You are on page 1of 5

OSMEÑA COLLEGES

City of Masbate
K to 12 Basic Education Program

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 10
S.Y. 2023-2024
PANUTO. Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang tumutukoy sa tao, grupo ng mga tao o bagay na pinag-uusapan o paksa ng
pangungusap?
A. Pandiwa B. Simuno C. Panag-uri D. Gampaning Semantiko
2. Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw, isang pangyayari o isang katayuan sa pangungusap,
ano ito?
A. Pandiwa B. Simuno C. Panag-uri D. Gampaning Semantiko
3. Ano ang tawag sa papel na ginagampanan ng simuno sa pangyayari o aksiyon sa
pandiwa?
A. Pandiwa B. Simuno C. Panag-uri D. Gampaning Semantiko
4. Sa Mitong Norse na pinamagatang ‘Ang Magnanakaw ng Martilyo ni Thor’, sino ang
umaming magnanakaw?
A. Loki B. Odr C. Thrym D. Freya
5. Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat, ano ang tawag sa panitikang ito?
A. Nobela B. Tula C. Biyograpikal D. Maikling Kuwento
6. May dalawang uri ang tula, malaya at taludturan. Mahalagang malaman ang pinagkaiba
ng mga ito para sa pagsusuri. Paano nga ba nagkakaiba ang dalawang uri ng tula?
A. Sa malayang anyo ng tula ang manunulat ay may pagpapasyang nakabatay sa
pamantayang pagsusulat ng tula samantalang sa taludturan naman ay walang
batayan.
B. Sa malayang anyo, malaya ang manunulat na gumawa ng tulang ayon sa kaniya ang
haba, tugma, o kung gaano karaming tuludtod o saknong, ang taludturan naman
binubuo ng mga pamantayan sa pagkakasulat nito.
C. Ang taludturan ay isang uri ng tula na binubuo ng mga taludtod habang ang
malayang uri naman ay binubuo ng mga sukat.
D. Wala sa nabanggit.
7. Ano ang huwaran ng tugma sa bahagi ng tula nasa ibaba?
Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Ay nakikibaka ang kapighatian,
Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
A. AABB B. ABAB C. ABCD D. AAAB
8. Paano naipapasa ng mga katutubo noong panahong prekolonyal ang panitikan?
A. Sa pamamagitan ng pagsulat sa mga kuweba.
B. Sa pamamagitan ng pagsasayaw at mga ritwal.
C. Sa pamamagitan ng salindila- kawalang malay sa mga letra at pagsulat.

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
D. Sa pamamagitan ng pakikipagtunggali ng dalawang makata.
9. May dalawang pangkat ng sukat: gansal (odd) at (even).
A. Gonsal B. Pares C. Paris D. Gonbal
10. Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa tula. Kung regular ang bilang ng mga panitg sa
isang saknong, sinasabing may sukat ang saknong ng tula. Bakit mahalagang may
sukat ang tula
A. Dahil ito’y nagbibigay ng kagandahan sa pisikal na estruktura ng tula.
B. Dahil kinakailangan ito upang makasunod sa pamantayan ng pagsulat ng tula.
C. Lubha itong nakaka-akit sa mga mata ng mga mambabasa.
D. Lubha itong nakakaganda sa pagbigkas ng tula at nabibigay ng angkin nitong himig
o indayog
11. Ilang pantig mayroon ang linyang, ‘Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad, sa bait at muni,
sa hatol ay salat’?
A. Wawaluhin B. Lalabindalawahin C. Lalabing-animin D. Lalabing-waluhin
12. Tukuyin ang linyang may lalabing-waluhing sukat sa mga sumusunod:
A. Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay.
B. Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis.
C. Isda ko sa Mariveles
D. Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid.
13. Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may
ang tula kapag ang huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Ano ang sagot sa patlang?
A. Sukat B. Tula C. Tugma D. Taludtod
14. Hanapin sa mga sumusunod na pagpipilian ang may tugmang di ganap.
A. Mahirap sumaya/ Ang taong may sala
B. Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso/ Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
C. Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap/ Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap.
D. Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo/ Ang iyong larawan at mga pagsuyo
15. Sa pakahulugan ng isang prayleng misyonero, katumbas ng misteryo o metapora ang
talinghaga. Ito ang sandigan ng ganda at husay ng tula, ang buod ng pagtula. Ito'y
isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula. Ano ang
kahulugan ng matalinhagang salitang ‘buwayang lubod’?
A. Madaldal B. Taksil C. Mahinhin D. Salbahe
16. Hindi awtomatikong ang awtor/manunulat ang tinig sa tula. Sa pamamagitan ng mga
detalye sa tula naipapakilala ang 'tinig' na maririnig sa tula. Ano ang tawag sa naririnig
na tinig sa tula?
A. Persona B. Sukat C. Tugma D. Matalinhagang-salita
17. Lutuin mo ang isda na nasa ref. Anong pokus ng pandiwa ang halimbawang
pangungusap na may salungguhit?
A. Tagaganap B. Direksyon C. Sanhi D. Layon
18. Kinakain ni Marimar ang sopas na luto ng kanyang ina. Anong pokus ng pandiwa
ang halimbawang pangungusap na may salungguhit?
A. Tagaganap B. Direksyon C. Sanhi D. Layon
19. Kainin mo ang gulay. Anong pokus ng pandiwa ang halimbawang pangungusap na
may salungguhit?
A. Tagaganap B. Direksyon C. Sanhi D. Layon

