You are on page 1of 5

HOW TO DO THE FINAL TERM EXAM

Nota 1. Your paper must bear your name in the upper left corner using the
Bene: surname-given name-middle initial order. Below it is “AB English
1-2”. The name of your professor and the date of the submission
must be encoded subsequently in the upper right.
2. Encode the question before its answer. The question must be
encoded using red ink while the answer must be encoded using
black ink. Both entries must use 12-point font Times New Roman
or 11-point font Arial
3. Your answer must follow the specified number of paragraphs
indicated in each item below. A healthy paragraph consists of 3 to
5 sentences only. USE FILIPINO.
4. Your answer must cite at least two (2) published works and one (1)
electronic source per item. If ALL of your sources will come
from the Wikipedia, your paper will be given immediately a
failing grade!
5. Your paper must follow the following pattern:
name AB English 1-2<space><space>first
question<space>answer<space><space>second
question<space> answer<space><space>references
cited<space>[and so on…]. After the last item’s answer, write the
number sign and encircle it. SEE THE ILLUSTRATION IN THE
NEXT PAGE.
6. Proofread your work for spelling and grammatical errors before you
submit it to your Class President for submission to your professor.
GOOD LUCK!

 - Enter Key (Press it)


HULING PAGSUSULIT SA HIST 1023

VALBAREZ, Mcvenz S. Prop. M. Pascual


BSA 1-17 25 May 2019


1. Magbigay ng mga kongkretong halimbawa kung paanong ang mga sumusunod ay
nakatulong sa paghubog sa pagkatao ni Rizal:
a. ang kanyang pamilya at bayan ng Calamba
b. ang kanyang mga karanasan bilang mag-aaral sa Binan, Ateneo at U.S.T..

Sa murang edad ni Rizal ay maaga na siyang nawalan ng tiwala sa konsepto ng
pagkakaibigan dahil sa pagkakadakip ng kaniyang ina mula sa maling paratang kanya. Dito
nahubog ang kaniyang pagkatao na hindi madaling nagtitiwala sa mga tao.

Makikita din ito sa babasahin kung gaano kamahal ni Rizal ang kaniyang ina sapagkat
madalas niya din dinadalaw ang kaniyang ina sa selda na hindi niya pinapaalam sa kanyang ama
at ina. Dumating ang panahon at napawalang sala din ang kaniyang ina. Pagkalabas ay agad
niyakap ni Rizal ang kaniyang ina na nabilanggo ng higit sa dalawang taon. Makikita ang
pagkahubog ng pagkatao ni Rizal ng pagiging mapagmahal sa pamilya lalong lalo na sa ina dahil
din sa pinapakitang pagmamahal ni Teodora para kay Rizal.

Nang kabataan din ni Rizal ay binasahan siya ng kaniyang ina ng isang pabula tungkol sa
inang gamu-gamo at ang kaniyang anak kung pano paulit-ulit na binabalaan nito ang kaniyang
anak na huwag lumapit nang masiyado sa apoy upang hindi ito mapahamak. Naintindihan ni
Rizal ang nais iparating ng pabula at ng kaniyang ina ngunit siya ay nagkaroon ng mas malalim
na interpretasyon para sa kwento na dahil sa sobrang kaakit-akit ng apoy ay kailangan mong
isakripisyo ang iyong sariling buhay upang mas maramdaman mo ang kagandahan nito kahit
panandalian lamang. Dahil dito ay nahubog ang pagkatao ni Rizal ng pagiging bayani at
pagsasakripisyo ng kaniyang sarili para sa bayan.

Sa kanya namang pag-aaral sa Ateneo nahubog ang kaniyang pagkatao na pagiging


competitive sa mga bagay-bagay. Dahil ito sa konsepto ng paaralan na hatiin ang mga lalaki sa
dalawang grupo at tawagin itong "empires." Laging pinaglalaban ang dalawang empire na ito at
ang parehong pinuno ng bawat grupo ay nais malamangan ang bawat isa at kalaunan ay si Rizal
ang naging emperor ng isang empire.

Mga kongkretong ebidensiya

"Each group has a leader who is called "Emperor." The "Emperor" wins his place by doing the
best work and standing the highest of anyone in his group."

"In Jesuit colleges they divide the boys into two groups or "empires,"-One Roman and the other
Greek. These two "empires" are always at war."

