You are on page 1of 6

SANGAY NG DAVAO DEL NORTE

PANDIBISYONG PAGSUSULIT SA FILIPINO-9


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
TAONG PANURUAN 2018-2019

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________ Iskor: ___________


Basahin at unawaing mabuti ang bawat seleksyon. Sagutin ang mga katanungan sa loob ng isang oras. Itiman ang titik ng
wastong sagot.
Maikling kuwento
Maikling Kuwento

I- Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na
alam
nilang ‘di nila mararanasang muli.
II- Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman.
III- Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit,pero patuloy sa pagdarasal at pag-
iyak ang ama.
IV- Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro.
-Bahagi ng Ang Ama ni Mauro R. Avena

1. Ang tamang ayos ng pangungusap upang makabuo ng angkop na talata ay ____________..


A I,II,III at IV III,II, IV at I IV,III,II at I III,IV,II at I
B C D
2. Ang mga transitional devices na ginamit sa akda ay nakatutulong sa ____________.
Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
A
Pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
B
Pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
C
Pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o gaganapin ang kilos o pangyayari.
D
3. Ang salitang nakahilig at nakasalungguhit ay nangangahulugang _________.
Piging Pagkain Salapi Regalo
A B C D
4. Anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento?
Mapagmahal Mapagbigay Maalalahanin Matatag
A B C D
5. Sa pangungusap I- “Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad
sa isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.” Ano ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
Masaya ang mga magkakapatid sa pagkaing inihanda ng ama.
A
Tila isang piknik ng magkakapatid ang pagkain nang sama-sama.
B
Di alintana ng magkakapatid ang pagbuhos ng ulan, makakain lamang ng kakarampot na yaman.
C
Isang pambihirang pagkakataon ang makakain sa isang piging na may masasarap na pagkain.
D
6. Anong kultura ang masasalamin sa bahagi ng kuwentong binasa?
Nagpapakita ng uri ng pamumuhay ng isang salat na pamilya.
A
Ang pagmamahal sa mga namatay na mahal sa buhay.
B
Ang pagsalo-salo ng mga magkakapatid sa kabila ng masamang panahon.
C
Ang pag-uugali ng isang ama at ang relasyon nito sa mga anak.
D

Nobela

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag- isang dibdib sa isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwan nang
matagal Ang kaniyang asawa . Dahil sa katagalan nang di pag -uwi ng lalaki , nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot . Umibig siya sa isang lalaki na
mas bataBsa kaniya. Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang lalaking kaniyang inibig. Gumawa siya ng paraan upang mapawalang bisa ang paratang dito
at mapalaya.
C Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang mahal na mahal sa kaniya.
D Halaw mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”

7. Anong
A katangian ng tauhan ang mahihinuha sa teksto?
Mapagkumbaba na asawa. C Mapagmahal na babae.
B Matapat na asawa. D Maparaan na babae
8. Pinapalutang ng sumusunod na situwasyon ang katangian ng pangunahing tauhan maliban sa __________.
A Wala na siyang ibang paraan para makapiling ang kaniyang sinisinta.
B Ipinakita niya ang tapang para ipaglaban ang kaniyang minamahal
C Walang karapatang umibig ang mga babae sa Saudi Arabia.
D Mas bata sa kanya ang kaniyang iniirog.
9. Isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo ang kaniyang napangasawa. Dahilan ito upang siya ay malungkot.
Umibig siya sa isang guwapong lalaking mas bata sa kaniya.” Ang pahayag sa itaas ay bahagi ng sinopsis ng nobela.
Maaari itong:
simula gitna kakalasan wakas
A B C D
10. “Nang makita nila ang kanilang mga hitsura at pananamit, nagtawanan na lamang sila. Lumabas sila ng bahay na
tinatakpan ang kanilang mga mukha upang di makilala at makaiwas sa tsismis ng mga kapitbahay.” Ang pahayag sa itaas
ay bahagi ng ______ ng isang nobela.
wakas simula gitna tunggalian
A B C D

Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawian kong likmuan sa pagsusulat. Sa gilid ng isang
mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko ang aking mga kakailanganing gamit sa panonood.
Hindi ko napigilan ng aking sarili isang gabing hindi ako makatulog.Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan
ngunit wala namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala namang mapakinggang anunsyo sa
telebisyon o radio.Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang pag-agos ng aking luha habang
pinanonood ko si Ishaan.Siya ang bida sa aking puso… at si titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood
kong pelikula. Dala marahil ng pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y mas
tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.
11. Anong uri ito ng teksto?
A nagsasaysay naglalarawan naglalahad nangangatuwiran
B D
12. Ano ang tono ng teksto? C

A naiinis B nagagalit C nakauunawa D nahahabag


Bilang 13 – 14 Piliin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili
13. A Umibig si Amy sa isang mahirap na lalaki.
B Sinuway ni Amy ang kagustuhan ng kaniyang mga magulang.
C Hiniwalayan ni Amy ang kaniyang iniirong kahit labag ito sa kaniyang kalooban.
D Tumandang dalaga si Amy.

14. ABinabagabag ng konsensiya si Raul sa pang-iiwan niya sa kaniyang pamilya sa probinsiya.


BHindi natiis ni Jason ang sarili kaya nasuntok niya sa sikmura ang kalaro nito.
C Walang tigil sa paghabas na pagputol ng mga puno si Mang Kanor kaya nagdulot ng matinding pagguho ng lupa
D Ang paglusob ng mga rebelde sa buong lungsod ng Marawi ay nagdulot ng matinding takot at pangamba sa mga
mamamayan.
Bilang 15-17. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod ang pahayag na nagbibigay ng sariling opinyon.
15. A Sa palagay ko ang kawalan ng disiplina ng taong -bayan ang malaking dahilan ng problema ng bansa..
B Laki ng populasyon ang sanhi ng kahirapan.
C Si Pangulong Duterte ang ikalabing -anim na pangulo ng ating bansa.
D Nasa Dios ang awa , Nasa tao ang gawa.

16. A Ayon sa ating batas parusang panghabambuhay na pagkabilanggo ang sinumang magbinta ng ipinagbabawal
na gamot.
B Nakakasira sa kalusugan ang paninigarilyo dahil sa kemikal na nakapaloob dito.
C Naniniwala akong may ibat’ibang dahilan ang mga taong magbenta ng ipinagbabawal na gamot.
D Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay sa mundo bata man o matanda, lalaki man o babae.

17. A Gagawa kami ng leche plan mamaya sa aming culinary class.


B Masamang impluwensiya sa kabataan ang dulot ng masasama at malalaswang pelikula.
C Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa social media.
. D Sa ganang akin mas mapapabuti ang buhay ng mga kabataan kung ito ay nagagabayan.

TULA
At ako’y tumuloy... pinto ng mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi, “Irog ko, paalam!”

-Bahagi ng tulang “Ang Pagbabalik” ni Jose Corazon de Jesus

18. Anong sariling damdamin ang nangingibabaw sa bahagi ng tulang binasa?


A Pagkalito ng persona C Pagkalungkot sa damdamin ng persona
B D
Pagkabihag ng persona Pag-alala sa nakaraan ng persona

19. Anong damdamin ang nakapaloob sa taludtud na nakasalungguhit?


A nag-uumapaw na kalungkutan C nakitaan ng pagkainggit sa puso
B kagalakan sa damdamin D pagkalito ng isip
20. Ano ang mahihinuha mong pangyayari sa loob ng saknong?
A
Pusong nagbibigay ng huling pamamaalam sa taong iniibig.
B Naghihinagpis na puso na nais iparating sa yumaong iniibig.
C Sa bawat pagkakataon na binigyan siya ng karapatang lumigaya.
D Pag-ibig na ibinigay niya sa kanyang mahal sa buhay na nawala.

BUKAS, ang kulturang itinudla ng nakaraan


at iniregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan
at mananatiling repleksyon ng kabutihan
kulturang gagalang sa mga bata’t matanda
kulturang rerespito sa mga babae’t may kapansanan
kulturang luluklok ng pagbabayanihan at pagkakapatiran
kasaliw ng mga awiting bayan at katutubong sayaw
katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
diwang marangal ang ipupunla kariringgan ng maraming wika
magkakapantay sa kalayaan at karapatan
magsasama-sama, magkakapit-bisig, magtutulong-tulungan
habang patuloy na humahakbang upang galugarin pa
ang kulturang pagyamanin ng ating lahi
ng lahing magiting
ng lahing kapuri-puri
ng lahing marangal.

