You are on page 1of 8

GRACE MISSION COLLEGE

Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Kawikaan 23:12
“Huwag kang hihiwalay sa mabubuting aral, at pakinggan mong mabuti ang salita ng karunungan”.

FILIPINO 9
QUARTER 1 (week 1-2)

Pangalan: _______________________________________ Petsa: _____________


Baitang : _________________________ Marka: _____________

Paksa: Maikling Kwento


Ang Ama (Maikling Kuwento-Singapore)
Panimuula:
Magandang buhay mga mahal kong mag-aaral! Ngayong lingo pag-aaralan naman natin ang tungkol
sa maikling kuwento.
Bagaman sari-sariang kultura at wika, ang Kalakhan ng Timog Silangang Asya ay Islamiko, dahil na
rin sa inilagi ng relihiyong ito sa rehiyon-kahit pa sa Pilipinas na Kristiyanisado. Ang Malaysia, na pinagmulan
ng kuwentong “Ang Ikatong Baitang” ay isang Islamikong bansa, at Islam ang opisyal at pambansa nitong
relihiyon. Ang Indonesia naman na isang archipelago, tulad ng Pilipinas,ay may malaking bahagi ng
Malaysiana kilala bilang Borneo) ay isang IslamikongMonarkiya. Samantala, sa iba’t-ibang panig ng Asya na
may iba pang relihiyonat tradisyong espiritwal tulad ng Cambidia, Laos, Singapore at Vietnam, may
matatagpuan ang mga komunidad ng Muslim. Sa ating bansa, habang malayang umiiral sa iba’t-ibang panig ang
Islam, nananatiling sentro ng pananampalataya ang malaking bahagi ng Mindanao.

Layunin:
Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
napakinggang akda.
Naibabahagi ang sariling ideya at ideya ng iba kapag nakita sa katauhan ng nagsasalita
napakinggang mga pahayag.
Nakasusulat ng liham pasasamat gamit ang mga pang-ugnay.

PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin ang kahulugan ng mga salita upang maunawaan nang husto ang kuwentong Ang Ama mula sa
Singapore. Ang kahulugan ay malalaman sa pamamagitan ng mathematical code. Ang bawat titik ay may
katumbas na bilang. Hanapin mo lamang ang hinihinging bilang, pagsasamahin at makukuha na ang katumbas.

1
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Isaisip
Ang maikling kuwento ay isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog sa
paglalahad ng isang pagkaganap. Tinataya ito sa pamamagitan ng pagtitig sa mga element nito:
ang pananaw;tauhan;tagpuan;banghay, at tema.
Ang pananaw, ito ang pagtingin kug kanino minamalas ang kuwento. Maaari itong nasa unang
panauhan, ikalawang panauhan, at ikatlong panauhan.
Ang mga tauhan ang bumubuo sa daigdig ng kuwento. Sila’y kathang mga tao na dumaraan sa
karanasan ng pagbabago hagabg tumatakbo ang salaysay.Madalas, mailalarawan silang mga tauhang bilog o
yaong nagbabago sa huli ng kuwento, at mga tauhang lapad o yaong walang ipinakikitang pagbabago matapos
ang kuwento.
2
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Ang tagpuan naman ay ang panahon at pook na pinangyayarihan ng kuwento.


Ang banghay naman ang balangkas ng pangyayari sa kuwento, na maaaring mailarawan sa pamamagitan ng
pagtaya sa mga bahaging ito ng salaysay, ayon kay Gustav Freytag.

TAANDAAN!
Ang transitional devices ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap. Sa tulong ng mga
ito, naiaayos ang mga pangyayari sa kuwento ayon sa tamg pagkakasunod-sunod. Ang mga halimbawa ng
transitional devices ay ang mga sumusunod: subalit,datapuwat, ngunit,samantala, saka, kaya, dahil sa, sa wakas,
sa lahat ng ito, at kung gayon. Narito ang tiyak na gamit ng bawat isa.
1. Subalit-ginagamit lamang kung ang datapuwat at ngunit ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.
Halimbawa:
a. Datapuwat mahirap lamang siya, marami naman siyang kaibigan.
b. Di ka man nya madalas nakikita, subalit madalas naman niya itong naipadadama.
2. Samantala, saka- ginagamit na pantuwang
Halimbawa:
a. Siya ay maganda saka mabait pa.
b. Nakangiti ang lahat, samantalang ikaw ay nakasimangot.
3. Sa wakas, sa lahat ng ito- ginagamit na panapos.
Halimbawa:
a. Sa wakas, nagbalik dina ng aliboghang anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga mag-aaral na kailangang pahalagahan ang edukasyon.
4. Kaya, dahil sa- ginagamit n pananhi
Halimbawa:
a. Nagpamalas siya ng katapatan kaya siya ginantimpalaan.
b. Wala siyang nakakaaway dahil sa kaniyang kapakumbabaan.
5. Kung gayon- ginagamit na panlinaw
GAWAIN 1 (Pagkuha ng Detalye sa Kuwento)
I-klik ang link na http://tl.answer.com/Q/Buod_ng_kuwentong_ang_ama_ni_mauro_r_avena.
At basahin ang kuwento mula sa Singapore na Ang Ama na isinalin ni Mauro R. Avena sa Filipino. Matapos
basahin ang kuwento sagutin ang inihandang tanong.
1. Ano-anong mga katangian ng ama ang binigyang diin sa kuwento? Sa anong bahagi o pangyayari
lumitaw ang nasabing katangian?
Katangian ng Ama Pangyayaring Nagpapatunay

3
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

2. Paano pinatunayan ng ama na siya ay hindi likas na masama? Ipaliwanag.


3. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento? Bakit ganito ang nagging pagwawakas niya?
4. Aling bahagi ng kuwento ang nakaantig sa iyong kalooban at naikintal sa iyong isipan? Bakit ganito ang
epekto sa iyo?
5. Anong kultura ng mga Tsino ang masasalamin sa kuwentong ito?
6. Paano naman ipinamalas ng mga Pilipino ang pagmamahal nila sa kanilang mga yumaong minamahal sa
buhay?

