You are on page 1of 24

Mikee Rody

Calma
Kabanata XI :

Si Basilio
Tagpuan
Gubat ng mga Ibarra
na pag-aari na ngayon
ni Kapitan Tiyago.
Mga Karakter
Basilio
Simoun / Ibarra
Maria Clara
Kapitan Tiyago
Propesor
Buod
Nang tumunog ang kampana para
sa simbang gabi,maingat na
nagtungo si Basilio sa Gubat upang
dalawin ang puntod ng kanyang
yumaong Ina sa may malaking
baliti sa gitna ng burol.
Ipinagdasal niya ito at
nagbalik-tanaw
labingtatlong-taon na ang
nakalilipas.
Hinabol ni Basilio si Sisa dito
kahit na pipilay-pilay ngunit
namatay naman ito. May
dumating na lalaki na si
Ibarra.
Inutusan siya nitong kumuha
ng kahoy ngunit pagbalik niya
ay may isa pa siyang nakita– Si
Elias. Ang bangkay na sugatan
ay sinunong at ang kanyang Ina
naman ay Inilibing.
Lumuwas si Basilio sa
Maynila,may sakit at gula-
galanit ang suot at
sinubukang mamasukan
bilang katulong ngunit
walang tumanggap sakanya.
Mabuti’t nakita niya si Kap.
Tiyago na kahahatid lamang
kay Maria Clara sa Beateryo at
sinundan niya ito. Hinanap
niya sila at namasukan
dito.Tinanggap siya ngunit
walang sweldo pero makapag-
aaral kung nanaisin.
Nag-aral si Basilio sa Letran na
walang anumang maayos na
kasuotan at hindi na pinansin ng
propesor. Nang umuwi sila ni
Kap.Tiyago sa San Diego, iniyak
na lamang niya ito.
Gayunman, Isinasa-ulo parin niya
ang kanilang leksyon kahit na
walang maintindihan.Natanggap
niya na sa 400 ay 40 lamang na
estudyante ang napapansin.
Eksaminasyon ng sinagot
niya ang nag-iisang
tanong nang walang tigil
kaya’t siya lamang ang
nakapasa.
Ikalawang taon niya ng makabili
ng sapatos at sumbrero, mas
disente na din siya dahil sa damit
na bigay ng kaniyang amo. Ngunit
hindi parin napapansin ng
kaniyang Guro. Naging matiyaga
siya at hindi nasiraan ng loob.
Ikatlong taon, naisipan ng kaniyang
propesor na dominikano na tanungin
siya tungkol sa leksyon. Sinagot ito ni
Basilio na parang loro at detalyado.
Tinanong pa siya ng tinanong ngunit
napahiya ang propesor dahil akala nito
na makapagpapatawa siya ngunit
nabigo ito.
Nawalan ng ganang mag-aral si
Basilio dahil sa nangyari at inisip
na tumigil sa Ikaapat na
taon.Isang araw,nagkahamunan
ang mga propesor at kadete.
Nangako ang propesor ng mataas
na grado kung sasali sa
labanan.Nang sumunod na linggo
nagkasagupa ang mga kadete at
estudyante gamit ang baston at
sable. Namayani si Basilio at
nakilala na siya ng propesor.
Dahil dito at sa kaniyang
kasipagan, nakatanggap siya
ng pinaka-mataas na grado
at mga medalya.Siya ay
sobresaliente din.
Hinikayat siya ni Kap. Tiyago
na lumipat sa Ateneo
Munisipal dahil nagalit si
Kap.Tiyago mula nang
magmongha si Maria Clara.
Ginusto nito na kunin niya ay
Abogasya ngunit medisina ang
kaniyang pinili.
Marami ang natutuhan ni Basilio
at ipinagmalaki siya ng kaniyang
mga propesor at natapos siya sa
pagkabatsilyer. Dahil matiyaga
at masigasig sa pag-aaral, di pa
man tapos ay nakapanggagamot
na siya.
Huling taon na ni Basilio at
pagkatapos ay pakakasal na
sila ni Huli. Si Huli ay ang
iniibig ni Basilio mula pa
noon.
Mga
Talasalitaan
1.Karwahe – Kalesa
2. Beateryo-Kumbento
3. Baston - Kahoy
4. Magmongha- Magmadre
5. Sobresaliente
6. Batsilyer- Bachelor

You might also like