-Bahagi ng tulang Kultura – ni Pat Villafuerte

21. Anong damdamin ang nakapaloob sa piling bahagi ng tula?


A Pagmamahal at pagsasabuhay nang may pagpapahalaga sa kultura.

B Pagbibigay ng pagkakataon sa mamamayan na tangkilikin ang kultura.


C Pakikiisa sa lahat ng mamamayan na namumuhay sa mundong maraming kultura.
D Buhayin at galugarin ang kulturang maipagmamalaki ng bansang Asya.
22. Ito ay ang taludtod na may pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang Asya.
A mananatiling repleksyon ng kabutihan
B katali ng pagsasadula’t pagbabalagtasan
C magsasama-sama, magkakapit-bisig
D magkakapantay sa kalayaan at karapatan
23. Anong nais ipahiwatig ng nakasalungguhit na taludtud sa bahagi ng tula para sa mga mamamayan ng bansa?
A Pagtutulungan sa lahat ng panuntunan na iminumungkahi.
B Nakapagbibigay ng pagkakataon na maging malaya.
c Mamumuhay tayo nang tahimik at may patas sa tungkulin.
D Karapatan sa lahat ng bagay na mabigyan at mabiyayaan.
24. Bilang kabataan ng ating lipunan, bubuhayin at pagyayamanin mo pa ba ang kultura ng nakaraan?
A Oo, dahil ito’y kailangan ng mga kabataan sa kasalukuyan.
B Oo, dahil kasapi kami sa lipunan at may tungkulin sa kapwa.
C Hindi, sapagkat lahat tayo ay may kanya-kanyang tungkulin.
D Hindi, dahil hindi pinipilit ang mga tao na mahalin ang sariling atin.

25. Bilang isang tunay na mamamayang Pilipino, sa paanong paraan mo palalaguin ang kultura sa
kinabukasan?
A Bilhin ang mga kagamitan na sa atin lamang galing.
B Isapuso at sundin ang bawat kultura ng ating bansa.
C Umawit at sayawin ang mga awiting sariling atin.
D Tulong dito, tulong doon. Walang pinipiling kahit ano.
Sanaysay
Para sa bilang 26-29. Panuto: Punan ang patlang ayon sa wastong pang-ugnay na angkop sa pangungusap.

Palibhasa dahil sa ngunit na ayon sa kahit na para sa

Bilang kabataang nasa makabagong panahon ngayon, tungkulin nating ipagpatuloy ang adhikaing pagpapayaman
ng ating pagkakakilanlan na itinuturing hiyas ng ating bayan 26._________ nakakalungkot isiping unti-unting nawawala ang
mga dati’y pinag-iingatang yaman ng ating bansa. Isa sa mga sinasabing hiyas ay ang mga larong pinoy. Dahil sa mga
impluwesiyang dala ng modernisasyon, ang dati-rati’y kinagigiliwang mga larong pinoy ay napalitan na ng pagkawili sa mga
online games na nalalaro gamit ang mga makabagong gadgets.27._________ halos lahat ng kabataang pinoy ngayon ay may
kani-kaniyang mga nagagamit na gadget. 28. _________ mga pag-aaral, lumalabas na maraming kabataang pilipino ngayon
ang di na pamilyar o halos di na alam ang mga katutubong laro. Gayunpaman, hindi dapat mawala ang pag-asang muling
uusbong ang dati’y masiglang kulturang Pilipino 29. _________ mas lalong ikauunlad nito.
30-32
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili
sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi
maaring suwayin. Balang-araw maaring lumuwag ang tali at kami’y pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong
iyon.

30. Ano ang pangkalahatang ideya ang nakapaloob sa talata?

A Kalayaan ang solusyon sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.


B Paghahangad ng kalayaan mula sa kulturang nakagisnan.
C Matagal makamit ang ninanais na kalayaan.
D Mas hinahangad ang kulturang Europeo sa panahon ngayon.

