You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

Panitikan: Mito

I. Layunin

Sa pagatatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga elemento ng Mito.

2. Nabibigyan kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng pangungusap at paraang


palarawan.

3. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa Mito.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa:

Cupid at Psyche

(Mito mula sa Rome, Italy)

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambath

B. Sanggunian:

Tudla10, Batayang Aklat para sa Ikasampung antas. pp. 59-63

C. Kagamitang Panturo:

Kopya ng aralin, kagamitang biswal, telebisyon, flip chart

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin Joy: Tayo ay manalangin. Ama, maraming salamat


(Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob mo sa
mangunguna sa panalangin) amin, sa panibagong araw na kami ay nagising.
Nawa’y gabayan mo kami at bigyan pa ng
kaalaman para matagumpay naming matalakay
ang aming klase ngayong araw. Amen.

2. Pagbati
• Magandang umaga, mga bata! Magandang Araw rin po!

3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase (Tatawagin ng guro ang pinuno ng bawat row
upang malaman ang miyembro ng grupo na
lumiban sa klase.)

4. Balik Aral
• Bilang pagbabalik aral, ano nga ba ang Val: Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa
tinalakay natin kahapon? kung ano ang nobela at halimbawa nito.

• Magaling! Ngayon ay panibagong leksyon na Lahat: Opo!


naman ang ating pag-uusapan ngunit bago
yan ang maglalaro muna tayo. Gusto niyo ba
iyon?

B. Pagganyak

SINO AKO? HULA, WHO

Magpapakita ang guro ng limang (5) litrato na


siyang huhulaan ng mga mag-aaral

Magsimula na tayo. (Nagpakita ng larawan)

1. Zeus - Siya ang pinuno ng mga diyos at April : Si Zeus po, Sir!
ang diyos ng kalangitan at ng kulog sa
mitolohiyang Griyego.

• Magaling! Bigyan ng tatlong bagsak si ( Palakpak ) 1! 2! 3!


April!

2. Venus - Diyosang Romano ng pag-ibig, Joanna : Si Venus po, Sir!


kagandahan, pagtatalik, pertilidad at
kasaganaan.

• Mahusay, Joanna! Bigyan natin si Joanna ( Palakpak ) 1, 2, 3, 1, 2, 3, love ko to!


ng Mcdo clap.

3. Apollo - Isa siyang diyos na Diether : Si Apollo


gumagabay sa tao upang malaman
ang "kagustuhang banal".

• Tama! Tatlong bagsak para kay Diether! ( Palakpak ) 1! 2! 3!

4. Hades - ay ang diyos ng mga patay at Kathlene : Si Hades po.


kamatayan sa mitolohiyang Griyego.

• Tama! Bigyan ng fireworks clap. 1, 2, 3 1, 2, 3, booogsh! booogsh!

5. Poseidon - Siya ang panginoon at Leandro : Si Poseidon po, Sir!


diyos ng karagatan, kaya't mayroon
siyang kapangyarihan sa pagtaban ng
mga alon, bagyo, at maging ng mga
lindol.
( Palakpak )
• Mahusay! Bigyan ng tatlong bagsak si
Leandro

C. Pagtalakay

Bago natin basahin ang akda marapat na


malaman muna natin kung anong akdang
pampanitikan ito at mga elementong nakapaloob
dito. Ito ay ang Mito.

Mito
• Ang mito ay mga kwento tungkol sa
mga bathala,diyos o diyosa,hari o mga
reyna at maging tungkol sa kabayanihan ng isang
nilalang. Ito ay tungkol din sa pinagmulan ng isang
bagay o pangyayari.

ELEMENTO NG MITO (Tatawag ng isang mag-aaral na babasa)


1. TAUHAN
Ang mga tao, hayop o bagay na siyang
gumaganap ng isang partikular na kilos sa kwento.
2. TAGPUAN
Lugar o pook na pinagyarihan ng mga kaganapan
sa kwento.
3. BANGHAY
a. PANIMULA- Lumilikha ng kaligiran na
makapaglarawan sa tagpuan gayun din sa
ibang detalye ukol dito.
b. TUNGGALIAN- Aksyon ng pangunahing
tauhan na maghahayag ng tunggalian.
c. KASUKDULAN- Pinakamadulang
pangyayari sa teksto.
d. RESOLUSYON-mga resulusyon sa naganap
na tungalian.
e. WAKAS- Kinalabasan o kinahantungan ng
aksyon ng pangunahing tauhan.

Kung inyong mapapansin pareho lamang ang


elemento ng Mito at ibang akdang pampanitikan
sa anyong prosa kaya madali na lamang sa inyo
ang pagtukoy nito.

C. Paghahawan ng Sagabal

Bago ninyo basahin ang Mito subukan muna


nating bigyang linaw at bigyan pagpapakahulugan
ang mga salitang mahirap maunawaan na
matatagpuan sa akda.

