You are on page 1of 13

FILIPINO 10

UNANG MARKAHAN

Grade Level Standards:


Pagkatapos ng Ikasampung Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit
ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang pandaigdig tungo sa
pagkakaroon ng kamalayang global.

Modyul 1 Mga akdang Pampanitikan ng Mediterranean


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
Pamantayan sa pagganap: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na
pagsusuri sa mga isinagawang critique tungkol
sa alinmang akdang pampanitikang
Mediterranean.
ARALIN : 1.1
A.Panitikan: Mitolohiya
Most Essential
B. Wika at Gramatika: Angkop Learning
na GamitCompetencies
ng Pandiwa Bilang
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ia-b-62)
Naipahahayag mahahalagang Aksiyon, Karanasansaatnapakinggang
kaisipan/pananaw Pangyayari mitolohiya.
PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ia-b-62)
Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
binasang akda sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya,
pamayanan, lipunan, at daigdig
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ia-b-61)
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ia-b-64)
Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay.
PANONOOD (PD) (F10PD-Ia-b-61)
Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya
WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ia-b-57)
Nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad ng aksyon,
karanasan at pangyayari.
Narito ang isa sa mga mitolohiya ng Rome.Isinalaysay ni Apuleus,isang manunulat na
Latino.Basahin at unawain mo ito upang matuklasan mo kung paano nakatutulong ang
mitolohiya sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino
Cupid At Psyche (Buod)
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si
Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinangaan ng mga kalalakihan at
kahit ang kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.Dahil dito, ang lahat
ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan
ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.Ngunit taliwas ito sa
nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang beses pa lamang nya
itong nakita.Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman
dito si Venus.Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa
isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila
walang nangahas na umibig kay Psyche.Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche
kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng payo.Ngunit lingid sa kaalaman ng mga
magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng
plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga
at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang
halimaw.Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang
kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.Noong nasa tuktok na ng bundok
si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang
naghihintay sa kanya.Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng
hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng
mababangong bulaklak.Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang
kalungkutan at agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog
at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Diyos.Napakaganda nito,
ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang
sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may
inihandang piging.
Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain. Sa
pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya.Tulad ng mga tinig na di nya
nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na
akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang
hinihintay.Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid
ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si
Psyche na magpakita sa mga kapatid.Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche
kahit naririnig niya ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay
nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang- ayon
ang lalaki.Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad
nagkita ang magkakapatid.Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na
halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil
ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking
mapapangasawa.Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang
lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng
malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.Wari nya ay ito
na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay
inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang
dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong
umalis.Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.Narinig na
lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.Umuwi si
Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman
ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang isang Diyosa.
Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang
mga ito ay tumangging makaaway si Venus.Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay
napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang
mapapangasawa.Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang
pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib
na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan
mula kay Proserpine.
Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus
at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na
silang gambalain ng kanyang ina.Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si
Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang
"Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.
Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din
itong Dyosa.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-Ia-b-62)

Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa


napakinggang mitolohiya

Gawain 1. Pagbibigay ng mga kaisipan/pananaw tungkol sa binasa.


1. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na
suliranin sa kanyang buhay?

2. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ng hamon ni Venus para sa


pag-ibig? Bakit?

3. Paano nalampasan ni Psyche ang lahat ng pagsubok na pinagdaanan nya


para sa minamahal?

Gawain 2: Kaisipan nito, Ipahayag mo!


Panuto: Magbigay ng iyong pahayag ng ilang mahahalagang kaisipang taglay
ng akdang “Cupid at Psyche”.
1.” Maging maingat sa pagtitiwala at paggawa ng desisyon”
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. “Huwag magpaapekto sa mga pagsubok na bumabalakid sa pag-abot ng
mga mithiin sa buhay”
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ia-b-62)


Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa
binasang akda sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya,
pamayanan/lipunan at daigdig.

Gawain 1: Block Arrows


Iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyari sa sarili, pamilya,
pamayanan/lipunan, at daigdig.
Gabay na Tanong:
Paano mo maiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa iyong sarili, pamilya,
pamayanan/lipunan, at daigdig?
SARILI
____________________________
____________________________

CUPID AT PSYCHE

PAMILYA PAMAYANAN/LIPUNAN
___________________ _____________________
----------------------------- ---------------------------------

DAIGDIG
___________________________
___________________________
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-Ia-b-61)
Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian
nito.

