You are on page 1of 28

KABANATA 23:

MGA PASKIL
INIULAT NI:
LEAH MARIZ F. RICAPLAZA
TAGPUAN
SA BAHAY NILA BASILIO
TALASALITAAN
1.NAGREREPASO

-Nag-aaral

HALIMBAWA
-Masayang nagrerepaso si Angel.
2.PAKIBAGAYAN

-Pakisamahan
HALIMBAWA
-Ang hirap pakibagayan ng ugali ni Irene.
3.NANAOG

-Bumaba
HALIMBAWA
-Dali-daling nanaog sa hagdan si Lian ng malaman niyang
naaksidente ang kanyang kaibigan.
4.HIMAGSIKAN

-rebelyon

HALIMBAWA
-Hinikayat ni Rion na sumali si Reign sa himagsikan.
5.INATASAN

-Inutusan
HALIMBAWA
-Inatasan si Remy na bumili ng tinapay.
6.KAHABAG-HABAG

-Kaawa-awa

HALIMBAWA
-Kahabag-habag ang nagyari sa lalaki.
7.HINIMOK

-Hinikayat

HALIMBAWA
-Hinimok ko si Reign sa sumali sa paligsahan ng pagtakbo nang
malaman ko kung gaano siya
8.APYAN

-Isang uri ng halaman


-Ipinagbabawal na gamot

HALIMBAWA
-Mayroon akong nakita na apyan.
9.PAGHITIT

-Pag-amoy ng isang bagay ng paulit-ulit.

HALIMBAWA
-Nakita ko ang paghitit ni kuya ng ipinagbabawal na gamot.
10.NILALAIT

-Kinukutya

HALIMBAWA
-Nilalait nila ang si Roxanne dahil sa pisikal na anyo nito.
TAUHAN
BASILIO
- Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Huli.
SIMOUN
- Ang mayamang mag-aalahas
CAMARRONCOCIDO
- Isang espanyol na kinakahiya ng kanyang angkan dahil sa kanyang
panlabas na anyo.
MACARAIG
-Siya ay mayaman na mag-aaral.
BUOD
Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa
bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-
iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni
Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila
estudyante.
Si Basilio ay di din nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-
sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-
aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging
mahirap pakibagayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung
minsa’y nilalait. Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito.
Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit
kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa
matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay
Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.
Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego
ay noon lamang sila nagkaharap.Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani
Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani
Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan laban sa pamahalaang kastila
dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat patayin. Inatasan ni
Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara habang
nagkakagulo ang buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa
kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang
liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan
Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni
Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.
ARAL
Ipinapakita sa kabanatang itona
mayroon taklangang mga bagay sa
ating buhay na anuman ang gawin
natin ay wala na sa ating
kontrol.Gaya ng sakabila ng
pagsisikap ni Simoun ay hindi pa
rin niya nailigtas si Maria Clara
dahil ito ay nagbigti na.
SIMBOLISMO
Sinisimbolo ng pamagat ng
kabanatang ito (isang
bangkay) ay ang bangkay ni
Maria Clara.
PAGSUSULIT
1. ANO ANG SINISIMBOLO NG PAMAGAT?
2. SINO ANG TINUBOS NI BASILIO SA PAGKAALILA?
3. ANO ANG ITINATAGUBILIN NI SIMOUN AT PADRE IRENE?
4. SINO ANG NAKAKITA KAY SIMOUN SA MAY DULAAN?
5. SINO ANG NAGHIMOK KAY BASILIO NA SUMALI SA HIMAGSIKAN?
6. ANO ANG INATAS NI SIMOUN KAY BASILIO?
7. ANO ANG NANGYARI KAY MARIA CLARA?
8. PAANO NALAMAN NI BASILIO ANG NANGYARI KAY MARIA CLARA?
9. KANINO GALING ANG LIHAM PARA KAY PADRE IRENE?
10. ANO ANG KAHULUGAN NG SALITANG PAKIBAGAYAN?
SAGOT
1.Ang sinisimbolo ng pamagat ay ang bangkay ni Maria Clara.
2.Si Huli.
3.Itinatagubilin nila na paggalingin ang maysakit at pagtiisan
ang maysakit.
4.Si Camarroncocido
5.Si Simoun
6.Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara sa
kumbento.
7.Siya ay nagpakamatay.
8.Pumunta siya sa kumbento upang makibalita at doon niya
nalaman na nagpakamatay ito.
9.Ito ay galling kay Padre Salvi
10.Pakisamahan
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG !

You might also like