You are on page 1of 5

FILIPINO 10 ACTIVITY SHEET – QUARTER 3 – WEEK 7

LEKTURA:
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Afrika na may malaking ambag sa panitikan. Ang kanilang panitikan ay sadyang
nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan sa bansa pagdating sa uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin
sa politika.
Paglisan (Buod)

Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe


Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Batis ng Impormasyon tungkol sa Afrika


Binibigyang-pagpapahalaga ng mga Afrikano ang kanilang mga tradisyon at paniniwala. Ipinakikita nila ito sa
pamamagitan ng sayaw, sining, musika, at palamuti. Ang pag-unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga upang mabuhay
sa kanilang lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga magagandang katangian ng lugar at ng mga taong naninirahan
dito:
• Ang Afrika ay pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon
pagkatapos ng Asya.
• Malaki ang naging impluwensiya ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Afrikano. Dahil ditto, natuto silang
makibagay sa pabago-bagong klima ng kanilang kapaligiran.
• Ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga Afrikano ay isa sa kanilang mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng iba’t
ibang kilos, maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang lubos na maunawaan ng manonood ang
tema nito.
• Ginagamit din sa pagsasayaw ang mga likhang-sining tulad ng maskara na may relihiyoso at seremonyal na
pinagmulan. Ang pintor ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga ninuno upang humingi ng
gabay sa paggawa nito. Ang maskara ng mga Afrikano ay sumisimbolo sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno na
maililipat sa mananayaw na may suot nito.
Ang Munting Prinsesa
(A Little Princess)
Isinulat ni Shaira Mella Salvador
Direksiyon ni Romy V. Suzara

Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang ama na si Capt. Ralph
Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin
si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng kapatid ni Miss
Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).
SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY
Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr.
Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees him.
SARAH: Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her. Saw the surprise and
disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue.
Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah... kailangang tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow... Walang ibang kukupkop sa kaniya.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon...
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang eskwelahang ito... baon na baon na tayo sa utang kay Mr.
Crisford... nasaan na ang utak mo Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside
Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS AMELIA: Sarah...
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching Emily close to her.

Karagdagang Kaalaman:
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas. Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin
ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili- wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.

Mga Hakbang sa Pagsusuri/Ebalwasyon ng Iskrip at/o Pelikula


Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, may mga bagay tayong dapat bigyang-pansin
sa epektibong pagsusuri o ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga sumusunod:
1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan;
2. unawain ang major concepts ng materyal; at
3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman
ang pangunahing paksa nito.
Samantala, makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung bibigyang-tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi maging sa pagbuo ng diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang- ugnay sa
pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais bigyang-pansin. Maaaring
ipaliwanag ang magandang detalye at kahinaang nakita sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood.

May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng
Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga
paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba; at
3. pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga
ito ay ang pang-angkop na na, -ng, at -g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang -g
namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang -ng sa mga salitang aangkupang nagtatapos sa
patinig. Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa
mahusay na pagpapaliwanag.

Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa
pag-aaral na ito.
1. Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng humanismo, pinaniniwalaan na ang tao
ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya.
2. Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang
nakapokus ito sa paksang sosyo- politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.
3. Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang
pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng teoryang ito ay
matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian, at paraan ng pagkakasulat ng akda.
4. Eksistensyalismo – Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyang-
halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katuwiran.
5. Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang pinaghanguan ng kuwento, tula, o
nobela.
6. Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa;
malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naaapi.
7. Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag ng kasaysayan sa pamamagitan ng
mga pangyayaring nakapaloob sa akda.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1: Pag-ugnay-ugnayin!

Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging


bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami
siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay
ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang
kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa
nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata
kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa
matalik nitong kaibigang si Mr. Carrisford bago mamatay.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2:


Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng nobelang, “Paglisan” at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang
pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Teoryang Pampanitikan
Pangyayari:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Paliwanag:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
______________________________________________________
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3:
Panuto: Suriin ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” (A Little Princess)
gamit ang grapikong pantulong sa ibaba. Kopyahin at gawin ito sa hiwalay na papel.
FILIPINO 10 SUMMATIVE TEST FOR WEEK 7-8

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang konseptong ipinahahayag nito. Isulat
sa hiwalay na papel ang iyong sagot.

Ang 1.___________ ay isang mahabang kathangpampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring


pinaghahabi sa isang mahusay na 2._____________. Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng
hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring 3._____________ at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa
pagbuo ng matibay at kawili-wiling balangkas na siyang 4. ____________ ng nobela. Ang mga sumusunod ay
hakbang sa pagsusuri/ebalwasyon ng iskrip at/o pelikula. Una, tukuyin at alamin ang konseptong pinag-
uusapan. Pangalawa, unawain ang 5._____________ ng materyal. Pangatlo ay tukuyin ang magkakaugnay
na detalye sa istorya upang malaman ang pangunahing paksa nito. Samantala, sa pagsusuri ng pelikula
mahalagang maipaliwanag ang detalyeng nais bigyang-pansin. May tatlong paraan upang maipaliwanag ang
argumento o punto. Una ay ang pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan. Pangalawa ay ang
pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga
paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba. Ang panghuli ay pagbibigay ng 6._____________.
Makatutulong din nang malaki ang paggamit ng 7._____________ upang maging mabisa ang
pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na 8._____________, 9._____________,

10._____________.

You might also like