You are on page 1of 3

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

MAHABANG PAGSUSULIT SA IKATLONG MARKAHAN


FILIPINO 10
S.Y. 2022-2023
PANUTO. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ito ay galing sa salitang Griyego na Etymon na nangangahulugang “ang natatanging tunay
na kahulugan ng isang salita”, ano ito?
A. Mito B. Etimolohiya C. Mitolohiya D. Etimo
2. Alin sa elemento ng mito ang nagpapakita ng lubhang mahalaga sa ano pa mang uri ng
akdang pampanitikan?
A. Tauhan B. Tagpuan C. Wakas D. Banghay
3. Isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda na hindi nagbabago ang diwa at
kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika, ano ang tawag dito?
A. Pagsasaling-wika B. Wika C. Pagsasalin D. Saling-wika
4. Sino ang sumulat ng akdang pinamagatang “Ang Panghuhusga”?
A. Ibrahim Gulistan B. Chimamanda Ngozi Adichie C. Felizidad Cuaño D. Mullah Nassreddin
5. Ano ang isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao?
A. Sanaysay B. Tula C. Anekdota D. Maikling Kuwento
6. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsulat ng anekdota maliban sa;
A. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na anekdota.
B. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa iyong anekdota.
C. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng anekdota.
D. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
7. Tumutukoy ito sa kung paano nagwakas o nagtapos ang kuwento, ano ito?
A. Wakas B. Panimula C. Suliranin D. Kakalasan
8. Saang bahagi ng kuwento nagaganap o nailalahad ang problema?
A. Wakas B. Kasukdulan C. Kakalasan D. Suliranin
9. Ano ang tawag sa masining na pamamaraan ng pagsulat?
A. Nobela B. Tula C. Simbolismo D. Maikling Kuwento
10. Bakit mahalagang gumamit ng simbolismo o sagisag sa pagsulat ng isang tula?
A. Upang basahin ng mga mambabasa.
B. Upang maging malinaw ang paglalarawan at pagsasalaysay ng mga bagay-bagay.
C. Upang maging maganda at kaakit-akit sa mambabasa.
D. Upang ipakita ang tunay na minsahe sa akda.
11. Bakit sinabing ang kabataan ang pinuno ng kinabukasan ni Nurudeen Olaniran?
A. Dahil nakasalalay sa kanila ang pagbabago ng ating bansa.
B. Dahil ang kabataan ay malakas kaysa sa mga matatnda.
C. Dahil nakapag-aral ang mga kabataan.
D. Dahil ang kabataan ang nagbibigay saysay sa bayan.
12. Bilang mag-aaral, paano mo papatunayan na ang kabataan ay ang pinuno ng kinabukasan?
A. Pagsunod sa utos ng mga magulang.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
B. Pagiging mabuti sa kapwa.
C. Pagkakaroon ng sapat sa kaalaman at pagmamahal sa sariling bayan.
D. Pagkakaroon ng matibay na edukasyon.
13. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang tula ni Nurudeen Olaniran, papalitan mo ba
ang kanyang salitang ginamit?
A. Oo, dahil pangit ang mga salitang kanyang ginamit.
B. Oo, dahil mas maganda kung ang gagamitin ay mga karaniwang salita.
C. Hindi dahil ang mga salitang ginamit ay mga matatalinghaga na lalong naghihikayat sa mga
mambabasa na basahin ang tula.
D. Hindi, dahil nakatatamad mag-isip ng mga salita.
14. Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
A. Sukat B. Saknong C. Tugma D. Paksa
15. Paano mo nasasabing ang iyong binasang tula ay may tugma?
A. May tunog sa bawat dulo ng pantig. C. Mayroong pinagsama-samang taludtod.
B. Mayroong buto, laman, diwa at kaluluwa. D. Mayroong elihiya.
16. Ilang pantig mayroon ang “Mahal ko ang aking kaibigan.”?
A. 12 B. 9 C. 15 D. 10
17. Sino ang sumulat ng maikling kwento na pinamagatang “Ang Carousel’’?
A. Reynaldo V. Cuaño C. Nurudeen Olaniran
B. Mullah Nassreddin D. Ibrahim Gulistan
18. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng limang bahagi ng maikling kuwento?
