You are on page 1of 23

IKATLONG MARKAHAN

FILIPINO 7
MITOLOHIYA
• Mito – Ito ay isang uri ng kuwento o salaysay na hinggil sa
pinagmulan ng sansinukuban. Kuwento ng tao, ang
mahiwagang nilikha at ang kalipunan ng iba’t ibang
paniniwala sa mga diyos at diyosa. Ito rin ay isang
kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo
hanggang sa kasalukuyan,masasabing halos ipinakikita rin
nito ang tradisyon ng isang lahi.
---- isa ring anyo ng panitikan na karaniwang
nagtatalakay ng mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag
kaugnay sa mga likas na mga kaganapan.
Halimbawa

• Si Malakas at si Maganda
• Ang Sirena at si Santiago
Halimbawa ng MITOLOHIYA
ALAMAT
• Alamat – ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig
ng mga taong-bayan na naglalaman ng
pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman,
hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay.
Ang mga pangyayari sa isang alamat ay maaring
maging totoo o likha lamang ng mayamang
guniguni ng manunulat. Ang salitang alamat ay
panumbas sa salitang legend ng Ingles.
Halimbawa:

• Ang alamat ng mangga


• Ang alamat ng pinya
• Ang alamat ni Maria Makiling
• Ang alamat ng Bulkang Mayon
Kuwentong-bayan o folklore
• Kuwentong-bayan o folklore – ang anyo ng
panitikang ito ay bahagi ng katutubong
panitikan na nagsimula pa noon pa man na
lumaganap at nagpasalinsalin sa iba’t-ibang
henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita.
Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad
ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar kung
saan ito nagsimula at lumaganap.
Halimbawa:

• Ang diwata ng ng karagatan


• Ang punong kawayan
• Kung bakit dinadaglit ng lawin ang mga sisiw
• Si Mariang mapangarapin
• Bakit may pulang palong ang mga tandang?
Katangian ng Alamat, Mito at Kwentong-bayan
• naipasa ang mga kuwentong ito sa pamamagitan lamang ng
pasalita. Lumaganap ang mga ito bago pa man dumating ang
mga mananakop sa bansa
• tumatalakay sa mga pamahiin, kultura, relihiyon, kalikasan, at
paniniwala ng ating mga ninuno
• nababanggit din sa mga akdang ito ang katangian ng mga
mamamayan, uri ng hanap-buhay maging ang heograpiya ng
isang pangkat o lugar
• para makapagbigay ng gintong aral na magiging gabay para sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino
Elemento ng Alamat, Mito at Kwentong-bayan

1. Banghay – kung saan dito makikita ang maayos


na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
akda na binubuo ng mga sumusunod:
a. Panimulang Pangyayari – pagpapakilala ng
tauhan, tagpuan, at suliranin.
b. Papataas na Pangyayari – pagtatangkang
lutasin ang suliraning magpapasidhi sa interes o
kapanabikan.
c. Kasukdulan – pinakamasidhing bahagi
kung saan haharapin ng pangunahing tauhan
ang kanyang suliranin.
d. Pababang Pangyayari – nalulutas ang
suliranin at natatamo ng pangunahing
tauhan ang layunin.
e. Resolusyon – sa bahaging ito ay
nagkakaroon ang kuwento ng isang
makabuluhang wakas.
2. Tagpuan – ito ang pook o lugar, at
panahon kung saan nangyayari ang
kabuoan ng akda. Dito masasalamin ang
kaangkupan ng paksa, banghay, at mga
tauhang nagsiganap sa akda. Dito
nabibigyang linaw ang mga kilos ng mga
tauhan pati na rin ang kanilang
hanapbuhay, paraan ng pag-iisip, at
takbo ng mga pangyayari.
3. Tauhan – nakasalalay sa maayos at
makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan
ang pagiging epektibo ng isang akda.
a. Pangunahing Tauhan – pinakamahalagang
tauhan sa akda na sa kanya umiikot ang kuwento
mula simula hanggang wakas.
b. Katunggaling Tauhan – kumakalaban o
sumasalungat sa pangunahing tauhan. Sa
kanilang tunggalian nabubuhay ang mga
pangyayari sa akda.
c. Pantulong na Tauhan – karaniwang
kasama sa pangunahing tauhan at maging
kapalagayang loob o sumusuporta.
d. May-akda – ang pangunahing tauhan at
ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob
ng katha. Sa likod ng bawat kilos at tinig ng
pangunahing tauhan ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
Manonood ng isang halimbawa ng
Alamat “The Legend of Daragang
Magayon”
Alam niyo ba?

•Denotasyon – ay ang literal at tiyak na kahulugan


ng salita na makikita sa isang diksyunaryo.
Halimbawa:
•Pulang Rosas – ito ay isang uri ng bulaklak na
matinik ang sanga at may berdeng dahon.
•Mag-ingat sa mga nakapaligid na ahas baka
matuklaw ka.
Alam niyo ba?

•Konotasyon - ito ay pansariling kahulugan ng isang tao


o pangkat liban sa iginigiit ng panahon. Ito ay
pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang
pakahulugan.
Halimbawa:
•Pulang rosas – ito ay simbolo ng pagkalinga at pag-ibig.
•Mag-ingat sa mga nakapaligid na ahas baka matuklaw
ka.
Pagsasanay

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga


salitang sinalungguhitan.
1. Ipinanganak ako na may gintong kutsara
sa bibig.
Denotasyon:
Konotasyon:
2. May dumaang itim na pusa.
Denotasyon:
Konotasyon:

3. Si tatay ay may kamay na bakal.


Denotasyon:
Konotasyon:
4. Magpapakasal lamang ako sa iyo kapag puti
na ang uwak.
Denotasyon:
Konotasyon:

5. Walang matigas na tinapay sa maiinit na kape.


Denotasyon:
Konotasyon:
Mga Kasagutan

1. D- may gintong kutsara sa bibig.


K – mayaman
2. D- pusa na kulay itim
K – malas
3. D- bakal ang kanyang kamay
K- matapang
Mga Kasagutan

4. D- kulay puti ang uwak


K – imposible
5. D – totoong mainit ang kape
K - matapang

You might also like