You are on page 1of 24

FILIPINO 10:

(Cupid at Psyche)
Maikling Pasulit

UNANG MARKAHAN
SY:2023-2024
PANUTO: Pakikuha ng inyong kwaderno at sa likurang
bahagi ng inyong kwaderno isulat ang mga sumusunod.
Cupid at Psyche
(Maikling Pasulit)

Apelyido, Pangalan G.P Puntos:___


Baitang at Seksiyon:_______________
Petsa:________
1.
2.
Pirma ng magulang:___
PANUTO

Basahin at unawain ang


bawat pahayag. Pagkatapos,
piliin at isulat sa iyong
sagutang papel ang TITIK ng
tamang kasagutan.
KATANUNGAN:
. Ito ay isang uri ng panitikan na ang
mga kuwento ay napapatungkol sa
mga diyos at diyosa.

a. nobela b. epiko
c. alamat d. mitolohiya
KATANUNGAN:
2. Sino ang may-akda ng mitong
“Cupid ay Psyche”?
a. Lucios Apuleios Madaurensis
b. Locius Apoleius Madaorensis
c. Lucius Apuleius Madaurensis
d. wala sa mga nabanggit
KATANUNGAN:
3. Bakit gayon na lamang ang inggit at
galit ni Venus kay Psyche?
a. Sapakat labis siyang nanibugho sa kagandahan n
Psyche
b. Sapagkat minahal ng kanyang anak si Psyche
c. Sapagkat hindi natupad ang kanyang
kahilingang mapahirapan nang husto si Psyche
d. lahat ng mga nabanggit
KATANUNGAN:
4. Bakit itinago ni Cupid ang kanyang
tunay na pagkatao kay Psyche?
a. Dahil mahal na mahal niya si Psyche
b. Dahil ayaw niyang malaman ni Psyche ang
katotohan tungkol sa kanyang pagkatao
c. Dahil sinunod niya ang inutos ng kanyang
ina na mapaibig si Psyche sa isang halimaw
d.wala sa mga nabanggit
KATANUNGAN:
5. Ano ang kulturang masasalamin sa
mitong Cupid at Psyche na mayroong
pagkakapareho sa Kultura ng mga Pilipino?
a. Ang pagkakaroon ng tiyak na kapangyarihan
b. Ang pagbibigay ng mga mortal ng alay sa mga
diyos at diyosa upang sila ay pagpalain
c. Ang ipinapakitang wagas na pagmamahalan
d. Ang pag-iibigang langit at lupa ang
pagitan
KATANUNGAN:
6. Sino-sino ang mga tumulong kay Psyche
upang pagsama-samahin ang mga
magkakauring mga buto?

a. mga langgam
b. mga ibon
c. mga tao
d. mga diyos at diyosa
KATANUNGAN:
7. Bakit nagkaroon ng sugat si Cupid?
a. Siya’y natusok ng punyal na dala ni
Pysche
b. Siya’y natamaan ng matulis na bagay
c. Siya’y natuluan ng langis mula sa
lampara
d. wala sa mga nabanggit
KATANUNGAN:
8. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag
ng tunay na pagmamahal batay sa mitong
Psyche at Cupid?
a. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
b. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal
niya kay Cupid.
c. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay
sa labis na pagsisisi.
d. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano
makaliligtas sa halimaw na asawa.
KATANUNGAN:
9.Anong aral ang ating mapupulot tungkol
sa pagmamahalang Cupid at Psyche.
a. Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
pagtitiwala
b. Huwag sumuko kaagad sa anumang pagsubok na
darating sa iyong buhay
c. Walang makahahadlang sa tunay at wagas na
pagmamahalan
d. lahat ng nabanggit
KATANUNGAN:
10. Ano ang naging kapalaran ni Psyche
na labis na kinaiinggitan ng kanyang mga
kapatid.
a. Siya’y naging isang imortal
b. Siya’y nakatira sa isang palasyo punong-
puno ng iba’t ibang nagagandahang ginto.
c. Siya’y nagtataglay ng kapangyarihan
d. lahat ng nabanggit
KATANUNGAN:
11. Kanino lumapit ang ama ni Psyche upang
humingi ng tulong sa magiging kapalaran ng
anak?