"Only a few days later the ungrateful woman plotted with a Guardia Civil officer who was a
friend of ours. She accused her husband of poisoning her and charged that my mother was an
accomplice. On this charge, the alcalde sent my mother to prison. "

"Every since then, child though I was, I have distrusted friendship."


HULING PAGSUSULIT SA HIST 1023

"The story revealed to me things until then unknown. Moths no longer were, for me,
insignificant insects. Moths talked; they knew how to warn. They advised, just like my mother.

"Yet in spite of all, they man still keeps the heart of a child. He still thinks that light is the most
beautiful thing in creation, and that to sacrifice one's life for it is worth while.

2. Ano ang Kilusang Propaganda? Gaano katibay ang samahan ng mga Pilipino sa
kilusang ito? Magbigay ng mga kongkretong halimbawa upang patunayan ang
sagot.

Sumiklab ang rebolusyon noong pinatay ang tatlong pari na sila Padre Gomez, Padre
Burgos, at Padre Zamora. Nahahati sa dalawang grupo noon ang rebolusyon; mga
rebolusyonaryo at mga repormista. Sila Rizal, Del Pilar at Jaena ay ang nagtatag ng Kilusang
Propaganda na kung saan isinusulong nila na repormahin ang mga pamamalakad na mayroon
ang mga Kastila noon sa bansa.

Ang Kilusang Propaganda ay may layunin na gawing pantay-pantay ang pagtingin sa


mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas, gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas,
magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya, sekularisasyon ng mga pari o
parokya sa Pilipino, pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag,
at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang sarili sa mga
maling paratang sa kanila.

Hindi naging matibay ang Kilusan sapagkat unang-una sa lahat ay hindi nagkakaisa ang
mga Pilipino. Nagkaroon ng pahayagan ang kilusan na may pamagat na La Solidaridad at
nakapag isyu naman ang kilusan ngunit kalaunan ay nagsara din ito sapagkat walang kalayaan sa
operasyon at kakulangan sa pondo.

"Hindi nalaunan at nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming balakit na kinaharap


nito. Kulang ang pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang pagkakaisa ang mga
Pilipino."


3-A. Ang Noli Me Tangere ay nagpapakita ng mga sakit ng lipunan na dapat alayan ng
solusyon. Anu-ano ang mga sakit ng lipunan ayon sa mga sumusunod na tauhan
at institusyon: a.) Crisostomo Ibarra b.) Basilio c.) Donya Victorina d.) Maria
Clara e.) Padre Damaso at Padre Salvi f.) kaparian g.) pamahalaan h.) mga
Pilipino.

Si Crisostomo Ibarra ay kumakatawan sa sakit sal lipunan ng pagkakaroon ng inggit sa
ibang tao. Makikita sa ikalawang kabanata ang paggamit ni Ibarra ng ugaling Aleman upang
ipakilala niya ang kaniyang sarili sa mga kababaihan.

Ang sakit sa lipunan naman na umiiral kay Basilio ay dahil sa hirap ng buhay ay
napipilitan ng magtrabaho sa murang edad pa lamang na sa halip sa ganoong edad ay nag-aaral at
naglalaro lamang siya.
HULING PAGSUSULIT SA HIST 1023

Si Donya Victorina ay ang tauhan na kumakatawan sa sakit sa lipunan na colonial


mentality. Pinapakita sa nobela ang pagiging desperada ni Donya Victorina na magkaroon ng
asawang kastila kung kaya't pinakasalan niya si Don Tiburcio.

Si Maria Clara ay ang tauhan na kumakatawan sa sakit sa lipunan ng nagbubulag-bulagan


sa katotohanan. Si Maria Clara ay nagsisilbi sa loob ng kumbento kung kaya't nakikita niya ang
lahat ng maling gawain ng parokya ngunit mas pinipili niyang maging tikom sa lahat ng
kamalian na kaniyang nasasaksihan.

Sila Padre Damaso at Padre Salvi ay ang sakit sa lipunan na kumakatawan sa pagiging
mapagkunwari. Isa silang mga itinuturing na mababait at respetadong mga pari ngunit sa
katotohanan ay napakarami nilang mga kasuklam-suklam na mga gawain na kapag naisiwalat ay
masisira ang kanilang buong pagkatao.


