You are on page 1of 6

CUPID

AT
PSYCH
E
Mga Katangian ng mga Tauhan
Psyche
Si Psyche ang sinasabing pinakamaganda sa tatlong anak ng isang hari.
Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan at tinanyagan
nilang mas maganda pa kay Venus, diyosa ng kagandahan. Umibig siya sa
anak ni Venus na si Cupid. Naging asawa niya si Cupid kasama ang mga
basbas ng lahat ng diyos at diyosa sa Olympus. Naging immortal din siya sa
huli.
Cupid
Si Cupid ang anak ni Venus at diyos ng pag-ibig. Nabighani rin sa
kagandahan ni Psyche. Malihim si Cupid at ikinubli ang tunay niyang itsura at
katauhan sa asawa.
Venus
Si Venus ang kinikilalang diyosa ng kagandahan at siyang ina ni Cupid.
Nagselos, nainggit o nanibugho ang diyosang ito sa kagandahan ni Psyche
lalo na noong mas marami nang pumapansin na kalalakihan sa kaaya-ayang
awra’t karisma ng dalaga. Lalo pang nagalit si Venus nang marinig mula sa
ibang kalalakihan na ipinagkukumpara silang dalawa at si Psyche daw ay mas
maganda sa kanya.
Apollo
Si Apolla naman ang sinasabing diyos ng propesiya, araw, musika, at
liwanag. Nabanggit siya sa kwento nina Cupid at Psyche. Dito itinanong ng
haring ama ni Psyche ang magiging kapalaran ng kanyang anak. Isang
kalunos-lunos na balita para sa buong pamilya ni Psyche ang mensahe ni
Apollo.
Zephyr
Si Zephyr ang tinanyagang hari ng hangin. Siya ang nagdala kay Psyche
patungong bago nitong tahanan o palasyo kasama si Cupid. Ito rin ang hangin
na nagdadala paakyat ng palasyo at pababa sa mga kapatid na babae ni
Psyche.

Proserpine
Si Proserpine ang tinaguriang reyna sa ilalim ng lupa. Sa kanya humingi ng
isang kahon ng kagandahan si Psyche bilang utos ni Venus. Ang pagkuha ni
Psyche ng kahon na may kagandahan ni Proserpine o Proserpina ay kanya
ring ikinapahamak sa huli.
Charon
Si Charon ang may-ari, ferryman, at bangkero ng bangkang sinakyan ni
Psyche patungong underworld para gawin ang utos ni Venus.
Cerberus
SI Cerberus ang three-headed dog o asong may tatlong ulo. Binigyan ito ni
Psyche ng cake para makapasok at makatuloy pa sa paglalakbay niya
papuntang underworld.
Jupiter
Si Jupiter ang hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon; diyos ng
mga diyos at tao. Binasbasan niya ang kasal nina Cupid at Psyche.
Mercury
Si Mercury ang mensahero ng mga diyos na siyang saksi rin sa pag-iisang
dibdib nina Cupid at Psyche.
Narito naman ang ilan pang mga tauhan sa mitolohiyang cupid at psyche:
 Haring ama ni Psyche
 Dalawang kapatid na babae ni Psyche
 Mga Langgam
 Agila
 Mga tupa na may ginintuang lana

You might also like