You are on page 1of 2

LINGGUHANG PAGSUSULIT 3 SA FILIPINO 9

S.Y. 2022-2023

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang MALAKING titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring totoo subalit maaaring
pasubalian ng iba?
A. Alusyon B. Interpretasyon C. Pahiwatig D. Opinyon
2. Ano ang tawag sa pagbibigay sa isa o grupo ng mga salita ng ibang kahulugan, sa halip
na totoong kahulugan?
A. Alusyon B. Interpretasyon C. Pahiwatig D. Opinyon
3. Ito ay nangangailangan ng mataas na antas ng pag-iisip dahil ang mga sagot sa tanong
sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang.
A. Alusyon B. Interpretasyon C. Pahiwatig D. Opinyon
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay
at diwa sa isang likhang-sining?
A. Pagbabasa B. Pagsusuri C. Panonood D. Pag-iimbestiga
5. Ito ay uri ng palabas na karaniwang ang mga pinagtapi-tagping pangyayari ay
ipinapalabas sa loob ng isang lingo / buwan na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran
ng tao.
A. Pelikula B. Balita C. Teleserye D. Adbertaysment
6. Alin sa mga sumusunod na elemento ng teleserye ang nagsisilbing panghatak sa interes
ng mga manonood?
A. Tema B. Paksang Diwa C. Pamagat D. Tauhan
7. Anong elemento ng teleserye ang nagpapakita ng matapat na paglalarawan sa buhay ng
isang palabas?
A. Pamagat B. Musika C. Sinematograpiya D. Tauhan
8. Sina Cardo ng Ang Probinsyano, Eloy at Ali ng 2 Good To Be True at Juan ng Juan Dela
Cruz ay ilan sa mga karakter ng teleserye. Sila ang gumaganap at nagbibigay ng buhay
sa isang palabas. Anong elemento ng teleserye ang ipinapahiwatig?
A. Aral B. Tauhan C. Tema D. Bida
9. “Isang babaeng mangangalakal ay nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig
maglakbay sa buong mundo.” Sinong ang nakipag-isang dibdib sa manlalakbay?
A. mangangalakal B. mangingisda C. tindera D. mangangaso
10. Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan sa bilang 9?
A. nagpang-abot ng dibdib C. nag-isa ang dibdib
B. nagpakasal D.nag-awa
11. Ano ang ibig sabihin sa kasabihan na “Ang mga mata ang bintana ng kaluluwa.”
A. Sa mga mata makikita malalaman ang tunay na nararamdaman ng isang tao.
B. Makikita sa mga mata ang mga ligaw na kaluluwa na humingi ng talong.
C. Sa mga mata makikita ang kagandahan ng isang mabuting kaluluwa.
D. Ang kaluluwa na umiibig ay makikita sa mga mata.
12. Ang taong nagkakamot habang nakikinig, ay ano ang nais ipahiwatig ng kanyang kilos?
A. Maaring hindi niya nauunawaan ang mensahe tagapagsalita.
B. Maraming mga balakubak at pigsa ang kanyang mga buhok.
C. Nais na niyang umalis dahil makati ang kanyang ulo.
D. Mayroon siyang nararamdaman kaya hindi siya mapapalagay
13. Ano ang magiging opinyon mo sa nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “ Apat na dinaryo ang
halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking
kahilingan.”?
A. Siguro, naawa ang karpintero sa babae
B. Sa palagay ko, may gusto ang karpintero sa babae
C. Maaring magkakilala sila
D. Sa tingin ko mayaman ang lalaki.
14. Ayon sa tauhan sa akda gusto niyang magpagawa ng cabinet na may limang
compartment. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahayag ng opinyon o
pananaw?
A. ayon sa B. gusto C. akda D. magpagawa
15. Batay sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi, ano ang iyong interpretasyon sa ginawang
aksyon ng tauhan?
A. Nagpapakita na ang babae ay may tiwala sa sarili.
B. Ginamit ng babae ang kanyang kagandahan para makaakit ng lalaki.
C. Ipinapakita sa akda na may angking talino at tapang ang babae na harapin ang
kanyang suliranin.
D. Pinaglalaruan niya lamang ang mga lalaki.
16. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng postibong
opinyon?
A. Nauunawaan kita subalit C. Ganyan din ang palagay ko
B. Mabuti sana ngunit D. Ikinalulungkot ko
17. Para sa akin, maganda ang isinusulong na batas ng syudad tungkol sa pagpapatupad ng
curfew. Alin sa mga salitang may salungguhit ang nagpapahayag ng opinyon?
A. para sa akin C. ng syudad
B. ang sinusulong D. pagpapatupad ng curfew
18. Bumuo ng postibong katangian ng babae mula sa ginawa niyang hakbang para mapalaya
ang kaniyang minamahal.
A. maharot B. malambing C. mapagmahal D. masiyahin
19. Kung ang protagonista ay ang bida ng teleserye, alin sa sumusunod ang kasalungat nito.
A. Karakter B. Tauhan C. Bida D. Antagonist
20. Pagkatapos ng panonood, alin sa mga pangyayari ang mauugnay sa bisang pandamdamin.
A. Napaisip si Brylee kung ano ang wakas ng teleserye.
B. Si Miel ay biglang napahagulhol nang nasawi ang bida ng kuwento.
C. Kinilala niya ang mga karakter ng palabas.
D. Sinubaybayan ni Bryan ang mga pangyayari ng teleserye.

You might also like