31. Anong uri ng pang-ugnay ang salitang subalit na ginamit sa isiniping talata ? Pangatnig
A Pang-ukol B Pang-angkop C Pang-abay D Pangatnig

32. Batay sa talata, ano ang ibig ipakahulugan ng salitang nakatali?


A Nakagapos sa haligi C Hindi makawala sa nakaugalian
B Hindi makalabas sa sitwasyon D Walang kalayaan
Dula: 33-40

Tiyo Simon: … at aking tinandaan sa isip: kailangan ng isang tao ang pananalig, kahit ano, pananalig, nang sa
anong bagay, lalong mabuti kung pananalig kay Bathala, kung may panimbulanan siya sa mga sandali ng kalungkutan, ng
sakuna, ng mga kasawian…upang may makapitan siya kung siya’y iginugupo na ng mga hinanakit sa buhay.
Hinalaw sa
dulang Tiyo Simon ni N.P.S.. Toribio

33. Ano ang nangingibabaw na mensahe ang masasalamin sa binasa?


A Ang pananalig ay mahalaga sa buhay. C May paninindigan sa buhay ang tauhan
B Pagsisisi sa dating desisyon sa buhay D Kawalan ng pananalig sa Poong Maykapal

34. Ano ang inilalahad ng may salungguhit na pahayag?


A Marami talagang pagsubok ang buhay
B Ang maling desisyon ay nagpapalungkot sa atin.
C Pananalig ang tanging mahahawakan tuwing may pagsubok.
D Ang kasiyahan ang bumubuhay sa tao

35. Ano ang pangkalahatang kaisipan ang inilalahad ng akda?


A Pagmamahal sa Tiyo Pananampalataya sa ating mahabaging Diyos.
C

B Pagsimba tuwing Linggo D Pagpapahalaga sa ating mga kamag-anak

36. Sa kabuuan ng dula, naniniwala ka bang totoo ang pagbabago ni Tiyo Simon?
A Hindi, kung tunay na nagbago na siya, magsisimba siya kahit walang kasama.
B Hindi, dahil magsisimba lamang siya para samahan si Boy.
C Oo, dahil paulit-ulit niyang binanggit na mahalaga ang mayroong pananalig sa buhay.
D Oo, dahil nais niya na mabigyan ng biyaya sa buhay.

37. Namatay na hindi nakapag-Hesus. Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan?
A Nakapagsimba B Nabendisyonan C Nakapagdasal D Naipako sa krus

38. Kailangan ng pananalig ang tao. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A pagdarasal B pagpapakumbaba C pagtatiyaga D pananampalataya

39. Aling pahayag ang nagpapakita ng katotohanan gamit ang ekspresyong pagpapahayag?
A Para sa akin, magandang gamitin ang makabagong teknolohiya sa pagtuklas ng kaalaman.
B Maraming impormasyon ang nakukuha sa social media.
C Tunay na maraming naitutulong ang internet sa buhay ng tao sa kasalukuyang panahon.
D May masama ring epekto ang pagkalulong sa mga internet games lalo na sa mga kabataan.

40. “Si Job ay nagkasakit ng ketong. Kaalinsabay nito ang pagkamatay ng kaniyang sampung anak na babae at pagkawala ng
kaniyang yaman. Nais na ng kaniyang irog na kasuklaman ang Diyos sa nangyari sa kanilang pamilya. Ngunit hindi nawala
ang integridad ni Job sa Panginoon.” Sa iyong palagay ano ang ipinapakitang katangian ni Job sa kabila ng kaniyang
sitwasyon?
A Si Job ay mapagkumbaba at matiisin sa buhay.
B Nais ni Job na panatilihin ang kaniyang katapatan at pananalig sa Diyos.
C Ang panunumbat ay hindi kailanman sumagi sa isipan ni Job.
D
May malaking pananampalataya si Job sapagkat alam niyang ang bawat pagtitiis ay may kalakip
na biyaya.

DIVISION OF DAVAO DEL NORTE


UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2017-2018
Division Unified Test in Filipino 9
TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Ebalwasyon Pagbubuo KABUUAN


(Remembering) (Understanding) (Applying) (Analyzing) (Evaluating) (Creating)
MGA KASANAYAN
Madali (60%) 24 Katamtaman (30%) 12 Mahirap (10%) 4

