You are on page 1of 1

First Quarter: Assestment #1 Date: __________________

Subject: Filipino 10 Teacher: MARLON E. SICAT


Pangalan ng Mag-aaral:______________________________ Grade: _______________ Score: ______________

1. Ang pinakamali na ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa


kaniyang buhay.
A. Ang di pagtupad sa utos ng kaniyang magulang.
B. Iniwasan niya ang kaniyang mga kapatid
C. Kawalan ng tiwala sa kaniyang iniibig.
D. Pagsunod sa utos ni Venus.
2. Bakit gayon na lamang ang inggit at galit ni Venus kay Psyche?
A. Hindi siya pinapansin ng kaniyang asawa at anak. C. May ibang nagmamay-ari na ng kaniyang puso.
B. Nagkaroon ng kapantay ang kaniyang kagandahan. D. Walang tumutugon sa kaniyang mga utos.

3. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Psyche at Cupid?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan si Psyche ng kaniyang mga kapatid kung paano makaligtas sa halimaw na asawa.

4. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala.”
A. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay C. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkatiwalaan
B. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala D. Walang pag-ibig kung walang tiwala
5.Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal. Anong bahagi ng
pananalita ang salitang sambitin?
A. Pandiwa B. Pangngalan C. Panghalip D. Pang-uri
6. Paano naiiba ang mitolohiya sa iba pang akdang pampanitikan?
A. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
B. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
C. May taglay na talinghaga.
D. Nagsasalaysay ito ng pinagmulan ng isang bagay o lugar.
7. Ang mga sumusunod ay katangian ng mitolohiya ng mga Roman MALIBAN SA ISA.
A. Kadalasang pumapaksa sa politika, ritwal at moralidad.
B. Hinalaw nila ang kanilang mitolohiya sa mga Greek.
C. Naging pambansang epiko ng mga Roman ang Iliad at Odyssey.
D. Kabayanihan ang kadalasang tema ng kuwento.
8. Alin sa mga sumusunod ang nagpahayag ng tunay na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Venus ang lahat para sa pagmamahal niya kay Cupid.
B. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay Cupid.
C. Nang nagkasala si Psyche kay Cupid, binalak niyang magpakamatay sa labis na pagsisisi.
D. Pinayuhan ni Psyche ang kaniyang mga kapatid kung paano makaliligtas sa halimaw na asawa.
9. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
A. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
B. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kaninaan ng tao.
C. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
10. Ang pabula ay __________________ ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
A. feminismo B. realistiko C. moralistiko D. romantiko
11. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na hango sa Bibliya.
A. maikling kuwento B. sanaysay C. parabula. D. tula

12. “Ang pangit na „yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
A. Malupit ang amo sa kaniyang alipin B. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
B. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin C. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.

13. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
A. dukha C. marangya B. mahirap D. matiwasay

You might also like