GAWAIN 2 ( Balangkas ng Kuwento)


Isulat sa bawat baitang ng hagdan ang tamang detalye batay sa mga element ng isang kuwento nang mabuong
muli ang kuwentong Ang Ama.

4
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

GAWAIN 3 ( PAGHAMBINGIN)
Paghambingin ang ama sa kuwento sa iyong sariling ama.

GAWAIN 4 (Pagbuo ng Pangungusap)


Bumuo ng tig-isang pangungusap sa bawat transitional devices o pang-ugnay. Siguraduhing may kaalaman sa
kuwentong Ang Ama ang mga pangungusap na bubuuin.
1. Subalit- ____________________________________________________________________
2. Datapwat- __________________________________________________________________
3. Ngunit- ____________________________________________________________________
4. Samantala- _________________________________________________________________
5. Saka- ______________________________________________________________________
6. Kaya-_____________________________________________________________________
7. Dahil sa- __________________________________________________________________
8. Sa wakas- _________________________________________________________________
9. Sa lahat ng ito-______________________________________________________________
10. Kung gayo-_________________________________________________________________

5
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

Performance Task ( Paggawa ng Liham Pasasalamat)


Ang inyong paaralan ay magdiriwang ng “ Father’s Day” sa daratating na buwan. Layunin ng
pagdiriwang na ito na gunitain ang kasipagan at kadakilaan ng isang ama. Bilang isa sa mga kalahok ikaw ay
inatasan bilang isang writer. Ikaw ay susulat ng isang liham pasasalamat sa lahat ng kabutihang nagawa sa iyo
ng iyong ama mula ng ikaw ay nagkamalay. Ilahad mo lahat ng iyong saluobin sa sulat na iyong gagawin.
Huwag mahiyang gawin ito yamang isa ito sa gawaing nagpapakita ng pagtanaw ng utang na loob sa isang nag-
aaruga’t patuloy na nagmamahal ng walang kapalit. Ang magiging nagahusga ng iyong liham ay ang iyong guro
gamit ang pamantayan sa ibaba.

Pamantayan sa Pagsulat ng Liham


Pamantayan 10 9 8 Puntos
Nilalaman Lubusang naipakita Nagpakita ng Simpleng
ang pasasalamat at pasasalamat at pasasalama at
pagpapahalaga para pagpapahalaga para pagpapahalaga para
sa magulang. sa magulang. sa magulang ang
naipakita.
Paggamit ng bantas Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit pang
at Malaki at maliit pagkakagamit ng bantas at Malaki at maling bantas at
na titik. maliit at malaking maliit na titik. Malaki at maliit na
titik. Nagamit ng titik.
wasto ang lahat ng
bantas.
Paggamit ng mga Walang mali sa May 1-3 maling May 4 o higit pang
salita paggamit ng mga paggamit ng mga pagkakamali sa
salita. salita. paggamit ng mga
salita.
Kalinisan at Wastong-wasto at May 1-2 bura/dumi Hindi mabasa at
kaayusan napakalinis ng sa pagkakasulat. may 3 o higit na
pagkakasulat. bura /dumi sa
pagkakasulat.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong nadama habang ikaw ay sumusulat ng liham para sa iyong ama? Naging magaan ba ng
iyong puso o may mayroon kang pag-aalinlangan?

6
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

2. Ang iyong kaibigan ay maituturing na black ship ng kniyang pamilya dahil sa kaniyang di kaaya-ayang
Gawain, bilang isang kaibigan, paano mo siya mapapayuhan upang talikdan ang kanyang maling pag-
uugali?
3. Bilang isang anak, paano mo pinapahalagahan ang paghihirap ng iyong ama sa araw-araw?

PANGHULING PAGTATAYA
Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog sa paglalahad ng isang
pagkaganap.
_________2. Pinangyarihan ng kuwento.
_________3. Ito ay ginagamit na pantuwang.
_________4. Ito ay ginagamit sa pagugnay-ugnay ng mga pangungusap.
_________5. Ito ay ginagamit na pananhi.

Ma’am Menchielyn P. Helera Contact No. Facebook Account


(Guro sa Filipino) 09097434603 Mhein Chie PeredaHelera

7
GRACE MISSION COLLEGE
Catiningan, Socorro, Oriental Mindoro

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian:
Baybayin 9
http://tl.answer.com/Q/Buod_ng_kuwentong_ang_ama_ni_mauro_r_avena.
Peac Learning module

Inihanda ni: Iwinasto ni:


MENCHIELYN P. HELERA BABYLYN M. MENDOZA
(Guro sa Filipino) Principal

You might also like