Ang SALITA ay may iba”t ibang kayarian


 Payak
 Maylapi
 Inuulit
 Tambalan
PAYAK – Binubuo ng salitang-ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin
nagkakaroon ng pag-uulit.
Halimbawa:

sabi dumi hugas alis

MAYLAPI – Ito ay binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi.


Halimbawa:
sinabi hugasan magtakbuhan umalis madumi
INUULIT – Salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o buong salita
Halimbawa:
Maduming-madumi aalis-alis daladalawa sabi-sabi tatakbo
TAMBALAN- binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang
salita
May dalawang uri
1.Tambalang di-ganap – kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay
nananatili ang kahulugan.
Halimbawa: Silid-aralan Punong-kahoy
2. Tambalang ganap – nagbabago ang kahulugan ng salita o nagkaroon ng
pangatlong kahulugan sa pagtatambal ng dalawang salita.
Halimbawa:
Bahaghari kapitbahay
Gawain 1:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
Salita Kahulugan Kayarian
Halimbawa: Gambalain Sagot: nang-iistorbo Sagot: Maylapi
1. imortal
2. nalibang
3. tuwang-tuwang
4. punyal
5. buong-tapang
Gawain 2
Panuto: Iayos ang mga titik upang bumuo ng salita na ang kahulugan ay nasa kanan
ng bawat bilang.at kilalanin ang kayarian nito.
Salitang buuin Kahulugan Kayarian
1. ONGBUPALIM Nanaig ang pagkainggit

2. TOIMOLAYHI Kwento tungkol sa mga


diyos at diyosa
3. LAMOTRI Walang kamatayan,walang
katapusan
4. BROMAASI Pagkain ng Diyos-diyosan

5. UYOBAN Nahimok,nahikayat

Gawain 3
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat bilang,
pagkatapos, gamitin sa makabuluhang pangungusap.
1. Hindi umibig si Psyche sa nakapangingilabot na nilalang at higit pang
nakapagtataka, hindi siya inibig ng sinuman.
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Nahapis ang ama at ipinarating sa pamilya ang malulungkot na balita.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Pupuntahan niya ito at itatarak ang patalim sa katawan nito nasa isip niya ay
katawan ng isang nakahihindik na halimaw.
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Sinindihan niya ang lampara at lumakad nang patiyad sa higaan ng asawa.
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Ang mga langgam ay nakadama ng simpatya kay Psyche, kaya inihiwalay ng mga
ito ang binhi.
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ia-b-64)


Naipahahayag nang malinaw ang sariling
opinyon sa paksang tinalakay

Gawain 1.
Panuto: Matapos mong mabasa ang Cupid at Psyche ,Ano ang masasabi mo
sa katanungan?.
a. Paano ba mapapatunayan kung ang isang pag-ibig ay wagas? Ano-ano ang
maaaring gawin ng isang tao upang mapatunayang malinis at wagas ang kanyang pag-ibig?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Gawain 2.
Panuto: Ipaliwanag ang pahayag sa ibaba batay sa sariling opinyon.

Paksa: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang pagtitiwala”.


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________

PANONOOD (PD) (F10PD-Ia-b-61)


Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na
cartoon ng isang mitolohiya
Panoorin sa Youtube ang alamat ni Tungkung Langit at Alunsina
(https://www.youtube.com/watch?v=H0l0X_zdCjw&t=54s) o Basahin nalang
alamat na ito.
Alamat ni Tungkung Langit at Alunsina
Tungkung Langit at Alunsina, sila ang unang lalake at babae sa daigdig at ang pinag-
ugatan ng buhay. Nabighani silang dalawa sa kanilang kakisigan at kagandahan at sa bawat
pagsikat at paglubog ng araw ay natutuhan nilang mahalin ang isa’t-isa.  Nagkaisang dibdib
sila at nagsama bilang magkabiyak. Si Tungkung Langit bilang lalake, siya ang nagtatrabaho
at gumagawa ng mga mabibigat na gawain. At si Alunsina bilang babae, siya ang naiiwan sa
kanilang tahanan. At kaya hindi niya  maiwasan na mainip na nagdulot naman sa pagtatalo
nila dahil ayaw siyang payagan ni  Tungkung Langit na tumulong kahit na magkaparehas
lang silang bathala na may  kapangyarihan. Ngunit umiral parin ang pagmamahalan nila sa
isa’t-isa. Isang araw  nagpaalam si Tungkung Langit kay Alunsina na matagal siyang
mamawala at meron  lang siyang tatapusin. Nagmamadaling umalis si Tungkung Langit na
parang mas  importante pa sa kanya ang pupuntahan niya kaya nanghinala si Alunsina at
sinundan  niya ito. Natunugan siya ni Tungkung Lahit at nagalit sa kanya. At sa sobrang
galit, inagaw niya ang kanyang kapangyarihan at pinagtabuyan palabas sa kanilang tahanan. 
Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan ng walang anumang mahalagang bagay. Hubad siya
nang una silang magkita at hubad rin siya ng sila’y maghiwalay. At ng matagal na siyang
hindi nagbalik sa kanilang tahanan ay nabalitaan niya ang pangungulila ni Tungkung Langit
sa kanyang yakap at halik at sa bawat sandali na magkasama sila. Ginawa lahat ni Tungkung
Langit ang makakaya ng kanyang kapangyarihan upang mapabalik siya sa kanyang piling
ngunit kahit anong pagsuyo niya ay tinatanggihan at hindi pinapansin. Nagdalamhati si
Tungkung Langit sa nadama niyang pangungulila at mamuhay nang mag-isa na hindi kasama
si Alunsina. Lumuha nang lumuha si Tungkung Langit, at ang kaniyang pagluha ay nagdulot
sa unang pagkakataon ng pag-ulan. Kapag siya’y humahagulgol, nagbubunga iyon ng
malalakas na pagkulog at pagkidlat. Hindi man lang nalaman at nasilayan ni Tungkung
Langit ang magiging supling nila ni Alunsina at ang pagiging isang pamilya nila.

Mungkahing Estratehiya: Cartoon Network


Panuto: Matapos mong basahin o mapanood ang akda.Tukuyin ang mensahe at
layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ia-b-57)


Nagagamit ng wasto ang pandiwa sa pagsasaad
ng aksyon, pangyayari at karanasan;

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
ANGKOP NA PAGGAMIT NG PANDIWA
BILANG AKSYON, KARANASAN AT PANGYAYARI

1. Aksyon
May aksyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksyon/kilos.
Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping:
-um,mag-,ma-,mang-,maki-,mag-an.
 Maaaring tao o bagay ang aktor
Halimbawa:
Nagtanim ng gulay si kuya.
Pandiwa : Nagtanim
Aktor : Si Kuya
2. Karanasan:
 Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.Dahil dito,may
nakararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
 Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon.Sa
ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
Halimbawa;
Natuwa ang nanay sa regalong natanggap.
Pandiwa : Natuwa
Aktor : ang nanay
3. Pangyayari:
 Ang pandiwa naman bilang pangyayari ay nasasalamin sa aksyong naganap bunga
ng isang pangyayari
 Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Halimbawa:
Magpapakamatay si Bugan dahil hindi biniyayayaan ng anak.
Pandiwa: Magpapakamatay
Pangyayari : dahil hindi biniyayayan ng anak

Pagsasanay 1. Tukuyin Mo,Gamit ko!


Basahing mabuti ang pangungusap at tukuyin ang wastong gamit ng pandiwang
sinalungguhitan;
1. Tumalon si Jessa sa gusali dahil sa sunog.
a. aksyon b. karanasan c.pangyayari
2. Hinatid ni Anton ang kanyang kasintahan sa bahay nito.
a. aksyon b. karanasan c.pangyayari
3. Umiyak si Joe matapos malamang namatay ang kanyang aso.
a. aksyon b. karanasan c.pangyayari
4. Hiniwa niya ang keyk na bigay ng kapatid sa kanya.
a. aksyon b. karanasan c.pangyayari
5. Hindi nasiyahan si Jupiter sa ginawang pagpapahirap ni Venus kay Psyche.
a. aksyon b. karanasan c.pangyayari

Pagsasanay 2. Pagbubuo ng Pangungusap


Bumuo ng tigdalawang pangungusap na may pandiwang ginamit bilang aksyon,
karanasan at pangyayari.
Aksyon Karanasan Pangyayari
1.