3-B. Ang El Filibusterismo ay tumutukoy sa posibleng solusyon sa mga sakit ng
lipunan. Paano ipinakilala ni Rizal ang mga ito ayon sa mga sumusunod na
tauhan: a.) Simoun b.) Basilio c.) Kabesang Tales d.) Padre Florentino

<SAGOT; nakasulat sa Filipino; 3-5 talata; 3-5 pangungusap ang 1 talata; naka-encode
gamit ang 11-point font Arial or 12-point font Times New Roman at itim na tinta; naka-justify>


4. Sa iyong pag-aaral ng kursong Buhay, mga Gawa, at Kaisipan Ni Rizal, paano mo
bibigyan ng katuturan ang mga sumusunod:
a. pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan
b. tungkulin ng pamahalaan sa mga mamamayan
c. bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagbuo ng matiwasay at
maunlad na bayan o bansa.

"History repeats itself." Yan ang mga katagang akala ko noon ay isang kasabihan lamang
ngunit makikita sa panahon ngayon na talagang nauulit ang mga pangyayari noon ngayon sa
kasalukuyan. Kahit noon pa man ay wala ng pagkakapantay-pantay ang mga tao sa kahit anong
aspeto pa ng buhay. Nooon, kapag ikaw ay Espanyol ay bulag sa iyo ang batas ngunit mainit ang
mga mata sa mga Pilipino. Noon, hindi mo maaaring maipaglaban ang iyong sarili sa mga
maling paratang kapag ikaw ay Pilipino. Kung ihahalintulad ito sa kasalukuyan, masasalamin na
nagaganap pa rin ito sa pagitan naman ng mayaman at mahirap. Dahil ang bansa natin ay
yumayakap ng Kapitalismong pamamalakad, ang mga mayaman ay patuloy na yumayaman at
ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap. Ang pwedeng maging represenstasyon nito ay ang
mga Espanyol ang mayayaman sa panahon ngayon at ang mga mahihirap ay ang mga Pilipino.

Tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang mga mamamayan kahit noong panahon pa


ni Rizal ngunit ito ba ay ramdam sa panahon nila? Pinapasakamay noon ng pamamahala ng
Espanyol ang buhay ng mga mamamayan kung kaya't tumagal ang pananakop ng mga kastila ng
napakahabang panahon. Makikita din sa panahon ngayon na hindi na nagagampanan ng
HULING PAGSUSULIT SA HIST 1023

pamahalaan ang tungkulin nitong protektahan ang mga mamamayan noong pumutok ang isyu na
nagaganap ang extra judicial killings dahil sa mga pusher o gumagamit ng droga.

Makikita din noon na walang pagkakaisa ang mga Pilipino bago ang pagkamatay ni Rizal
kaya mabilis nabuwag ang Kilusang Propaganda na dapat gampanan ng mga Pilipino ang
magkaisa laban sa mga mananakop upang makamtan natin ang kalayaan ngunit hindi ito
naisasagawa. Masasalamin naman ito sa ngayon hindi umuunlad ang bansa sapagkat hindi
ginaganampanan ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin na bumoto tuwing mayroong
halalan. Mas marami ang populasyon ng mga hindi bumoboto kaysa sa mga bumoboto kung
kaya't hindi nabibigyang boses ang minorya.

Ano man ang pangyayari noon ay maisasalamin sa mga pangyayari ngayon. Yan din ang
aking natutunan sa pag-aaral ng kurso mula sa aking propesor. Nakamit ang tunay na kalayaan
noon dahil sa kabilaang rebolusyon na pinamumunuan ng ating mga bayani ngunit sana ay hindi
na ito maulit sa kasalukuyan. Tunay ang ating kalayaan na nakamit noon ngunit hindi ito ganap.
Nawa'y ang aming henerasyon ang maging susi upang makamit ang kalayaan na ipinapaglaban
ng ating mga bayani.



Mga Sanggunian

PUBLISHED SOURCES

Nebres, Francisco Zulueta Abriel. Philippine History and Government Through The Years.,
2005.

Craig, Austin, Rizal’s Own Story of his Life. National Book Company, 1918

Palma, Rafael, Read Riza;’s Novels, 1971

ONLINE SOURCES

https://www.slideshare.net/gngjane/nmt-1-16433645

http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_8_PAGSIBOL_NG_KAMALAYANG.PDF

You might also like