You are on page 1of 2

Suring Basa:

Cupid at Psyche
I. Panimula

a. Uri ng Panitikan: Mito / Myth

b. Bansang Pinagmulan– Rome , 213 AD

c. Pagkilala sa may akda– ang nagsulat ng mitong ito ay si Lucius Apuleius Madaurensis , isang Roman na
manunulat ng prosa. At dahillaganap noon ang polygamy ( ang pagkakaroon ng maraming asawa) saRome ,
nanibugho siya na gumawa ng isang allegorya. Ito ang nag-udyok sa kanya na gumawa ng isang akdang
pampanitikan na nasaanyong mito–ang “Cupid at Psyche”

d. Layunin ng may akda– Nais ni Apuleius na mapukaw ang kaniyang mga kabayan na mali ang
pagkakaroon ng maraming asawa kaya, gumawa siya ng akdang pampanitikan na naglalayong maging
inspirasyon para sa mga tga Rome na maging matapat sa iisang minamahal.

II. Pagsusuring Pangnilalaman

a. Tema o Paksa ng akda- Ang tema ng akdang ito ay pagmamahalan at pagtyatyaga sa mga hamong pang
relasyon.

b. Mga Tauhan/ Karakter sa akda- Ang mga tauhang maykinalaman sa akda ay ang sumusunod ;

1. Psyche – isa sa mga pangunahing tauhan sa akda , siyaay ang sinasabing pinakamaganda sa tatlong anak
ngisang hari. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ngmga kalalakihan at tinanyagan nilang mas maganda
pakay Venus, diyosa ng kagandahan. Umibig siya sa anakni Venus na si Cupid. Naging asawa niya si
Cupidkasama ang mga basbas ng lahat ng diyos at diyosa saOlympus. Naging immortal din siya sa huli.

2. Cupid- ang anak ni Venus at diyos ng pag-ibig. Nabighanirin sa kagandahan ni Psyche. Malihim si Cupid
atikinubli ang tunay niyang itsura at katauhan sa asawa.

3. Venus– ang kinikilalang diyosa ng kagandahan at siyangina ni Cupid. Nagselos, nainggit o nanibugho
angdiyosang ito sa kagandahan ni Psyche lalo na noong masmarami nang pumapansin na kalalakihan sa kaaya-
ayang
awra’t karisma ng dalaga. Lalo pang nagalit si Venus nang
marinig mula sa ibang kalalakihan na ipinagkukumparasilang dalawa at si Psyche daw ay mas maganda sa kanya.

4. Apollo– ito naman ang sinasabing diyos ng propesiya,araw, musika, at liwanag. Nabanggit siya sa kwento
ninaCupid at Psyche. Dito itinanong ng haring ama ni Psycheang magiging kapalaran ng kanyang anak. Isang
kalunos-lunos na balita para sa buong pamilya ni Psyche angmensahe ni Apollo.

5. Zephyr– ito ang tinanyagang hari ng hangin. Siya angnagdala kay Psyche patungong bago nitong tahanan
opalasyo kasama si Cupid. Ito rin ang hangin nanagdadala paakyat ng palasyo at pababa sa mga kapatidna babae
ni Psyche.

6. Proserpine- tinaguriang reyna sa ilalim ng lupa. Sakanya humingi ng isang kahon ng kagandahan si
Psychebilang utos ni Venus. Ang pagkuha ni Psyche ng kahonna may kagandahan ni Proserpine o Proserpina ay
kanyaring ikinapahamak sa huli.

7. Charon– ito ang may-ari, ferryman, at bangkero ngbangkang sinakyan ni Psyche patungong underworldpara
gawin ang utos ni Venus.

8. Cerberus– ang three-headed dog o asong may tatlongulo. Binigyan ito ni Psyche ng cake para makapasok
atmakatuloy pa sa paglalakbay niya papuntang underworld.9. Jupiter - hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan
atpanahon; diyos ng mga diyos at tao. Binasbasan niya angkasal nina Cupid at Psyche.10. Mercury - mensahero
ng mga diyos na siyang saksirin sa pag-iisang dibdib nina Cupid at Psyche.
c. Tagpuan / Panahon
- Ang mga tagpuan sa mitolohiyangCupid at Psyche:
(Ang mga ito ay ayon sa pagkasunod-sunod ngpangyayari sa kwento.)

