Professional Documents
Culture Documents
available here Alam kong kailangan niya ng matutuluyan. Hindi lamang ang malalam
na gabi at napakalakas na ulan ang aking ikinabahala sa kanya, pati na rin ang
kanyang namamagang mata at ang bahid ng dugo sa kanyang pang-itaas na damit.
Wala siyang dalang kagamitan kundi ang kanyang sarili lamang. Natatakot ako. Paano
kung mayroong mga masasamang tao ang humahabol sa kanya at nais siyang patayin,
paano kung malamang narito siya at patayin din nila ako dahil pinatuloy ko ang
babaeng ito.
Ako si Elsa. Bigla niyang sinabi.
Nakuha niya pang magpakilala gayung alam kong nanghihina na siya. Ramdam ko rin
ang kanyang pagkatakot. Nakaramdam ako bigla ng awa.
Elsa. Sagot ko sa kanya.
Ikinuha ko siya ng tuwalya at damit. Inihanda ko na rin ang kuwartong kanyang
pagtutulugan. Kahit na alam kong wala siyang maipambabayad ay hinayaan ko na lang.
Siguro ay bukod sa pagkaramdam ko ng awa, pakiramdam ko ay malapit kami sa isatisa dahil parehas kami ng pangalan.
Bakit may dugo sa iyong damit? hindi ko napigilan ang aking sarili sa pagtatanong.
Anak, hindi.
Sabi ko naman sayo ay umalis na tayo rito. Tumakas na tayo. Iwan mo na si Tatay.
Anak, hindi puwede.
Habang nag-uusap ay biglang may kumakalabog sa pinto ng kuwarto. Napakalakas na
pagkatok.
Si tatay!
Shhh. Anak, magtago ka sa ilalim ng kama. Kahit anong mangyari, wag kang lalabas.
Naiintindihan mo?
Pero Nay! Wag mo nang pagbuksan ng pinto si tatay. Baka kung ano nang gawin niya
sayo. Baka mas malala. Baka mas masakit. Nanay, hindi ko po kakayanin.
Niyakap ng ina si Elsa. Pinatahan at kinumbinseng kahit na anong mangyari ay huwag
na huwag siyang lalabas.
Kaya ko to. Magiging maayos din ulit kinabukasan. Huwag kang lalabas.
Pigil ang pag-iyak ni Elsa. Pumunta sa ilalim ng napakalaking kama. Hindi alam ang
gagawin. Wala siyang magawa.
Biglang bumukas ang pinto. Ramdam niya ang takot ng kanyang nanay. Kung maaari
lamang na magkasama silang nagtatago sa ilalim ng kama.
Rinig na rinig niya ang malalakas na pagsuntok ng kanyang ama sa katawan ng
kanyang ina. Kahit hindi niya ito nakikita ramdam niya ang sakit na nararamdaman ng
kanyang ina. Natatakot siyang hindi lang pagsuntok ang gawin ng kanyang ama sa
kanyang ina. Natatakot siyang baka mas malala pa ang gawin nito dahil sa epekto ng
droga at matinding pagkalasing.
Nakabibingi ang pagsigaw ng kanyang ina. Nakabibingi ang pagsuntok at pagbayo ng
kanyang ama. Nakabibingi ang nakauuyam na paghalakhak ng kanyang ama na wala
sa katinuan.
At nakabibingi ang biglang katahimikan na sumakop sa buong kuwarto. Hindi maaari.
Nasaan na ang malakas na pag-iyak at pagsigaw ng kanyang ina? Nasaan na ang
sunod-sunod na pagsuntok?
Hikbi. Pigil na pigil na paghikbi.
Huwag kang lalabas kahit na anong mangyari. Kabilinbilinan ng kanyang ina. Huwag
kang lalabas kahit na anong mangyari.
Humalakhak muli ang kanyang ama ngunit kahit na anong tinig mula sa kanyang ina,
wala na siyang marinig.
Si Elsa naman. Si Elsa naman. Sabi ng kanyang ama habang lumalabas ng kuwarto.
Alam niyang hahanapin siya nito sa kanyang kuwarto. Kailangan na nilang tumakas ng
kanyang ina.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Nasa ikalawang palapag pa ang kanyang kuwarto
kayat may panahon pa upang makatakas sila ng patago.
Nay? Nay? Tumakas na tayo Bulong niya habang lumalabas sa ilalim ng kama.
Laking gulat niya nang sumbulat sa kanya ang duguang ina sa ibabaw ng kama. Wala
na ang kanyang ina.
Pigil na pag-iyak.
Hayup.
Niyakap niya ang kanyang ina. Walang pigil ang pagpatak ng kanyang luha. Ngunit
wala nang panahon upang magluksa sa harap ng bangkay ng kanyang ina. Alam
niyang sa mga oras na ito ay sinasabihan na siya ng kanyang ina na tumakas at
magmadali.
Bilisan mo. Ikaw na ang susunod Elsa. Sabi niya sa kanyang sarili.
Maingat na lumabas ng kuwarto. Nagbigay ng huling sulyap sa kanyang ina na nasa
ibabaw ng kama.
Nagmadali. Dahan-dahang binuksan ang pinto, dahan-dahang lumabas ng bahay at
dahan-dahang iniwan ang kanyang ina na nakahimlay sa loob ng tahanang kanyang
iiwan.
Mabilis. Mabilis na mabilis na pagtakbo. Humagulgol sa ilalim ng malakas na pag-ulan.
Parang wala sa sariling naghanap ng matutuluyan. Hindi pa rin napapawi ng malakas
na pag-ulan ang bahid ng dugo sa kanyang damit at lalong hindi kayang pawiin ng
napakalakas na ulan ang luha na patuloy na bumubuhos mula sa kanyang mga mata.
Bed Space available here