You are on page 1of 7

Centro Escolar Integrated School

Km. 44 McArthur Hway, Brngy. Longos, CEU Malolos Campus Cmpd., Malolos

CRITIQUE SA AKDANG
“Cupid and Psyche”

10-Felicity
T.P. 2023-2024
I. MGA LAYUNIN

Ang mga layunin ng critique na ito ay ang mga sumusunod:

 Naiisa-isa ang kahalagahan ng tunay na pag-ibig. Upang madiskubre ang pananaw na ipinapahiwatig ni Lucius

Apuleius Madaurensis

 Pansinin ang mga aral na makapagbibigay ng panibagong perspektibo.

 Naisasalaysay ang pagkilala sa bawat karakter na nasambit sa kuwento. Upang makilala ng mahusay ang mga

katangian at pagkakaiba ng bawat isa.

II. INTRODUKSIYON

Ang mitolohiya ay kasing lapad ng langit. Ito ay koleksyon ng hindi mabilang na mga alamat na nagmumula sa maraming

bansa, kultura, at relihiyon. Kabilang dito ang dakilang mito ng pagmamahal at pagsubok na galing sa bansang Roma.

Ang pamagat ay ‘Cupid at Psyche’ at ika-2 siglo AD ito sinulat. Si Edith Hamilton ang nagsalin nito sa Ingles at si Vilma

C. Ambat naman sa pagsalin sa Filipino. Orihinal ito na mula sa Metamorphoses (tinatawag ding Ang Ginintuang Asno).

Ang sala-salabid na pag-iibigan sa pagitan ng imortal na diyos at babaeng mortal.

Ang may-akda at naghabi sa mitong ito ay si Lucius Apuleius Madaurensis o Platonicus, ang kaniyang sagisag-panulat.

Siya ay isinilang sa Romanong kolonya bilang katutubong sa Madaura, Morocco, c. 120 CE. Nag-aral siya ng pilosopiya

ng Platonismo sa Atenas at naglakbay sa Italy, Asia Minor, at Egypt. Ang pinakatanyag na pangyayari sa kanyang buhay

ay noong siya ay inakusahan ng paggamit ng mahika para mapakasalan at makuha ang amor ng byuda na mayaman.

Kasama sa kanyang iba pang mga naisulat ang Mga Diyos ng Socrates, Florida, at Metamorphoses (o Ang Ginintuang

Asno), na kinabibilangan ng Cupid at Psyche: A Story. Ang Metamorphoses ay ang nag-iisang sinaunang nobelang Latin

na napreserba nang buo. May malaking kaugnayan sa relihiyon at mga prinsipyo ng sangkatauhan ang mga akdang gawa

ni Apuleius. Nakatagpo siya ng kamatayan pagkalipas ng 180 CE.

III. ANG AKDA

 MGA TAUHAN

Si Cupid na diyos ng pag-ibig at ang mapapangasawa ni Pysche. Siya ay inutusan ng kaniyang ina na si Venus na paibigin

si Psyche sa isang nilalang ngunit hindi niya ito ipinagpatuloy sa halip siya ang napaibig dito. Hindi niya muna pinakita

ang tunay niyang pagkatao kay Psyche sapagkat gusto niyang alamin kung siya ay dapat pagkatiwalaan. Ipinaglaban pa

rin ni Cupid sa kaniyang ina na si Venus ang pagmamahalan nilang dalawa kahit na hindi sila suportado ng kaniyang ina.
Si Venus na diyosa ng kagandahan na matagal ng sinasamba ng karamihan, ngunit duamating si Psyche na minamahal ng

kaniyang anak na si Cupid na kahit anong selos at galit ang kaniyang nararamdaman laban kay Psyche ay nanaiig parin

ang pagiging ina at tinangap niya parin si Psyche bilang manugang.

Ang Haring Ama ni Psyche ay nag-aalala sa kaniyang paboritong anak na si Psyche sa kadahilanan na baka siya

tumandang dalaga. Kaya’t lumapit siya kay Apollo upang humingi ng payo. Ani ni Apollo na isang halimaw ang

nakatakda na makapangasawa nito. Alalang-alala ang kaniyang ama sa kadahilanan na baka mapunta sa peligro ang

buhay ng kaniyang anak na si Psyche. Sa labis na pag-aalala ay pinaniwalaan niya parin si Apollo at ipinadala si Psyche

sa taas ng bundok upang siya ay masundo ng kaniyang asawa.

