Professional Documents
Culture Documents
Region XII
Division of City Schools
NEW SOCIETY NATIONAL HIGH SCHOOL
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
PETSA: Ika 3 ng Abril, 2024 ORAS: 7:45-8:35 ng umaga
I. LAYUNIN
Sa loob ng 50 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
aiiugnay ang mga kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng
binasang akda sa mga kaisipang namayani sa binasang akda
a. Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda
batay sa:
Katangian ng mga tauhan
Pagkamakatotohanan ng mga pangyayari
Tunggalian sa bawat kabanata 10PS-IVb-c-86
II. NILALAMAN
Paksa: Basilio: Buhay, pangarap at mithiin, paniniwala, saloobin
- Kabanata 6: Si Basilio
- Kabanata 7: Si Simoun
- Kabanata 23: Isang Bangkay
- Kabanata 26: Ang Paskin
- Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani
- Kabanata 33: Ang Huling Matuwid
- Kabanata 34: Ang Kasal
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng lumiban
4. Pagbabalik Aral
C. PAGGANYAK
D. PAGLALAHAD NG PAKSA
Si Basilio
Kabanata 6 - Si Basilio
Nang tumunog ang kampana para sa simbang gabi, maingat na nagtungo
si Basilio sa gubat ng mga Ibarra na pag--aari na ngayon ni Kapitan Tyago.
Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng ina at ginunita ang nakaraan.
Labintatlong taon na ang nakalilipas nang papilay-pilay niyang hinabol ang
kanyang baliw na ina sa lugar na iyon at namatay. Dumating ang isang lalaking
sugatan at inutusan siyang gumawa ng siga. Pagbalik niya nakita niya ang isa
pang estranghero na nakatayo sa tabi ng patay na lalaki. Magkatulong silang
naglibing sa dalawang namatay.
Lumuwas si Basilio ng Maynila ngunit walang tumanggap sa kanya. Mabuti
na lamang at nakita niya si Kapitan Tyago. Nagprisinta siyang katulong kapalit ng
kanyang pag-aaral sa Letran. Maraming paghihirap ang dinanas niya sa nasabing
paaralan. Ngunit dahil sa natamong karangalan hinikayat siya ni Kapitan Tyago na
lumipat sa Ateneo Municipal.
Medisina ang kanyang kinuhang kurso. Natapos siya sa pagkabatsilyer. Dahil
matyaga at masigasig sa pag-aaral, di pa man nakaka- pagtapos ay
nakapapanggamot na siya. Huling taon na niya sa pag-aaral. Pagkatapos niya’y
pakakasal na sila ni Huli.
Kabanata 7 - Si Simoun
Natapos ang pagmumuni-muni ni Basilio. Sa tulong ng liwanag ng ilaw
nakilala ni Basilio si Simoun. Nasindak si Basilio sa natuklasan - na ang mag-
aalahas na si Simoun ay walang iba kundi ang misteryosong lalaking tumulong sa
kanya labintatlong taon na ang nakararaan. Lumabas sa pinagtataguan si Basilio
at nag-alok ng tulong. Lumapit si Simoun inamin na siya ang estrangherong
nakasama nya noon. Sinabi niyang siya ay biktima ng isang masamang sistema at
bumalik siya upang wasakin ang sistemang iyon.
Hinikayat ni Simoun na sumapi sa kanyang binubuong plano si Basilio
ngunit tinaggihan niya ito. Sinabi niyang sa pamamagitan ng hinihiling nilang
pagpapatayo ng akademya ay magtatamo ng sapat na kaalaman ang mga
kababayan.
Nagkaroon sila ng pagpapalitan ng kuro hanggang sa magbubukang-
liwayway na. Kagya’t na pinasalamatan siya ni Basilio at umalis. Naiwan si
Simoung nag-iisip kung tama ba ang kanyang ginawa.
Gabay na Tanong:
KRAYTERYA:
Kooperasyon 10
Kaangkupan sa Task/Layunin 10
Kalinawan ng Presentasyon 20
TOTAL 40
D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
E. PAGLALAHAT
- Sa anong paraan maiibigan ninyo ang katauhan, kaugalian at prinsipyong
pinanghahawakan ni Basilio?
-Mahalaga ba ang pagtukoy sa mga pangyayari, tunggalian at wakas sa pagkilala
sa papel na ginagampanan ng mga tauhan?
-Tama ba ang pagwawakas na ginawa sa bawat kabanata na inyong nabasa?
Patunayan sa dalawang pangungusap.
F. PAGLALAPAT
Mungkahing Estratehiya: MAKE IT REAL
Panuto: Magbahagi isang pangyayari na sa kasalukuyang panahon ay patuloy na
nagiging suliranin sa lipunan ang ilan sa mga karanasan ng tauhan sa akda sa
pamamagitan ng pagguhit ng poster.
IV. PAGTATAYA
Piliin at Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
Susi sa Pagwawasto:
D 2. C 3. A 4. A 5. C
V. KASUNDUAN
Muling basahin ang kabanata at sipiin ang matatalighagang pahayag na makikita
dito ag bigyang kahulugan.
MARILYN T. AVANCENA
PRINCIPAL II