a. Jupiter b. Apollo
c. Venus d. Zephyr
KATANUNGAN:
12. Saang bansa nagmula ang mitolohiyang Cupid at
Psyche?

a. France b. Greece
c. Asia d. Rome
KATANUNGAN:
13. Ano ang naging kahulugan ng
salitang Cupid at Psyche?

a. pag-ibig at kaluluwa
b. Pagmamahal at pagmamalasakit
c. diyos at diyosa
d. wala sa mga nabanggit
KATANUNGAN:
14. Basahin at unawaing mabuti.
1.Si Psyche ay pumunta sa kaharian ni Venus upang harapin ang
lahat ng mga pagsubok.
2. Nakapangasawa siya ng isang diyos na nagtatago sa anyo ng
halimaw.
3. Pinagtaksilan ni Psyche ang kanyang asawa.
4.Kalaunan ay naging masaya ang pagsasama ng mag-asawa sa
basbas ni Jupiter.
Pansinin ang balangkas ng mga pangyayari sa mitolohiya. Isaayos ito sa
pamamagitan ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a. 2, 3, 1, 4 b. 3, 1, 2, 4
c. 4, 2, 3, 1 d. 2, 3, 4, 1
KATANUNGAN:
15. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing
tauhan sa mitolohiyang Cupid at Psyche,
maliban sa isa.

a. Venus b. Wigan
c. Zephyr d. Apollo
KATANUNGAN:
16. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga
pagsubok na dinaranas ni Psyche sa
kuwento, maliban lamang sa isa. Alin dito
ang hindi niya napagdaanan?
a. Kumuha ng balahibo mula sa mga mababangis na tupa.
b. Sumalok ng itim na tubig mula sa itim na talon.
c. Ang pagkuha sa kahon upang humingi ng kagandahan kay
Proserpine.
d. Ang pagpapalipad ng isang bagay sa kalangitan.
KATANUNGAN:
17. Ang pamamaraan na ito ay ang
pagsasagawa ng isang maikling pagsusuring
pampanitikang na naglalahad ng sariling
kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa
akda. Layunin nito ang mailahad ang mga
kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang
kahalagahan nito.
a. Opinyon b. Debate
c. Suring-basa d. pagninilay-nilay
KATANUNGAN:
18. Ang pormat na gagamitin sa pagsusuring-basa
ay binubuo ayon sa pagkakasunod-sunod ng .
a. Panimula, Pagsusuring Pangkaisipan, Pagsusuring
Pangnilalaman, at Buod
b. Pagsusuring Pangnilalaman, Pagsusuring Pangkaisipan,
Panimula, at Buod
c. Panimula, Pagsusuring Pangnilalaman, Pagsusuring
Pangkaisipan,at Buod
d. Pagsusuring Pangnilalaman, Pagsusuring Pangkaisipan,
Buod, at Panimula
KATANUNGAN:
19. Sa bahaging ito ng suring-basa ay mababasa
ang pinaikling bersiyon ng kuwento na
tumatalakay sa pinakamahahalagang detalye sa
akdang susuriin.

a. buod
b. panimula
c. Pagsusuring pangnilalaman
d. Pagsusuring Pangkaisipan
KATANUNGAN:
20. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan at
isaalang-alang sa pagsasagawa ng suring-basa
maliban lamang sa isa. Alin dito ang hindi
kabilang?
a. Ipahayag ang kaisipan sa hindi tiyak ngunit malinaw
na pamamaraan.
b. Gumamit ng matapat na pananalita.
c. Alamin kung anong akdang pampanitikan ang susuriin
d. Pahalagahan din ang paraan at estilo ng pagkakasulat
~WAKAS~

You might also like