You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.


Banghay Aralin sa Filipino 10

Mag Kompetensi:

Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mga mag-aaral ang


pang unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakakabuo ng kritikal


na pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol sa alimang akdang
pampanitikang Mediterranean..

A. Pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto:

Naipapahayag mahalagang kaisipan sa napakinggan ( F10PN-Ia-b-62)

Mga tiyak na layunin:

A. Naipapahayag ang mahalagang kaisipan at pananaw tungkol sa


mitolohiyang "Cupid at Psyche"

B. Nabibigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng


pangungusap at paraang palarawan.

C. Nasusuri ang nilalaman elemento at kakanyahan ng binasang


mitolohiya.

II. Paksang Aralin

Paksa: Cupid at Psyche

Sanggunian: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Modyul ng


mag-aaral sa Filipino 10)
Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Ano ang damdamin ninyo sa inyong napakinggang awitin?

2. Anong nais iparating na mensahe ng pakinggang awitin?

D. PAGLINANG NG TALASALITAAN !

Panuto: Bigyan ng katumbas na pahayag ang mga salita at gamitin ito sa


pangungusap.

1. Walang kamatayan - walang katapusan

2. Masidhi - Maalab

3. Lumakas - Tumindi

4. Nahimok - Nahikayat

E. Pag tatalakay sa paksa

Magpapabasa ang guro ng isang mitolohiya at pinamagatan itong


"Cupid at Psyche" sa pamamagitan ng dugtungan na pagbasa.

Cupid at Psyche

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.

Isa sa tatlong magagandang magkakapatid si Psyche. Ngunit sa lahat,


siya ang may pinakalutang na kagandahan.

Kahit ang diyosang si Venus ay walang panama sa kaniya. Napabayaan


na nga ang diyosa ng mga tao at hindi na nag-aalay ng bulaklak sa
kaniya.
Dahil dito, inutusan nito ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa
isang pangit na nilalang. Gayunman, si Cupid ang nabighani sa
kagandahan ni Psyche.

Imbes na gamitin ang pana para kay Psyche, ay pinabayaan niya lamang
itong mamuhay ng normal at tumaliwas sa utos ng ina.

Nang mag-asawa ang mga kapatid ni Psyche, humingi siya ng payo kay
Apollo kung sino ang dapat mapangasawa niya.

Sinabi naman ni Apollo ang mga dapat gawin. Naghanda sila para sa
kasal na gagawin sa bundok.

Nauna na palang kausapin ni Cupid si Apollo kaya naman siya ang


itinakdang mapangasawa ni Pysche.

Naging masaya naman ang dalawa kahit may kondisyon si Cupid na


hindi maaaring makita ang kaniyang mukha.

Dahil sa kagustuhang malaman ng mga kapatid ni Psyche ang hitsura ng


asawa, tinanggal nila ang maskara nito at tumambad ang magandang
mukha ni Cupid.

Nalaman ito ni Venus at binigyan ng pagsubok sina Psyche at Cupid na


nalagpasan naman nila at nagsama sila nang matiwasay.

Analisis 2

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni pysche na nagdulot ng mabigat na


suliranin sa kaniyang buhay?

2. Bakit ganun na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?

3. Bakit tinago ni Cupid ang tunay na pagkatao nya kay Psyche?


F. Abstraksyon

Panuto: Basahin at sagutin ang tanong.

Kung ikaa si Psyche tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa


pag-ibig ? Bakit??

G. Aplikasyon

Hatiin ang klase sa tatlong pangkat

Unang pangkat Psyche

- Umawit ng kanta patungkol sa pag-ibig

Pang dalawang pangkat Cupid

- Sumulat ng tula tungkol sa pag - ibig

Pang tatlong pangkat Venus

- Gumuhit ng isang poster

PAMANTAYAN SA PAG MAMARKA

Pamantayan Puntos
Malinaw na pagkakalahad ng 5
detalye
Mahusay na niugnay ang 3
presentasyon
Lahat ng grupo ay nakipag 2
kooperasyon
Kabuuan:

H. Ebalwasyon

Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na


binanggit.
Tama 1. Ayon kay Cupid. "Hindi nabubuhay ang pag-ibig
kung walang pagtitiwala"?
Tama 2. Dumanas ng maraming pagsubok si Psyche para
maipaglaban ang pagmamahal?
Tama 3. Si Venus ang kinikilalang diyosa ng pag-ibig?
Tama 4. Imortal ang tawag sa nilalang na walang kamatayan at
walang katapusan
Tama 5. Pinakamaganda sa tatlong magkakapatid si Psyche.

IV. Takdang Aralin:


Gumuhit ng na simbolo ng pag-ibig

You might also like