You are on page 1of 7

ARALIN 2: CUPID AT PSYCHE: MITO MULA SA ROME, ITALY

PAMANTAYAN
Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mag-aaral ay nakbubuo ng kritikal na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang
panpanitikang Mediterranean

Mga kasanayan ng Pagkatuto (MELC):


 Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa: sariling
karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig. (F10Pn-Ia-b-62)

PANGKALAHATANG PANUTO
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 Modyul 1 ukol sa Cupid at Psyche: Mito mula sa Rome, Italy. Ang modyul
na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Maliban nalamang kung ito ay mga pagtataya o gawain.
2. Huwag kalimutang sagutin ang mga katanungan bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Map of Conceptual Change: Pagsasagot ng KWHL
Kikilatisin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman tungkol sa kaugalian ng mga mamamayan
sa Mindanao. Punan ng impormasyon ang mga bahaging K, W at L lamang.

K W L
Ano ang iyong nalalaman Ano ang gusto mong Ano ang inyong natutuhan
tungkol sa mitolohiya? malaman tungkol sa sa mitolohiya?
mitolohiya?

MOTIBASYON
Panuto: Mag-isip ng isa sa iyong itinatagong sekreto at ito ay iyong i-personal message sa aking messenger.

TRUST
ARALIN/NILALAMAN
Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Rome. Basahin at unawain ito upang matuklasan mo kung paano
nakatutulong ang mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.

CUPID AT PSYCHE

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang
mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay
sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging imortal na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang
dalawa. Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong
magkakapatid at siya ang pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga
namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi
kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapag pagalit sa kanya
ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay
napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal. Dahil
dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang, ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya
ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si
Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang,
ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa
kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na
ng hari. Naging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang
humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi
alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo
sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin
ang kanyang ipapayo. Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang
bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang
anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa bundok na
paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay-malay ang
magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.Naging masaya
naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay
ang hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak.
Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga kapatin niya
na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa.
Inihatid ng hanging Zepyr ang magkapatid sa kaniya ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay may
masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang
kondisyon ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid
ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa isang aksidente nang malaman ito ni Venus ay lalo itong
nagalit kay Psyche at ito ay pinahirapan niya nang husto. Iba-iba ang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay
Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche.
Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama si Venus. Ipinahayag niya sa
lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus.
Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang
pagkain ng nga diyos upang maging imortal.
Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa
kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman. Mga link na may kaugnayan sa Cupid at Psyche:

Alam mo ba na….
Ang mitolohiya na “Cupid at Psyche” ng Rome ay tungkol sa politika, ritwal at moralidad na
ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-Rome hanggang sa
katutubong relihiyon, ang Kristiyanismo. Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga
kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang Taga-Rome na nangyari sa kanilang kasaysayan
ang nilalaman ng mga mitong ito kahit ito ay mahimala at may elementong supernatural.
Tulad ng mitong “Cupid at Psyche” binigyan ng bagong pangalan ang karamihan sa
mga diyos at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ang ibang katangian. Lumikha sila ng mga diyos
at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura.
PAGLINANG
Gawain 1
Panuto: Pagkatapos mong mabasa at malaman ang mitolohiya ng taga-Rome. Isulat ang iyong sagot sa espayo
na nasa ibaba.
1. Ilarawan si Cupid at Psyche. _______________________________________________________________________
2. Ano-ano pa ang katangiang taglay ni;
a. Venus __________________________________________________________________________________
b. Jupiter __________________________________________________________________________________
c. Apollo __________________________________________________________________________________
3. Bakit sinabi ni Cupid na, “Di mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala”?
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Gamit ang concept map, iugnay ang kaisipang nasa ibaba sa iyong sarili at pamilya. Kopyahin sa papel o
isulat sa concept map na nasa ibaba ang iyong sagot.

Sarili
“Hindi
mabubuhay
ang pag-
ibig kung
walang
tiwala” pamilya

PAGPAPALALIM
GAWAIN 3
Panuto: Anong katangian ng mga tauhan sa mitong Cupid at Psyche ang nais mong tularan/ayaw mong tularan at
bakit? Isulat ang sagot sa talaan na inilaan.

Tauhan Katangian dapat tularan Di dapat tularan Paliwanag


1.

2.
PAGLALAPAT
Gawain 4
Panuto: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang “Cupid at Pysche”, paano mo ito maiuugnay sa iyong
sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gamitin ang grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

Sarili Pamayaman

Pamilya Lipunan

INTEGRATION OF FAITH, VALUES AND LEARNING

SANGGUNIAN
WEBSITE
 https://brainly.ph/question/122204#readmore
 https://www.youtube.com/watch?v=fTtK3TTWbjc
 brainly.ph/question/122335
 brainly.ph/question/125984Aral sa Kuwento ni Cupid at Psyche: brainly.ph/question/127574

LARAWAN
 https://www.health.qld.gov.au/__data/assets/image/0037/667666/heartbreak.jpg
 https://static.vecteezy.com/system/resources/thumbnails/000/325/156/small/21.jpg
 https://www.quoteschristian.com/wp-content/uploads/2019/08/Christian-Quotes-about-Trust-17-683x1024.jpg
KOMENTO/MGA NA PUNA

You might also like