You are on page 1of 1

(Kopyahin sa iyong kuwarderno sa Filipino)

FILIPINO 6

Paksa: Alamat

Ang alamat (legend o folklore) ay mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Ito ay


isang uri ng panitikang nagkukuwento o tumatalakay sa pinagmulan ng mga bagay,
lugar, pangyayari, o katawagan. Karaniwang ito ay nagtataglay ng kababalaghan o
mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang alamat ay tumatalakay rin sa mga
katutubong kultura, kaugalian, o kapaligiran. Ito ay isang kuwentong maaaring
paghanguan ng mga aral para sa ikabubuti ng tao at sumasalamin sa kultura ng
bayang pinagmulan.

Ilan pa sa mga halimbawa ng alamat:


• Alamat ng Ampalaya
• Alamat ng Bulkang Mayon
• Alamat ng Daigdig

Mga Elemento ng Alamat:


1. Tauhan:
a. Pangunahin (bida) - Siya ang pinakamahalagang tauhan dahil sa kaniya
umiikot ang kuwento mula sa simula hanggang sa wakas.
b. Pantulong (suporta) - Siya ay karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.
Tungkulin niyang suportahan ang pangunahing tauhan.
c. Katunggali (kontrabida) - Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang papel niya dahil siya ang nagdaragdag ng kulay sa
mga pangyayari sa akda.

2. Tagpuan: Nakapaloob dito ang pook o lugar, panahon, at kondisyon kung saan
nangyari ang kabuuan ng alamat.

3. Banghay: Nakikita sa banghay ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari, maaaring balangkasin sa pamamagtian ng isang dayagram.
a. Panimula - Ipinakikilala rito ang tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin.
b. Pataas na Pangyayari - Nagkakaroon dito ng pagtatangkang malutasang
suliraning magpapatindi sa interes o kapanabikan.
– Kasukdulan - Pinakamatinding bahagi kung saan ay haharapin ng
pangunahing tauhan ang kaniyang suliranin.
c. Pababang Pangyayari - Malulutas ang suliranin. Matatamo ng pangunahing
tauhan ang layunin.
d. Resolusyon - Magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas.

4. Aral sa Buhay: Nakapaloob sa elementong ito ang makabuluhang mensahe o


magagandang kaisipang taglay ng alamat. Isa ito sa mahahalagang dahilan kung
bakit kinagigiliwan ng mambabasa na tutukan ito mula noon hanggang ngayon.

You might also like