You are on page 1of 3

KABANATA 25 ( TAWANAN AT IYAKAN)

Talasalitaan:

Pansiterya - mamahaling restawran

BUOD
*Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan.
Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang
Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito.

*Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala raw
karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging
kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.

*Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang


ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa
nasabing pagtitipon.

*Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa
ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili.
Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sinusubaybayan ang
kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.
KABANATA 26 ( MGA PASKIN )
Talasalitaan:
Paskin – isang limbag na tumutuligsa sa pamahalaan
Pag-uusig - pag-iimbestiga
Pamantasan – paaralan
Kabo - ?

BUOD
Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio.
Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay
pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na
niya ang kanyang grado.

Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na
pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa
paglulunsad ng himagsikan.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang
ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin
ng himagsikan.

Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa
pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.

Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.

Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa
tanggapan ng Gobyerno Sibil.

Aral – Kabanata 26
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang
maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.
LINK:

https://www.facebook.com/ElFilibusterismoON/posts/
pfbid033bXBTH9s6CoZR9C8nYRBvBp8V4FzCzpMxxp446qTPHADcLztknd5Ek
BBit2heLY6l

–KABANATA 25

https://www.facebook.com/ElFilibusterismoON/posts/
pfbid02JxgCcGgz1xTTikLb1QeiMJdMbYyUAurnWNbBW2iEZwgFvN8Ge19cYL
WeyBRbU6Wpl

– KABANATA 26

You might also like