Maagang nagbangon si Basilio upang magtungo sa ospital dahil nais niyang makuha ang kaniyang lisensiyatura sa Unibersidad. Nais niyang umutang kay Macaraeg ng pera para sa kaniyang gagastusin dahil ang kaniyang ipon ay nailaan na pantubos kay Huli. Sa bahaging ito ay maiisip natin kung bakit hindi na lamang kay Kapitan Tiyago mangutang si Basilio, marahil ay nahihiya si Basilio kay Kapitan Tiyago at natatakot siyang akalain ng matanda na hinihingi na niya ang paunang pamana para sa kaniya. Sa tapat ng San Juan de Letran ay may nagtanong sa kaniya ukol sa pagbabangon. Naisip niya nab aka may kinalaman dito si Simoun. Marami raw na estudyante ang nadamay sa kaguluhan ngunit nagpatuloy sa paglalakad si Basilio. Nakasalubong naman ni Basilio ang isang katedratiko na malapit sa kaniyang loo at itinanong kung kasama ba si Basilio sa hapunan. Tumanggi si Basilio at sinabing mabuti na lamang at wala. Nang malamang kasapi si Basilio sa kapisanan ay pinayuhan nito ang binate na umuwi nat sirain ang lahat ng kasulatang maaaring makapagpadawit sa kaniya. Nabanggit ni Basilio si Simoun ngunit wala raw kinalaman si Simoun dahil nakaratay ito dahil sa labis na karamdaman. Sino nga ba talaga ang may gawa ng mga paskin? Hindi maaaring si Simoun dahil nga sa karamdaman nito. Ang mga mag-aaral kaya? Ngunit kahit isa sa kanila ay walang nakakita ng paskin sa unibersidad sapagkat maaga itong ipinatanggal ng rector. Kung gayon, ang maaari nating mahinuha, ito ay pakana mismo ng mga prayle upang masiraang plano ng mga mag-aaral ukol sa pagpapatayo ng Akademya de Castellano. Sunod naming nakasalubong ni Basilio ay isa pang katedratiko na ipinamalita na: Nangangamoy na si Kapitan Tiyago. Nilalapitan na siya ng mga uwak at buwitre. Makikita natin na sa panahong ito ay talagang mahina na si Kapitan Tiyago dahil adalas daw itong bigyan ng gamot at opyo ni Padre Irene. Kung sa gayon, ang tinutukoy na uwak at buwitre rito ay sina Padre Irene at Simoun dahil sila lamang ang mayroong malapit na relasyon kay Kapitan Tiyago at tunay na manginginabang ng yaman ni Kapitan Tiyago kapag namatay na ito. Nagpatuloy na sa paglalakad si Basilio at marami nang estudyante ang nahuli. Nakita niya si Sandoval at hindi siya nito pinansin. Si Sandoval ay isang uri ng mag-aaral na kapag oras nan g problema ay hindi na malalapitan. Si Tadeo naman ay tuwang-tuwa dahil wala silang pasok dahil sa pangyayari. Makikita na si Tadeo ay isang mag-aaral na walang alam at pakialam sa mga pangyayari sa lipunan. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay ang kaniyang sariling kasiyahan. Natanaw naman ni Basilio si Isagani at namumutla ito ngunit hinihikayat pa rin ang mga kasamahang huwag umurong dahil wala naman silang kasalanan. Makikita ang likas na katapangan ni Isagani ngunit ang kaniyang pagka-ideyalistiko ay siya ring magpapabagsak sa kaniya sa mga susunod na kabanata. Tumalikod na si Basilio at hindi siya sumang-ayon sa sinabi nito. Tumungo siya kay Macaraeg upang mangutang. Napasubo siya at napaharap sa dalawang tanod. Inakala ni Macaraeg na nakikisali si Basilio sa mga nahuli at ito ay kaniyang ikinatuwa ngunit ipanagtapat ni Basilio ang kaniyang pakay na humiram ng pera at sinabi ni Macaraeg na makakaasa ito sa kaniya. Kakikitaan din ang kabananatang ito ng teoryang sikolohikal sapagkat inilarawan kung paano ang naging behaviour o pag-uugali ng mga mag-aaral katulad nina Sandoval, Tadeo, Isagani at Macaraeg nang sila ay masangkot sa kaguluhan ukol sa Paskil.
KABANATA 29: Ang Huling Pati ukol kay Kapitan Tiyago
Marangal ang libing kay Kapitan Tiyago. Makikitang maraming pera ang inilaan para rito. Si Padre Irene ay hinirang na tagapagpatupad ng testamento ng kapitan. Paghahati-hatiin ang kaniyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, sa Arsobispo, at mga orden. Sa kabanatang ito, marahil, si Padre Irene ang pinakamasaya sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago sapagkat siya ang namamahala sa kaperahan nito. Sa ganitong paraan nagkakamal ng malaking lupa at kayaman ang mga orden at ang simbahan. 20 piso ang itinira sa pangmatrikula ng mga estudyanteng mahihirap at iminungkahi ito ni Padre Irene upang magmukha siyang may pagtangkilik sa mga mag-aaral. Samantala, 25 piso lamang ang pamana kay Basilio dahil sa kawalang utang na loob nito. Nang nakaburol si Kapitan Tiyagoay marami ang usap-usapan ukol sa kaniya. Nakita raw ng mga mongha ang nagliliwanag na kaluluwa ni Kapitan Tiyago. Iyon daw ay utang sa maraming pamisang nagawa ng kapitan. Kitang-kita ang kahangalan ng mga Pilipino rito ukol sa relihiyon. Naniniwala sila na ang susi sa pagpunta sa langit ay pagpapamisa nang sandamukal at pagbabayad ng indulhensiya. Hindi nila alam na isa lamang itong taktika upang makakamal ng maraming pera ang simbahan. Makikita rin dito ang kataliman ni Quiroga pagdating sa negosyo. Ang mga intsik ay nagkristiyano lamang sapagkat mas malakas ang negosyo rito. Mayroon din namang nagtalo ukol sa damit na isusuot kay Kapitan Tiyago. Una nilang naisip na mamahaling damit ang ipasuot dito ngunit napagdesisyunan ni Padre Irene na lumang damit na lamang ang ipasuot upang makabawas sa gastos. Hindi raw mahalaga ang kasuotan pagdating sa langit. Makikita natin ang motibo ni Padre Irene sa bahaging ito na ayaw niyang pasuotin ng magarbong kasuotan si Kapitan Tiyago sapagkat mababawas pa ito sa perang hawa-hawak niya. Pansin na pansin na si Padre Irene ay gahaman sa pera. Samantala si Donya Patricinio na karibal ni Kapitan Tiyago sa pagiging mayaman ay nais na ring mamatay bukas na bukas din upang maipakita na mas maganda at dakila ang kaniyang pagpapalibing. Isa itong katungakan sa bahagi ni Donya Patrocinio, isang hangal na nais lamang makataas sa ibang tao kahit sa kamatayan man. Kakikitaan din ito ng pananaw na Orientalismo sapagkat sa kabantang ito na ang mga Pilipino ay mahilig maniwala sa mga pamahiin at naniniwala sila sa walang katuturang itinuturo ng simbahang Katoliko sa panahon ng mga Kastila kagaya ng pag-akyat sa langit sa pamamagitan ng padasal at indulhensya at iba pa.