kita ko pa rin ang
karatula ng presyo . Sa di kalayuan, nakita ko ang isang tumatakbong
lalaking nakaitim at may takip sa mukha na papunta sa akin. Mabilis
akong umilag ngunit huli na nang mabangga niya ako at tumilapon
kami sa daan. Nabitawan niya ang binibitbit na maitim na bag dahil sa
pagmamadali niya.
• Tumayo akong masakit ang kaliwang paa. Paika-ikang tumayo at nang
makatayo’y pinagpag ang sariling kupas na pantalon. Sa sandaling
iyon, nakita ko ang isang pulis at isang matabang babae patungo sa
aking kinaroroonan.
• “Bata, may nakita ka bang isang lalaking may dalang bag at
tumatakbo patungo rito?” Tanong sa akin ng pulis.
• “Opo,” ang maigsi kong sagot. “Lumiko po siya rito.” Sabay turo sa
eskinitang pinagtakbuhan ng lalaki. “Naiwan niya itong bag dahil
nagkabanggaan kami kanina.” Inabot ko ang bag sa pulis.
• Pagkakita sa bag ay agad akong niyakap ng matabang ale. Tinungo
naman ng pulis ang itinuro kong daan.
• “Isa kang anghel!” Tuwang-tuwang sabi ng ale habang hawak-hawak
ang bag. “Ano ba ang pangalan mo?” tanong sa akin ng ale.
• “Valdwin po,” ang magalang kong sagot.
• Heto ang pagpapasalamat ko sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo hinding-hindi ko
makukuha ulit ang bag ko.” Iniabot ng ale ang perang papel sa akin. Nanlaki
ang aking mata nang abutin ko ang singkwenta pesos galing sa ale.
• “Tanggapin mo ang pagpapasalamat ko,” sabi ng ale habang ginugulo ang
aking buhok.
• “Sa-salamat po,” ang tuwang tuwa kong sagot.
• Bumalik ako sa tindahan. Inayos ko ang buhok ko’t ipinagpag ang pantalon.
Sa isang saglit ay bitbit ko na ang laruang sasakyan na may iba’t ibang
kulay. May ngiti ang aking labi. Nagmamadali na akong umuwi.
• “Saan ka nanggaling, anak?” Ang salubong na tanong sa akin ni Inay
pagkarating ko sa bahay. “Nag istambay ka na naman ba roon sa tindahan
ni Aling Betty?”
• Opo, madali po kasing naubos ang mga paninda ko,” sagot ko kay Inay
habang tinutungo ang aking kuwarto kung saan mahimbing na
natutulog si Jun-Jun.
• Maayos kong inilapag ang laruang sasakyan sa lamesa katabi ng
kamang kaniyang tinutulugan. “Maligayang ikaapat na kaarawan,
mahal kong kapatid,” bulong ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo.
• “Halika na rito anak at maghapunan ka na,” sabi ni Inay.
• “Opo, Inay,” sagot ko. “Maligayang kaarawan ulit.” May ngiti ang aking
mga labi.

You might also like