Sa akda, si Psyche ay isang anak ng hari at siya ang pinakamaganda sa tatlong magkakapatid. Siya ang mapapakasalan ni

Cupid, ngunit nakaranas din siya ng pagpaparusa galing kay Venus dahil sa pagkaramdam ng paninibugho nito. Hindi

nagpatinag si Psyche, siya ay natapang at itinuloy ang paglalakbay sa kabila ng takot at kaba. Siya rin ay mausisa, at ang

pagiging mausisa ay nagdulot ng kaguluhan sa kaniyang buhay. Sa kabila ng mga pagkakamali, natutuhan ni Psyche ang

mga aral at naging matagumpay sa pagganap ng kaniyang karakter sa akda.

May mga karakter na tumulong kay Psyche sa kaniyang paglalakbay, isa na rito ang agilang tumulong kay Psyche sa

pagtawid sa Ilog ng Styx. Ang agilang ito ay naging tagapagligtas ni Psyche dahil siya ay inaapi ni Venus. Si Venus ay

nag-utos kay Psyche na hindi nito magagawa nang mag-isa, sapagkat kinakailangan ng pakpak upang matupad ang

kagustuhan ni Venus. Ipinakita ng agila ang kanyang kabaitan at lumipad upang tulungan si Psyche sa kanyang misyon.

Mayroon ding asong may tatlong ulo na nagbabantay sa isang pintuan ng palasyo. Upang makapasok sa palasyo,

kinakailangang pakitaan ng kabaitan ang aso at paamo ito. Isang paraan para gawin ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay

ng cake sa aso, na magiging dahilan para ito ay maging maamo at pumayag na papasukin ka sa loob ng palasyo.
Si Charon ay isang manlalayag. Siya ang may ari ng bangka na sinakyan ni psyche patungong underworld para gawin ang

inuutos ni venus.

Si Zephyr ang hari ng hangin. Siya ang nagdadala kay Psyche papunta sa bago nitong tahanan o kaharian kasama si

Cupid. Siya rin ang hangin na nagdadala paakyat sa kaharian at pababa sa kapatid na babae ni Psyche.

Si Proserpine ang Reyna sa ilalim ng lupa at ang asawa niya ay si Hades. Sa kanya humingi ng isang kahon ng

kagandahan si Psyche bilang utos ni Venus.

Si Jupiter ay ang diyos ng mga diyos at tao. Sakanya humiling si Cupid na sana ay hindi na sila gambalahin ng kanyang

ina na si Venus. Pumayag ito sa hiling ni Cupid at ipinakasal sila Cupid at Psyche. Si Jupiter rin ang nagbigay kay Psyche

ng pagkain na kinakain ng mga diyos at diyosa para maging imortal. Siya ang may pinaka malaking tulong sa istorya na

ito. Siya rin ay isa sa mga mahahalang tauhan dahil siya ang nagging tagapag-bigay payo kay Psyche at Cupid kung ano

ang nararapat nilang gawin. Huli, siya rin ang nag basbas sa kasal ng dalawang magkasintahan na sina Cupid at Psyche.

Si Apollo ay ang dapat na pagtatanungan ng tatay ni Psyche ng payo kung paano makakahanap ng maayos na lalaki ang

kanyang anak. Ngunit naunahan na pala sila ni Cupid sa pagkausap kay Apollo paukol kay Psyche. Dahil si Cupid ang

unang nakausap ni Apollo, nagsinungaling siya sa Hari o ang ama ni Psyche. Sinabi niya na ang mapapangasawa ng

kaniyang anak ay isang nakatatakot na nilalang ngunit ito ay hindi katotohanan. Siya ay ang Diyos ng propesiya, araw,

musika at liwanag. Siya rin ang nagbigay ng propesiya sa Haring ama sa kaawa-awang kapalaran ng kaniyang anak na si

Psyche.

 BANGHAY

Sa simula, ipinakilala si Psyche bilang isang napakagandang prinsesa. Ang pagkilala kay Psyche ay nagbibigay-diin sa

kanyang kagandahan na siyang pangunahing tema ng kwento. Bagamat ito ay mahalaga sa kwento, may mga kritiko na

nagmamarka na ang labis na pagpapahalaga sa kagandahan ay nagpapalabas na tila wala nang ibang halaga o kakayahan

si Psyche maliban sa kanyang pagiging maganda. Ito ay maaaring masama sa mga kababaihan bilang ito ay nagbibigay-

diin sa kanilang pisikal na anyo bilang ang pinakamahalagang aspekto ng kanilang pagkakakilanlan.