1. Sa kaharian ng ama ni Psyche


2. Sa templo ng Diyosang si Venus
3. Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ngkanyang amang hari.
4. Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche (Cupid)
5. Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

d. Balangkas ng Pangyayari: Ito ang balangkas ng mgapangyayari sa Cupid at Psyche

May isang napakagandang mortal na tinatawag naPsyche. Lubha siyang maganda kaya't nakakalimutan nang
lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si Venus dahil nandoon na kay Psyche ang kanilang oras.Nagalit
si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid napaibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang.

Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya manay napaibig din sa ganda ni Psyche ngunit ito
aynanatiling lihim mula sa kanyang ina.

Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking umiibig sa kanya kaya humingi siya
ngpayo kay Apollo at siya'y sinabihan na dalhin si Psyche atdamitan ng maganda sa isang bundok.

Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niyanakilala ang lalaking magpapaibig sa kanya at nagdala
kayPsyche sa palasyo ngunit hindi pa nagpapakita ang lalakisa kanya.

Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya naalamin ang pagkatao ng asawa dahil baka ito ay
halimayat sinunod naman ito ni Psyche resulta kung kaya'tnasaktan niya si Cupid at umalis.

Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuinito ngunit pinahirapan lamang siya ni Venus at kung
anu-anong pagsubok ang binigay.

Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agadniya itong tinulungan at hiniling mula kay Jupiter
angambrosia, isang pagkain upang magiging imortal.

Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si Psyche atnamuhay sila ng maligaya.

e. Kulturang Masasalamin sa Akda– Ang akdang Cupid at Psyche ay isang mitolohiya nanagpapakita ng
kultura ng mga sinaunang Griyego atRomano. Ang labis na paniniwala nila sa kanilangintinuturing na mga diyos
at diyosa ay malakingimpluwensya sa kanilang panitikan. Ang moral na batas nainilahad ng mga
pinaniniwalaang diyos nila ay nagingbatayan ng pamumuhay ng mga sinaunang Griyego at Ehipto.

III. Pangsusuring Pangkaisipan

a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda


-may tatlong pangunahing kaisipan ang akda.

1. Maging masunirin sa magulang


2. Magkaroon ng tiwala sa iyong minamahal.
3. Makuntento na dapat tayo sa kung ano man ang atingpagmamay-ari.

b. Estilo ng Pagkasulat
pormal at may katamtamang talinhagaang mga salitang ginamit. Ang structure ng sinulat ay magandasapagkat
maayos ang pagkagawa ng storyline o ang daloy ng kuwento.

IV Buod ng Akda

Cupid at Psyche
Noong unang panahon may isang napakagandang dilag nainibig ng isang anak ng Diyosa na si Cupid. Tutol
ang nanay ni Cupid na si Venus sa pagmamahalang ito. Ngunit naging mag-asawapa rin ang dalawa kahit hindi
pa nakikita ni Psyche si Cupid.Sinulsulan si Psyche ng kanyang mga kapatid na dapat niyang makitaang mukha
ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw. Naniwala naman si Psyche at sinuway ang utos ng asawa na hindi
muna nitodapat makita ang kanyang mukha. Nagkasugat sa mukha si Cupidsanhi ng pagkatagas ng langis mula
sa ilawan na ginamit ni Psycheupang sipatin ang anyo ng dalaga. Nagalit si Cupid dahil sinuway siyani Psyche at
nagpasyang umalis muna.Ginawa lahat ni Psyche upangbumalik ang asawa sa kanya kahit pinahihirapan siya ni
Venus ayhindi siya sumuko.Sa huli, ay naging imortal din si Psyche dahil saambrosia na binigay ni Jupiter at
namuhay sila ng maligaya.

You might also like