2.

Pagsasanay 3. Buhay ko, Isasalaysay ko


Magsalaysay ng mga karanasan mo sa buhay na hindi mo malilimutan.Gumamit ng
hindi bababa sa sampung pangungusap na gagamitan ng sampung pandiwa o higit pa sa
paglalahad ng aksyon, karanasan at pangyayari.Lagyan ng angkop na pamagat
Gamitin ang angkop na pandiwa sa pagsasalaysay ng mga karanasan sa buhay

____________________
Pamagat
____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Pangkalahatang  Pagtataya sa Aralin: 1.1
__________________________________________________________________

Pagtataya sa Aralin 1.1


Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong
Cupid at Psyche?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa
labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kanyang mga kapatid kung paano makakaligtas sa
halimaw na asawa.
2.. Anong suliraning pampamilya ang angkop sa binasang mitolohiya?
a. pagpapahirap ng ina sa anak
b. pananakit ng asawa sa kanyang kabiyak
c. pagtutol ng magulang sa minamahal ng anak
d. pagtataksil sa asawa
3. Kung ikaw ay nakaranas ng hirap na gaya ng kay Psyche, tatanggapin mo rin
ba ang hamon para sa pag-ibig?
a. Opo, dahil masarap magmahal.
b. Hindi po, sapagkat mahirap ang kanyang pinagdaanan.
c. Opo, sapagkat dito masusukat kung gaano ko siya kamahal.
d.Hindi po, hahanap na lamang ako ng ibang mamahalin.
4. Alin ang pinakamabisang kahulugan ng pahayag na “Hindi mabubuhay ang
pag-ibig ng walang pagtitiwala.”
a. Kailangan ng katapatan at pagtitiwala sa isang relasyon upang magtagal.
b.Kung walang tiwala, walang ligaya.
c. Maging tapat sa karelasyon upang huwag mag-away
d. Mauuwi sa kamatayan ang kawalan ng tiwala sa isa’t isa.
5. Ang pagkain ng diyos-diyosan na ipinakain kay Psyche upang siya’y maging
imortal.
a. ambrosia c. Pinakuluang manok
b. Mga pagkaing matatamis d. nilagang tupa

6. Nilisan ni Alunsina ang kanilang tahanan. Ang pangungusap ay isang


halimbawa ng
a. Aksyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Pandiwa
7. ____________si Mae sa pag-alis ng kanyang kaibigan. Anong angkop na
pandiwa ang gamitin kung itoy nagpapahayag ng karanasan?
a. Namatay b. Nalungkot c. Tumakbo d. Umiyak
Para sa 8-10.
Panuto: Tukuyin kung ang mga sinalunguhitang salita ay nagpapahayag ng
aksyon, karanasan at pangyayari .
______________8. Namatay ang kanyang kapatid dahil sa Covid.
______________9. Labis na nabahala ang mga tao ngayon sa kalaban na hindi
nakikita.
_____________10. Pinasusuot ng Mask at pinahuhugas ng kamay ang mga tao
tuwing papasok sa palengke.
Sanggunian:
https://www.marvicrm.com/2017/10/cupid-at-psyche-buod
https://www.academia.edu/37064033/Ang_pandiwa_aksyon_pangyayari_karanasan
Pinagyamang Plumas 10
https://www.myph.com.ph/2011/09/kayarian-ng-salita.html#.XthzyjozbIU
https://www.youtube.com/watch?v=qg7WoRqEQis
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/36702#readmore
https://www.youtube.com/watch?v=H0l0X_zdCjw

Ambat, Vilma C. et. al. 2015. Filipino - Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon. Pasig City: Vibal Group, Inc.
Guerrero, Perla et. al. Kayumanggi Batay sa Kurikulum na K-12. Imus, Cavite: LEO-
ROSS Publications

You might also like