Sa kalagitnaan ng kwento, napaliligiran si Psyche ng mga kaganapan at pagbabago. Naging sentro ng kwento ang pag-ibig

sa pagitan niya at ni Kupido, na naging isang mahiwagang asawa ni Psyche na hindi niya nakikita ang hitsura. Sa

bahaging ito, nagkaroon ng mga pagsubok si Psyche, kabilang ang mga gawain na ipinag-utos sa kanya ni Aphrodite.
Maaaring ituring itong pagpapakita ng pagiging makapangyarihan ni Aphrodite at ang pagtukoy ng kanyang mga utos na

may malupit na kabayarang pisikal at emosyonal para kay Psyche. Ito rin ang bahagi kung saan makikita ang pag-usbong

ng karakter ni Psyche bilang isang determinadong babaeng naghahangad ng kanyang pagmamahal.

Sa wakas ng kuwento, nagkaroon ng pagwawakas sa mga pagsubok ni Psyche. Nagkaroon sila ni Cupid ng kasunduan at

nagkaroon ng pagpapatawad. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahalan at sa huli, sila ay pinagpala ni Zeus at

nagkaroon ng masayang buhay.

Bagamat sa huli ang nagbigay-daan sa pagkakasunduan at kaligayahan ng mga pangunahing tauhan, may mga kritiko na

nagsasabi na ang resolusyon ng kwento ay maaaring tila labis na magaan o madaling natapos. Maaaring maging magaan

na resolusyon ng pagpapatawad at ang pagkakaroon ng masayang buhay, ngunit maaaring may mga oportunidad na

nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa mga pangunahing tauhan at mga tema ng kwento.

 TAGPUAN

Ang mga iba't ibang tagpuan na ito ay nagbibigay-kahulugan sa pag-unlad ng kwento ng pag-ibig at paglalakbay ni

Psyche patungo sa kanyang kaligayahan kasama si Cupid.

Ang kwento ng "Cupid at Psyche" ay naglalaman ng magkakaibang mga tagpuan, kabilang ang magarang palasyo ni

Psyche, ang bundok, at ang Underworld. Ang pagkakaroon ng mga maalamat na tagpuan ay nagbibigay-dagdag na kulay

at kabigha-bighani sa kuwento. Subalit, maaaring ituring itong kakulangan na ang mga tagpuang ito ay tila labis na

pantasya o hindi konektado sa totoong buhay. Ang mga tagpuan ay maaaring nagpapalakas sa kuwento sa isang aspeto ng

kabigha-bighani, ngunit naging mahirap itong suriin ng mga mambabasa.

Sa umpisa ng kwento, ipinakilala na ang kalagayan at kaharian ni Psyche, na mayaman at napapaligiran ng luho.

Ipinapakita nito ang pangunahing pagkakakilanlan ni Psyche bilang isang magandang prinsesa. Subalit, ang maagang

tagpuan ay tila mas nakahihigit ang sobrang pagkakapokus sa kagandahan ni Psyche at ang kabiguan ng kanyang

magulang na hanapan siya ng asawa.

Nakabibighani ang mga pagbabago ng tagpuan sa kwento, kabilang ang paglalakbay ni Psyche sa bundok, ang

pakikipagtulungan niya sa mga diyosa, at ang pagpunta niya sa Underworld. Ngunit maaaring makita itong kakulangan na

ang mga tagpuang ito ay parang mga hadlang lamang sa pag-usbong ng karakter ni Psyche. Ang mga pagbabago sa
tagpuan ay maaaring nagpapakita ng mga pagsubok sa kanyang buhay, ngunit may mga bahagi na tila ba hindi natutugma

nang maayos sa pangunahing kuwento at nakaaapekto sa mga mambabasa.

Isa sa mga kakila-kilabot na aspekto ng kwento ay ang makulay na paglalarawan ng tagpuan, partikular na ang

Underworld. Ang paglalarawan na ito ay nagbibigay ng diin sa emosyonal at pisikal na paglalakbay ni Psyche sa makulay

na mundo ng kamatayan.

Ang tagpuan sa kwento ng "Cupid at Psyche" ay may mga aspekto na nagbibigay-daan sa kabigha-bighani at makulay na

kuwento, ngunit may mga pagkukulang din na naging hadlang sa pag-unawa sa mga pangunahing mensahe ng kwento at

sa pagkakaugnay ng mga bahagi nito. Isa sa mga ito ay ang paulit-ulit na pagbabago ng tagpuan. Hindi pa nabibigyang

pokus ang isa, may panibagong tagpuan nanaman ang maipapakita. Hadlang ito sa pag-unawa ng mensahe sa kuwento at

maaaring maipahiwatig sa mambabasa na hindi pantay ang distribusyon ng panahon ng tagpuan.