1.Maikling Kuwento
1.1.F9WG-Ia-b-41
Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng 1 1
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
1.2 F9PU-Ia-b-41
2 1
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari
1.3. F9PT-Ia-b-39
Nabibgyang-kahulugan ang mahirap na salitang
ginamit sa akda batay sa denotatibo o 3 1
konotatibong kahulugan
1.4. F9PS-Ia-b-41
Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: - 4 1
Tauhan
1.5 F9PB-Ia-b-39
Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid 5 1
sa mga ideyang nakapaloob sa akda
1.6F9PN-Ia-b-39
Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan
6 1
nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda
2. Nobela
2.1 F9PN-Ic-c-40
Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na
9, 10 7,8,11,12 6
nagpapakita ng pinakamataasng katotohanan,
kabutihan at kagandahan batay sa napakinggang
bahagi ng nobela
2.2. F9PB-Ic-d-40
Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa 13, 14 2
binasang nobela
2.3. F9WG-Ic-d-42
Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay-opinyon( Sa 15,16,17
tingin/akala/pahayag/ko,iba pa)
3. Tula
3.1. F9PN-Ie-41
21, 24 25 3
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming
inihayag sa napakinggang tula
3.2. F9PU-Ie-43 Naisusulat ang ilang taludtod
tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging 22, 23 18,20 4
mamamayan ng bansang Asya
3.3. F9WG-Ie-43 Naipapahayag ang sariling
emosyon/damdamin sa iba’t ibang paraan at 19 1
pahayag
4. Sanaysay
4.2. F9PB-If-42 31 30 2
Nasusuri ang padron ng pag-iisip sa mga ideya at
opinyong inilahad sa binasang sanaysay.
4.3. F9PT-If-42
Naipaliliwang ang salitang may higit na isang 32 1
kahulugan.
4.4. F9WG-If-44
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa 25, 29 5
pagpapahayag ng sariling pananaw.
5. Dula
5.1. F9PN-Ig-h-43
33, 34 36, 40 4
Nabubuo ang kritikal na paghuhusga sa
karakterisasyon ng mga tauhan.
5.2. F9PB-Ig-h-45
Nailalapat sa sarili bilang isang Asyano ang 35 1
pangunahing kaisipan ng dulang binasa.
5.3.F9PT-Ig-h-43 Naipaliliwanag ang kahulugan
ng salita habang nababago ang estruktura nito 37, 38 2

F9PS-Ig-h-45 Nagagamit ang mga ekspresyong


nagpapahayag ng katotohanan ( sa totoo, 39 1
talaga,tunay, iba pa).

DIVISION OF DAVAO DEL NORTE DIVISION OF DAVAO DEL NORTE


DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2017-2018 SY 2017-2018
SY 2017-2018
Division Unified Test in Filipino 9 Division Unified Test in Filipino 9
Division Unified Test in Filipino 9
SUSI NG PAGWAWASTO SUSI NG PAGWAWASTO
SUSI NG PAGWAWASTO

1. A 21. D 1. A 21. D 1. A 21. D


2. D 22. A 2. D 22. A 2. D 22. A
3. B 23. C 3. B 23. C 3. B 23. C
4. A 24. B 4. A 24. B 4. A 24. B
5. C 25. B 5. C 25. B 5. C 25. B
6. A 26. NGUNIT 6. A 26. NGUNIT 6. A 26. NGUNIT
7. C 27. PALIBHASA 7. C 27. PALIBHASA 7. C 27. PALIBHASA
8. D 28. AYON SA 8. D 28. AYON SA 8. D 28. AYON SA
9. A 29. PARA SA 9. A 29. PARA SA 9. A 29. PARA SA
10. A 30. B 10. A 30. B 10. A 30. B
11. B 31. D 11. B 31. D 11. B 31. D
12. C 32. C 12. C 32. C 12. C 32. C
13. C 33. A 13. C 33. A 13. C 33. A
14. A 34. C 14. A 34. C 14. A 34. C
15. A 35. C 15. A 35. C 15. A 35. C
16. C 36.C 16.C 36. C 16. C 36. C
17. D 37. B 17. D 37. B 17. D 37. B
18. C 38. D 18. C 38. D 18. C 38. D
19. A 39. A 19. A 39. A 19. A 39. A
20. A 40. B 20. A 40. B 20. A 40. B

Inihanda nina:

1. Joebelle J. Mabitasan – Asuncion NHS


2. Mileza P. Montojo –Igangon IS
3. Lyca Marie V. Oracion – New Corella NHS
4. Daisy Mae O. Golosinda – Mesaoy NHS
5. Shyrel A. Cabayag – Sagayen NHS

You might also like