Panuto: Piliin sa kahon ang imahe na naglalarawan


ng kasing kahulugan ng salitang
may salungguhit.
Masaya
Selosa
Pagsusulit

Maganda
Walang hanggan Palasyo

________1.Si Maria ay mala-Venus ang mukha.


________2. Mainggitin na bata ang anak ni
Petra.
________3. Ang tayog ng tirahan ng hari at
Reyna na napapalibutan ng maraming kawal. Joy : Maganda
________4. Pumasa si Mortlob sa pagsubok Kimberly : Selosa
na ibinigay ng guro.
________5. Ang Pag-ibig ng Diyos ay Ferlyn : Palasyo
Walang katapusan.
Joshua : Pagsusulit
D. Pagbasa ng Tanong
Clowie : Walang hanggan
Ngayon ay nabigyan linaw na natin ang
mahihirap na salita na tinataglay ng
Mito, ngunit bago natin lubusang
basahin ang mitolohiya narito muna
ang mga tanong na magsisilbing gabay
ninyo upang lubos na maunawaan ang
mensahe ng mito.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa


kwento?
2. Ano-anu ang katangian nila?
3. Sa iyong palagay bakit itinago ni Cupid
ang tunay na pagkatao kay Psyche?
4. Bakit ganun na lamang ang inggit ni Venus kay
Psyche? Ihalintulad ito sa kaugaling crab-mentality
ng mga Pilipino.
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang
kalooban ni Venus na maging manugang si
Psyche?
6. Bilang isang diyosa ano ang hindi magandang
katangian mayroon si Venus? Ihalingtulad ito sa
mga lider sa
lipunan.
7. Kung ikaw ay iibig ano ang mga pamantayan mo
sa paghanap ng iyong kabiyak?

E. Pagbasa ng Tahimik
Bago natin tuluyang basahin ang mito, bigyang
pansin muna natin ang infographics sa pisara.
Ngayon, pakipasa ng mga kopya ng babasahin at
basahin ng tahimik ang mitolohiyang “Cupid
At Psyche” Mayroon kayong 10 minuto para ito’y
basahin.

F. Pagsagot sa mga tanong

Makaraan ninyong basahin ang Mito, atin namang


alamin kung ito ba ay lubusan ninyong naunawaan
at ating sagutin ang mga tanong na binasa kanina.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa


kuwento?

2. Ano-anu ang katangian nila?

Clowie : Ang mga pangunahing tauhan po ay sina


Diyosang Venus, Psyche at Kupido.

Chrisa : Si Venus po ay maganda, pilya, bisyoso,


palalo, seloso, makapangyarihan at
maykalupitang ina kay kupido siya rin po ay
mapangmataas. Si Psyche naman ayisang
ubod ng gandang dalaga, may kabaitan,
3. Sa iyong palagay bakit itinago ni Cupid ang masunurin at mapagmahal sa kapatid at
tunay na pagkatao kay Psyche? magulang ganun din kay kupido. Si Kupido
naman po ay masunuring anak, mapagmahal,
makisig, at maawaain. Maalaga rin siyang
asawa kay Pyche.
4. Bakit ganun na lamang ang inggit ni Venus
kay Psyche? Ihalintulad ito sa kaugaliang Rosal : Marahil natatakot po ito dahil sa kanyang
crab-mentality ng mga Pilipino. inang si Venus at marahil ay natatakot siyang
hindi rin siya mahalin ni Psyche pag siya
nasilayan nito.
5. Bakit sa wakas ay naging panatag na
ang kalooban ni Venus na maging manugang si Lei : Dahil si Psyche po ay tumalo sa ganda at
Psyche? kasikatang taglay niya. Nabaliwala siya ng
madla dahil sa kakaibang ganda ni Psyche.
6. Bilang isang diyosa ano ang hindi Ang kaugalian pong ito ay likas sa ilang Pilipino.
magandang katangian mayroon si Venus?
Ihalingtulad ito sa mga lider sa Lipunan. Gellen : Dahil napakita niyang masaya ang
kanyang anak na si Kupido kay Pysche at ang
pagiibigan ng dalaway ay dalisay at totoo.

Rhea : Dapat ay hindi po siya mapagmataas,


maingitin at malupin. Dahil ang isang diyosa
7. Kung ikaw ay iibig ano ang mga ay dapat kinalulugdan sa kanyang mga
pamantayan mo sa paghanap ng iyong katangitanging pag-uugali. Si Venus ay parang
Kabiyak? lider sa kasalukuyang lipunan na ginagamit
ang kapangyarihan sa hindi tamang paraan at
inaabuso ang kapangyarihang mayroon siya.

Kyle : Marahil po ay taong hindi lamang maganda


G. Paglalapat ang panlabas na katangian ngunit taong may
mabuti rin kalooban. Marahil siya ay
Okay! Ngayon ay atin nang natalakay ang Mito kinakailangang mabait, magalang, masiyahin
nakita rin natin ang nakapaloob ditong elemento. at tanggap ako bagkus ang aking kahinaan.
ang Tauhan, Tapuan at Banghay. Ngayon, gamit ng
grapikong pantulong, ilarawan ninyo ang banghay
ng mito

Hahatiin ko kayo sa limang pangkat. Ang unang


pangkat ay ipapaliwanag ang panimula, ang
Ikalawa ay ang tunggalian, ikatlo ang Kasukdulan,
ikaapat ang resolusyon at pang lima ang wakas.

Magsimula nang bumilang para sa inyong


pagpapatangkat-pangkat. 1, 2, 3, 4, 5, 1, 2, 3, 4, 5, …..

IV. Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang mga salitang binibigyang kahulugan sa bawat bilang.Isulat sa ¼ na papel.

1.Lugar o pook na pinagyarihan ng mga ganapan sa kwento.

2.Kinalabasan o Kinahantungan ng aksyon ng Pangunahing tauhan.

3.Pinakamadulang pangyayari sa teksto.

4.Mga kwento tungkol sa mga bathala,diyos o diyosa,hari o mga Reyna at maging tungkol sa
kabayanihan ng isang nilalang. Ito ay tungkol din sa pinagmulan ng isang bagay o pangyayari.
5.Aksyon ng pangunahing tauhan na maghahayag ng tunggalian.

V. Takdang Aralin

Humanap ng isang Mitolohiyang nakabanghang at ibigay ang 3 elemento ng Mito ( Tauhan, Tagpuan, at
Banghay)

Dagohong, Luis Andrei N.

Saranate, Val John

Tarazona, Kyle Kier

Bsed Filipino 2-A

You might also like