You are on page 1of 21

Kabanata 26

Talasalitaan:
1. Hindi na pansin ni Basilio ang mga mag-
aaral galing ng Maynila na nagbubulongan at
lihim na naghuhudyatan.
N S S E Y N

2. Lumayo si Basilio, upang puntahan ang


kanyang mga pasyente, ngunit sinalubong
sya ng Katedratiko sa unibersidad.
A I N P O P S R
3. Tinangkang banggitin ni Basilio si
Simoun, ngunit agad na tumugon ang
katedratiko.
S A O T

4. Ang pagkakaroon ng global warming ai


inihihimatong lahat sa pang-aabuso ng
tao sa kalikasan.
T N T R O
5. Sa di kalayuan natanaw ni Basilio na
nagtatalumpati si Isagani sa harapan ng
mga mag-aaral na namumutla ngunit
pinagpupuyusan ng kalooban.

P N A --- A L
Talasalitaan:

Naghuhudyatan Nagsesenyasan
Katedratiko Paring Propesor
Tumugon Sumagot
Inihihimatong Itinuturo
Nasagap Nakuha
Pinagpupuyusan Pinag-aalab
1 Maagang gumising si Basilio dahil
may kailangan siyang gawin.
Una,dadalawin nya ang kanyang mga
pasyente sa ospital. Pangalawa, pupunta
sya sa unibersidad upang asikasuhin ang
kanyang pagtatapos. Pangatlo,
pupuntahan nya si Macaraig upang
mangutang ng kanyang gagastusin sa
paaralan dahil pinangtubos nya ang
kanyang naipon kay Huli at sa bahay na
matitirhan nya at ang kanyang Ingkong.
2-4 Habang naglalakad si Basilio,
iniisip nya ang kanyang gagawin. Nang
siya ay nakarating sa ospital ng San Juan
de Dios, tinanong sya ng mga kaibigan
ukol sa himagsikan. Bigla niyang naalala si
Simoun. Nagkunwaring walang alam si
Basilio upang makasagap ng
impormasyon. “Talaga? Sino-sino naman
ang mga kasangkot?” ang kunwaring
tanong ni Basilio. “Maraming mag-aaral,”
ang sabi ng isa.
5 Lumayo si Basilio at sinabi na
pupuntahan pa niya ang kanyang mga
pasyente ngunit sinalubong sya ng isang
katedratiko at tinanong kung kasama sya
sa ginanap na piging noong nagdaang
gabi. Sinabi lamang niyang hindi sapagkat
hindi maganda ang kalagayan ni Kapitan
Tiago. Tinanong ulit siya kung kasapi siya
sa Akademya ng Wikang Kastila. Nang
sinabi niya na sya ay kasapi, pinayuhan na
umuwi at sunugin ang mga papel na
maaaring ikapahamak nya.
6 Tinangkang banggitin ni Basilio, si
Simoun ngunit tumugon ang katedratiko.
Sinabi niyang walang kinalaman si Simoun
dahil ang mga mag-aalahas ay may sakit
dahil nilusob ng taong hindi nakilala. At
tinanong ni Basilio kung may kasangkot
na tulisan, at sinabi ng katedratiko na
mga mag-aaral ang mga nasasangkot.
7-8 “Bakit puro mag-aaral?” ang
pangungulit na tanong ni Basilio.
“Nakitang nakadikit ang mga paskil sa
mga pintuan ng unibersidad na
mapanghimagsik kaya inihihimatong ito
sa mga mag-aaral.” ang sabi ng
katedratiko at isa pang katedratiko ang
dumating at sinabing “Malapit ng
mamatay si Kapitan Tiago kaya nilalapitan
na siya ng mga uwak at buwitre.”
9 Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio.
Ayon sa mga nasagap niyang balita,
maraming mag-aaral ang mapupugutan
ng ulo,ipabibilanggo, at babagsak sa pag-
aaral, kaya naalala niya ang sabi ni
