You are on page 1of 2

LINGGUHANG PAGSUSULIT 2 SA FILIPINO 9

S.Y. 2022-2023

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang MALAKING titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o dalawang sugnay?
A. Pang-uri B. Pangngalan C. Pang-ugnay D. Panghalip
2. Ano tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
(naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad?
A. Pang-ugnay B. Pangatnig C. Transitional Devices D. Pang-uri
3. Isa itong mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan,
maraming tunggalian, at masalimuot ang mga pangyayari. Anong uri ng akdang
pampanitikan ang inilalarawan?
A. Maikling Kwento ` B. Dula C. Nobela D. Tula
4. Ano ang pamagat ng nobelang tungkol sa isang babaeng mangangalakal na umibig sa
ibang lalaki habang ang kanyang asawa ay naglalakbay?
A. Anim na Sabado ng Beyblade
B. Isang Libot Isang Gabi
C. Bata, Bata Paano Ka Ginawa
D. Ang Ama
5. Ano ang uri ng tunggalian na ng tao laban sa kanyang sarili at sumasalamin sa dalawang
magkasalungat na hangad o papanaw ng isang tao?
A. Tao laban sa tadhana
B. Tao laban sa kalikasan
C. Tao laban sa sarili
D. Tao laban sa lipunan
6. Ano ang nobelang tungkol sa isang ina na may dalawang anak at iba-iba ang kanilang
mga ama?
A. Bata, Bata Paano Ka Ginawa
B. Ang Ama
C. Mensahe ng Butil ng Kape
D. Isang Libo’t Isang Gabi
7. Sino sa mga sumusunod ang mga anak ni Lea sa nobelang Bata, Bata Paano Ka Ginawa?
A. Ding at Raffy
B. Ojie at Maya
C. Jose at Ogie
D. Maya at Chief
8. Ang mga salitang kung saan, dahil sa, tunay na at sa katunayan ay mga halimbawa ng
anong klaseng pang-ugnay?
A. Pagdaragdag B. Pagpapatunay C. Paghahambing D. Pagpapakita ng
Oras
9. Mula sa pangungusap na “Huling Sabado ng Pebrero ang ika limang Sabado. Kasabay ng
pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak”. Anong pang-ugnay ang ginamit sa
pangungusap?
A. huli B. kasabay C. Pebrero D. pagtatapos
10. Alin ang tamang pang-ugnay na dapat gamitin para mabuo ang diwa ng pahayag na
“Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade _______ ayaw niya itong bitawan sa loob ng
kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.”?
A. habang B. bagamat C. subalit D. dahil
11. Ito ay nangangahulugan ng kabaitan, kaaya-aya at kaayusan. Ito rin ay ang katangian o
kalagayan ng pagiging mabuti.
A. Katotohanan B. Kabutihan C. Kagandahan D. A at B
12.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng katotohanan ayon sa nobelang Isang Libo’t,
Isang Gabi?
A. Umuwi ang asawa ng babae at isinama siya sa paglalakbay.
B. Nahuli ng mga tao ang totoong nagkasala.
C. Ipinapatay ng hari ang babae.
D. Napagtanto nila ang panglolokong ginawa sa kanila ng babae
13.Alin bahagi ng akda ang nagpapakita ng kabutihan?
A. Pinagsuot sila ng babae ng pare-parehong damit.
B. Ikinulong silang lahat sa cabinet.
C. Tinulungan sila ng mga tao na makalabas sa mga compartment.
D. Nagsinungaling ang babae tungkol sa kanyang kasintahan.
14.Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng di-makatotohanang pangyayari sa akda?
A. Nagkaroon ng ibang karelasyon ang babae habang nasa malayo ang kanyang
asawa.
B. nakala ng mga tao na genie ang nasa loob ng cabinet at susunugin sana nila
ito.
C. Nabighani ang mga lalaki sa kagandahan ng babae.
D. Kayang gumawa ang karpintero ng malaking cabinet
15.Ang paggalang ni Lea sa pasya ni Maya na sasali sa beauty contest ay nagpapahiwatig ng
_____ loob ng isang ina.
A. kagandahan B. kabutihan C. katotohanan D. kasamaan
16.Bakit kailangang gumamit ng angkop na pang-ugnay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari?
A. upang mas malinaw at madaling maintindihan ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari
B. upang mapahaba ang pangungusap ng pagkakasunod-sunod na mga
pangyayari
C. para may nag-uugnay sa pagkasusunod-sunod ng pangyayari
D. para gumanda ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
17.Ano ang mangyayari kung hindi angkop na pang-ugnay ang ginamit sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari?
A. Maaaring maging magulo ang pangungusap.
B. Maaaring maganda ang kinalabasan ng kuwento.
C. Hindi magiging kaaya-ayang basahin kaisipang nais.
D. Hindi tumpak ang mensahe sa mga pangungusap sa kwento.
18.Kahit na humadlang ang tadhana sa kanilang pag- iibigan ay pilit pa ring pinagpatuloy
nila ang naudlot na pagmamahalan.
A. Tao laban sa kapwa tao C. Tao laban sa tadhana
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa kalikasan
19.Hindi niya malaman ang gagawin sa muling pagkikita ng asawang matagal nang nawalay
sa pamilya.
A. Tao laban sa sarili C. Tao laban sa kapwa tao
B. Tao laban sa kalikasan D. Tao laban sa tadhana
20.Nakikipagsapalaran siyang mapalubag-loob ang kanyang nanay sa galit sa kanyang
maagang pag-aasawa.
A. Tao laban sa kapwa tao C. Tao laban sa tadhana
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa kalikasan

You might also like