 ESTILO SA PAGSULAT

Ang estilo pagsulat ng “Cupid and Psyche” ay hindi lamang paglalarawan kundi pati na rin imahinasyon. Ipinakikita ito

sa masining na paglalahad ng mga elementong misteryo, kapangyarihan, at milagro. Ang mga mambabasa ay naglalakbay

sa mga lugar na tila hindi katanggap-tanggap at nakakapukaw ng di-mapaniwalaing mga pangyayari. Sa pamamagitan ng

paggamit ng imahinasyon, napaigat ng manunulat ang pang-unawa ng mambabasa sa mga malalim at mistikong konsepto

ng pag-ibig at pagpapakasakit.

Pasalaysay ang estilo ng pagsulat ng “Cupid and Psyche” at dito kumikinang ang kagandahan ng tanyag na mito.

Ginamitan ito ng mga malalalim at maringal na mga salita na makakabuo ng mga pangyayari na maaari nating

mailarawan. Ito ang isa sa mga sanhi kung bakit tinaguriang ito kabilang sa mga panitikang dapat mabasa at mapahalaga

ng kahalatan. Kapag ang kamangha-manghang mga salita ay ipinares sa mga diyos at diyosa na pinapalibutan ng kanilang

mga kataka-takang pangyayari, palaging may bahagi ng realidad sa ilalim nito. Mararamdaman natin ang mga nadadanas

na emosyon ng tauhan sa harap ng mga pagsusubok. Sa pamamagitan ng pagbasa nito, magiging mas mabunga at

malawak ang ating pananaw sa tema at kahulugan ng pagmamahal.

IV. PAGLALAGOM
Bilang pangwakas, matutuklasan natin kung ano ang mga bagay na puwedeng gawin hinggil sa pag-ibig, kung hanggang

saan titigil ang pagtitiwala ng dalawang magka-ibigan, at para magkaroon ng kaalaman hinggil sa mga dapat isakripisyo

nang sa gayon hindi mawasak ang isang pangako’t pagtitiwalang mahirap ibalik.

Naipakikita ang mga sumusunod na isyung panlipunan na masasalamin sa akda. Unang-una ang patungkol sa katangian ni

Psyche, kaakit-akit ang kagandahan niyang walang sino man ang makapapantay at maski si Venus, ina ni Cupid, ay

nalamangan niya. Ngunit tila naipakikita na nalilimitahan ang kanyang kakayahan sa pagiging babae, ipinalalabas na wala

ng ibang kakayahan si Psyche kundi ang pagiging maganda at ito ay kumokonekta sa isang isyung panlipunan na

dinaranas ng karamihan, ang seksismo. Nagkakaroon ito ng maling pagkakakilanlan sa mga kababaihan lalo na sa

kanilang pisikal na anyo at sa aspekto ng kanilang pamumuhay, sapagkat ang mga pribilehiyong binibigay ng kanilang

kagandahan ay hindi nagsisilbing malaking tulong upang makaraos sila sa mga pagsubok na inilahad sa kanila.

Maikokonekta natin ito sa nangyayaring paglalahat ng mga tao ukol sa mga kababaihan. Kagaya ng pagiging estereotipo

ng karamihan, ito’y nagreresulta ng sunod-sunod na pangyayaring negatibo at salungat sa kasariang kababaihan.

Panghuli, ang isang totoong pagmamahalan hinding-hindi susuko kailanman, subalit hindi natin maiiwasan ang mga di

kanais-nais na sitwasyon sa ating buhay. Mayroong mga sitwasyon sa buhay natin na kagaya ni Psyche, hahamunin tayo

ng tadhana at palalayuin sa mga taong mahal natin. Pero kahit anong pagsubok man ang ating mararanasan, ipaglalaban

natin ang ating minamahal hanggang sa dulo ng hangganan. Kapag katulad tayo ni Psyche na handang isakripisyo ang

lahat, maibalik lamang sa kanya ang pagmamahal at dating pinagsamahan nila ni Cupid, hinding-hindi mabubuhay ang

pag-ibig kung walang pagtitiwala sa isa’t isa. Ang pagmamahal ay isang sakripisyo. Tulad ng ginawa si Cupid na payagan

si Psyche sa mga kanais-nais niyang makita ang kanyang mga kapatid, kahit nagbabala na si Cupid na may dala silang

panganib at kahit ito’y labag sa kanyang loob. Nagawa iyon ni Cupid sapagkat ang kanyang pagmamahal kay Psyche ay

siyang walang makagagaya.

TALASANGGUNIAN:

Ville, C. A. P. W. (2015, May 26). CUPID AT PSYCHE (Mitolohiya) Panitikang Miditerranean. Cupid and Psyche.

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-psyche-mitolohiya-panitikang.html?m=1

Apuleius, C. A. P. L. (2020, January 14). Cupid and Psyche. Cupid and Psyche. https://sites.pitt.edu/~dash/cupid.html

You might also like