A. Hindi tinapos ng may akda ang kuwento.
B. Pagiging makasariling kapakanan.
C. Pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ng mag-asawa.
D. Walang solusyon ang problema.
19. Bakit hindi nagkaroon ng magandang wakas ang akdang “Ang Carousel”?
A. Hindi tinapos ng may akda ang kuwento.
B. Pagiging makasariling kapakanan.
C. Pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ng mag-asawa.
D. Walang solusyon ang problema.
20. Paano hinalintulad ng may akda ang kanyang maikling kuwento sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?
A. Upang gisingin ang mga taong natutulog sa katutuhanan.
B. Sa pamamagitan ng pagiging maunlad ng sariling bayan.
C. Dahil ito ay kawili-wili sa mambabasa.
D. Sapagkat lagi silang nag-aaway sa walang kabuluhang dahilan.
21. Sa iyong pagsusuri sa binasang akda na pinamagatang “Ang Carousel” ano ang nais ni Zari
sa kanilang paglabas?
A. Upang makapag-usap ng maayos. C. Mamasyal kasama ang pamilya.
B. Magbago at hindi makasarili. D. Para makapaglaro ang bata.
22. Ano ang naging sanhi ng kanilang pamamasyal? Naging masaya ba ang bata?
A. Oo C. Hindi, dahil Nakita niyang nag-aaway ang kanyang magulang
B. Hindi D. Wala sa nabanggit.
23. Ano ang kahalagahan ng tamang gamit ng mga pahayag sa isang sulatin?
A. Naibibigay ang diwa ng isang akda.
B. Naibibigay ang katuwiran ng mga pangungusap.
C. Naihahatid ang mensahe.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
D. Nauunawaan ang nais sabihin o iparating ng manunulat sa mambabasa.
24. Sa akdang ANG CAROUSEL ni Ibrahim Gulistan, bakit sinabi ni Zari sa asawang lalaki na
ito mismo ang lumikha ng sariling kalungkutan?
A. Dahil mas pinili nitong maging tahimik at laging mapag-isa.
B. Dahil ayaw nitong mabuhay ng masaya.
C. Dahil hindi niya mahal ang kaniyang pamilya.
D. Dahil sapat na sa kaniya ang pagiging mabait na ama.
25. Paano mo maiuugnay ang suliranin sa akdang ‘’ANG CAROUSEL’’ sa kasalukuyang
pangyayari sa lipunan?
A. Ang kawalan ng sapat na oras sa pamilya na nagiging sanhi ng hiwalayan
B. Ang pagkawasak ng maraming pamilya dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mag asawa
C. Ang palaging pagsunod sa kagustuhan ng anak kung kaya lumalaking suwail
D. Ang palaging pag-aaway ng mag-asawa sa harapan ng anak na nagiging dahilan ng
pagkabalisa ng bata.
26. Kung ikaw ay pinaGbintangan ng iyong kamag-aral na kumuha ng kaniyang cellphone,
paano mo ipapahayag ang mga salitang ‘‘Hindi ako ang kumuha.’’?
A. Pagpapahayag ng may pagbabanta. B. Pagpapahayag ng mahinahon.
C. Pagpapahayag na malungkot at umiiyak. D. Pagpapahayag ng pagtanggi at may
galit.
27.’’Zari, huwag mo ako masyadong pahirapan,’’ sabi ng lalaki. Anong damdamin ang
nangingibabaw sa pahayag?
A. Nagpapahayag na may galit at pagbabanta. B. Nagagalit sa asawang babae.
C. Nagpapahayag ng pakikiusap subalit may diin. D. Nagpapahayag ng pakikiusap.
28. Ito ay tiyak na ipinapahayag ng isang tao. Gumagamit ng panipi upang ipakita ang
eksaktong pahayag o sinabi ng isang tao. Ano ang tawag dito?
A. Di-tuwirang pahayag B. Pagpapaphayag ng damdamin
C. Tuwirang pahayag D. Damdamin
29. Sa paanong paraan nasasabing ang isang pahayag ay di-tuwiran?
A. Ang pahayag ay ginamitan ng panipi. B. Sa muling pagbanggit sa mga sinabi.
C. Ang pahayag ay maikli lamang D. Kapag ang mga pahayag ay hindi
maintindihan.
30. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng tuwirang pahayag maliban sa isa;
A. “Ayaw kong pumunta kahit saan na hindi kita kasama” sabi ni Zari.
B. Mauna ka na sa labas, may kukunin lang ako.
C. “Kayo ang aking amo” wika ng pangulo.
D. Ayon sa pangulo , tayo ang kanyang amo.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like