You are on page 1of 8

FILIPINO – GRADE 10

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikatlo Linggo: Ikaanim SSLM no. 6

MELC(s): Nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit


ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikula. F10WG-IIIh-i-76
Layunin:
1. Nasusuri ang iskrip at bahagi nito,
2. Nabibigyang-reaksiyon ang mga sitwasyon mula sa iskrip.
3. Nagagamit ang mga pang-ugnay sa mahusay na pagsulat ng talata.
Paksa: Pang-ugnay (Gramatika at Retorika)

Tuklasin Natin

Alam mo ba na sa pagsususuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip ay may


mga bagay tayong dapat bigyan ng pansin. Ayon sa aklat na Trip to Quiapo
Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kailangan maging malinaw ang konseptong pinag-uusapan;
2. Malaman ang major concepts ng materyal; at
3. Dapat konektado ang lahat ng gustong sabihin ng sumulat sa kung saan ba talaga
tungkol ang istorya. Kailangang masagot ang anumang mga tanong tungkol
dito.Kailanganang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na
paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay
ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.Malaki ang maitutulong ng mga
pang-ugnay sa pagbuo ng mga diayalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng
nais bigyang-pansin. Maaaring ipaliwanag ang magandang detalye at kahinaang nakita
sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood. May tatlong paraan upang maipaliwanag ang
argumento o punto ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni
Vilma M. Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon,
kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-
iba; at

1
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
3.pagbibigay ng halimbawa.

Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang maging mabisa


ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na na, -ng, at -g. Ginagamit
ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang -g naman ay
ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang -ng sa mga salitang
aangkupang nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat,
upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na
pagpapaliwanag.

Gawain 1: Iskrip: Basahin at Suriin


Narito ang bahagi ng iskrip ng Sarah,Ang Munting Prinsesa na isinulat ni Shaira Mella-
Salvador sa direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang grapikong pantulong sa ibaba,
ibigay ang hinihingi nito.

Ang Munting Prinsesa


(A Little Princess)

Isinulat ni Shaira Mella Salvador


Direksiyon ni Romy V. Suzara

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng
kaniyang ama na si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house.
Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si 7 Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa
boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya
ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).

SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY


Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong nakalabas na ng
office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees
him.
SARAH: Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her.

Saw the surprise and disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head
sadly and walks away.

2
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is
depressed about Sarah’s situation.

MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin


siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow...
Walang ibang kukupkop sa kaniya.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang eskwelahang ito…
baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang
ama ni Sarah?

Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s
presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia
sees her.

Pamagat

Mga Tauhan

Buod ng Pelikula

Tagpuan Protagonista Antagonista Suliranin Solusyon Bunga

Paksa o Tema

Kabuuang Mensahe ng Pelikula

3
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
Isagawa Natin

Gawain 2: Kaya mo!


Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula?


2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula?
3. Ano-ano ang dapat nilalaman ng isang iskrip?

Gawain 3 : Bigyan reaksiyon ang tungkol sa sumusunod na sitwasyon na mula sa


iskrip ng “Munting Prinsesa.” at isaalang-alang ang paggamit ng pang-ugnay.

Miss Minchin: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!


Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
Paki-ayos ng problema
Hindi ko na txt sa itaasiyon…
Alam mo namang nakasangla sa bangko ang eskwelahang ito… baon na baon na tayo
sa utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo Amelia?
Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?

1. Planong pagpapaalis ni Miss Minchin kay Sarah

Reaksiyon:_______________________________________
_______________________________________

2. Kabutihang loob ni Amelia kay Sarah


Reaksiyon:_______________________________________
_______________________________________

3. Hindi pagtatapat agad kay Sarah ng nangyari sa kaniyang ama.


Reaksiyon:_______________________________________
_______________________________________

4. Pagtatalo ng magkapatid na Minchin at Amelia


Reaksiyon:_______________________________________
_______________________________________

4
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
Pagsasanay 1: Pag-ugnay-ugnayin!
Panuto: Ilapat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang mga talatang bubuuin sa
kahong nasa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikulang, “Ang
Munting Prinsesa” na napanood o nabasa. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot.

Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging bata. Siya ay nagmula sa


mayamang pamilya
1.__________________________________________________________
___________________________________________________________

Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami siyang naging kaibigan


2.___________________________________________________________
___________________________________________________________
Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ni Sarah, angpagkamatay
ng kaniyang ama. Wala ni isang kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t
labag man sa nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata kapalit ng
paninilbihan nito sa paaralan.
3.__________________________________________________________
___________________________________________________________
Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa matalik nitong kaibigang si
Mr. Carrisford bago mamatay.
4.__________________________________________________________
__________________________________________________________

5
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
Pagsasanay 2: Gamit ang mga pang-ugnay, sumulat ng isang pahayag na
nagbabalita tungkol sa buhay ni Sarah, Ang Munting Prinsesa. Lagyan ng
salungguhit ang mga pang-ugnay na inyong ginamit.

Rubrik

Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng BALITA

Kraytirya 2 5 10 Puntos
Nilalaman Hindi naibigay Naibigay ang Komprehensibong
ang nilalaman nilalaman at naibigay ang nilalaman
at paksa ng paksa ng balita. at paksa ng balita.
balita. Hindi Nakagamit ng Nakagamit ng
nagamit ang iilang pang- maraming pang-ugnay
mgapang-ugnay. ugnay sa skrip sa iskrip.

6
GSC-CID-LRMS-FSSLM v.r. 03. 00, Effective April 5, 2021
Sanggunian

Ikasampung Baitang Modyul ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 nina Vilma C.


Ambat et al Panitikang Pandaigdig 10 Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Filipino 10 Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria-Inilimbag sa


Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang Pansangay ng
Lungsod Gapan

SSLM Development Team


Writer: Ronald C. Bargo
LR Evaluator: Virgilina L. Cabaylo
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor in Filipino: Norma E. Pascua
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

Maglagay ng susi sa pagwawasto para sa mga guro (hiwalay na pahina; naglalaman


ng sagot para sa lahat ng SSLM sa buong kwarter).

Tuklasin natin:
Pagpasiyahan ng guro ang sagot
Subukin natin:
Pagpasiyahan ng guro ang sagot
Isagawa natin:
1. Dahil sa ulila na sa kanyang ina, ang amang si Kapitan Ralph Crewe na lamang ang
tumatayong kaniyang magulang.Ipinasok siya nito sa isang sikat na paaralan sa pangangasiwa ni
Miss Minchin.
2. Kinaiiingitan ni Laavinia si Sarah dahil sa katangiang pagiging prinsesa.
3. Sa pagkawala ng kaniyang ama, unting-unting nabago ang trato ng mga taong nagpapanggap
na mabait kay Sarah,isa na rito si Miss Minchin.Lahat ng pagpapahirap at pagmamalupit ay
ginawa nito sa kanya.
4. Ginawa nito ang lahat upang hanapin si Sarah bagama’t maraming balakid ang kanilang
napagdaanan bago siya natagpuan.Sa huli’y nakita rin siya at naibalik ang dating masaya at
marangyang pamumuhay ni Sarah, Ang Munting Prinsesa.
Ilapat natin:
Pagpasiyahan ng guro ang sagot

You might also like