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
20. Nagsaing ng kanin si Tatay Ariel para sa hapunan. Anong pokus ng pandiwa ang
halimbawang pangungusap na may salungguhit?
A. Tagaganap B. Direksyon C. Sanhi D. Layon
21. Si Anton Pavlovich Chekhov ang isa sa pinaktanyag na manunulat sa bansang Rusya.
Ang ‘Pagkatapos ng Teatro’ ang isa pinakapopular niyang akda bilang isang manunulat.
Saan ipinanganak si Chekhov?
A. Tula B. Moscow C. Taganrog D. Samara
22. Ang paglikha na ipinipresenta ang buhay na walang masisilip na komentaryo ng awtor-
walang kompleksidad, at lahat ng kaabsurdahan- at pag-iwas sa lantad na mga
paliwanag at solusyon sa mga suliranin ng buhay. Ito ay isang teknik ni
.
A. Tolstoy B. Chekhov C. Lorca D. Giraudoux
23. Batay sa maikling kuwentong ‘Pagkatapos ng Teatro’, paano tinatanaw ni Anton
Chekhov ang buhay o ang mga pangyayari sa buhay ng tao?
A. Payak ang buhay ng tao. Tayo ang gumagawa ng kompleksidad sa ating buhay.
B. Ang paggamit ng isang bagay o sitwasyon at pag-uugnay nito sa sitwasyon ng
pangunahing tauhan.
C. Ang buhay ng tao ay isang gulong ng palad. May pagkakataon na tayo ay nasa
ibabaw ng kaligayahan at nasa ilalim ng kalungkutan.
D. Wala sa mga nabanggit.
24. Sa pagbabasa ng maikling kuwento na isinulat ni Chekhov, sa iyong palagay, bakit
pinamagatang ‘Pagkatapos ng Teatro ang kuwentong ito?
A. Sapagkat nagbago ang buhay ng pangunahing tauhan matapos ang panunuod ng
pagtatanghal.
B. Dahil umusbong ang kaguluhan sa buhay ng pangunahing tauhan.
C. Dahil mula sa napanuod na teatro na nagsimula ang kuwento o suliranin ng tauhan,
ang teknik ng pagpapamagat gamit ang bagay na lumutang sa akda.
D. Sapagkat binago ng pagtatanghal ang daloy ng kuwento sa buhay ng mga tauhan.
25. Sa anong petsa ipinanganak si Leo Tolstoy na isang tanyag na manunulat sa bansang
Rusya?
A. Agosto 28, 1829
B. Agosto 28, 1928
C. Agosto 28, 1828
D. Agosto 28, 1929
26. Ano ang unang nalimbag na akda ni Leo Tolstoy?
A. Boyhood B. Childhood C. Sevastopol Tales D. Youth
27. Ang akdang ito ay nagsasalaysay ng pananaw ni Tolstoy at karanasan sa gitna ng
digmaan, ano ito?
A. Boyhood B. Childhood C. Sevastopol Tales D. Youth

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
28. Ang mga sumusunod ay ang mga pinakamahalaga at dakilang nobela ni Leo Tolstoy,
maliban sa:
A. After Theater
B. Anna Karenina
C. The Death of Ivan Illych
D. War and Peace
29. Noong 1875-1878, dumanas ng depresyon at sikolohikal na krisis si Tolstoy. Ito ang
naging daan upang mabago ang kanyang pilosopiya at sining. Ano ang naging ugat ng
kanyang depresyon?
A. Ang mga naging problema sa kanyang buhay.
B. Umuugat sa kanyang hindi pagkatagpo sa katanggap-tanggap na kahulugan ng
kanyang buhay.
C. Kawalan ng pag-asa na masolusyonan ang mga dagok sa buhay.
D. Wala sa nabanggit.
30. Sa nobelang ‘Ang Kamatayan ni Ivan Illych’, ano ang naging trabaho ng pangunahing
tauhan?
A. Abogado B. Arkitek C. Guro D. Karpintero
31. Saan naganap ang simula ng nobelang ‘Ang Kamatayan ni Ivan Illych’?
A. Kapitolyo B. Korte C. Parke D. Palaisdaan
32. Ang mga sumusunod ay ang mga pagdulog sa pagsusuri gamit ang Teoryang
Pampanitikan, maliban sa:
A. Ano ang layunin nito?
B. Ano ang kuwento?
C. Mahalaga bang pag-aralan ito?
D. Saan ito nagsimula?
33. Ano ang nagpapahiwatig sa bahagi ng buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, piankamahirap, pinakamalungkot, at lahat ng ‘pinaka’ na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo?
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
34. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
magsasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Anong teoryang
pampanitikan ang tinutukoy?
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
35. Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari.
Anong teoryang pampanitikan ang tinutukoy?
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
36. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo. Anong teoryang
pampanitikan ang tinutukoy?

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
37. Ang wika at panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin. Anong teoryang pampanitikan
ang tinutukoy?
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
38. Noli Me Tangere; Historikal - Florante at Laura;
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
39. El Filibusterismo; Historikal - Mga Gunita;
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo
40. Sa Mga Kuko ng Liwanag; Bayograpikal - Si Boy Nikolas;
A. Bayograpikal B. Humanismo C. Historikal D. Klasismo

Inihanda ni:
ROMY RENZ C. SANO
Guro sa Filipino

OSMEÑA COLLEGES, INC. | K TO 12 BASIC EDUCATION


City of Masbate, 5400 Philippines  ocelemjhs@gmail.com  oc.edu.ph  (056) 333-4444
In God We Trust

You might also like