Simoun sa kaniya na ang mag-aalahas ay
hindi na makapagtatapos ng pag-aaral si
Basilio. Dahil dito lumakas ang kutob ni
Basilio na may kinalaman si Simuon sa
nangyari.
10 Nang si Basilio ay nagpunta sa
unibersidad upang malaman nya kung ano
ang dapat niyang gawin, una niyang
nakasalabong si Sandoval ngunit hindi sya
pinanansin nang tawagin niya ito. Ikalawa
ay si Tadeo na masayang-masaya at nang
tanungin ang binata, at sinabi na lamang
na walang pasok at ibibilanggo ang mga
mag-aaral kasapi sa kapisanan. Ikatlo ay si
Juan na tila wala sa sarili at sabi kay Basilio
na wala itong kasalanan at mabilis na
lumayo nang nakita nito ang isang tanod.
11 Nagtungo pa rin si Basilio sa
unibersidad upang tignan kung bukas ang
opisina ng kalihim at nang makibalita
ngunit sarado. Sa di kalayuan natanaw
niyang nagtatalumpati si Isagani sa
harapan ng mga mag-aaral na namumutla
ngunit pinagpupuyusan ng kalooban.
Sinabi nya sa mga mag-aaral na hindi dapat
matakot sapagkat karangalan ang
lumaban at hindi dapat umatras sa
panganib na dulot ng mga paskil na
ibinibintang.
12 Lumayo si Basilio dahil hindi siya
sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.
Pupuntahan nya si Macaraig upang
mangutang. Nang siya ay nakarating sa
bahay ng kaibigan, huli na nang makita
niya ang dalawang bantay at hindi na siya
nakaurong pa. Tinanong siya ng mga
bantay kung ano ang kanyang kailangan
at sinabi niyang hinahanap nya si
Macaraig.
13 Hindi nagtagal at pumanaog si
Macaraig kasama ang isang kabo at
dalawang kawal. Nagtaka ang binata
nang makita si Basilio at nagwikang,
“Kahanga-hanga ka, kaibigan! Sa
kasayahan ay hindi mo kami sinasaluhan
ngunit ngayong oras ng kagipitan ay
dinadamayan mo kami!
14-15 Tinanong ng kabo ang pangalan
ni Basilio, dinakip nila pati si Basilio. Gusto
sanang tumutol ni Basilio ngunit sinabi ni
Macaraig na wala siyang dapat ipag-alala.
Kaagad na ipinaalam ni Basilio ang
kanyang sadya kay Macaraig nang sila ay
nasa sasakyan na. Hindi naman binigo ni
Macaraig at sinabing “ Walang problema,
kaibigan. Sa ating pagtatapos ay
iimbitahin pa natin ang dalawang kabong
ito.”
Maglabas ng
¼ sheet of paper.
Panuto: Isulat ang tamang sagot.

1. Anong pangalan ng ospital na kung


saan doon nagtratrabaho si Basilio?
2. Sa papaanong paraan nalalaman naang
isang tao ay malapit ng mamatay?
3. Bakit kailangan ni Basilio si Macaraig?
4. Sino ang nagtanong kay Basilio na sya
ba ay kasapi ng Akademya ng Wikang
Kastila?
5. Ano ang pamagat ng aking ikwinento?
Sagot:

1. San Juan de Dios


2. Dahil nilalapitan na ito ng mga uwak at
buwitre.
3. Dahil kailangan niya sa gagastusin sa
paaralan.
4. Katedratiko
5. Mga Paskil
Mahalagang Kaalaman

“Naipakita ng isang tao na mayroon siyang


simulaing dapat panindigan kapag
matapang siya sa pagharap sa anumang
sitwasyong kanyang kinasasangkutan.
Hindi siya basta nagpapadala sa takot lalo
na kung ito ay para sa bayan.”
Thank You
for
Listening!!!

You might also like