You are on page 1of 4

MYSTICAL ROSE COLLEGE OF SCIENCE AND TECNOLOGY

Pogonlomboy, Mangatarem, Pangasinan

MODULE SA FILIPINO 7
ARALIN 3
Unang Paksa:

ANG ALAMAT NG PALENDAG


(Alamat ng mga Maguindanawon)
Salin ni Elvira B. Estravo

Ang palendag ay isang instrumentong pangmusika ng mga Magindanawon. Ito'y galing sa


salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang "paghikbi."

Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ng mga katutubo. Ito'y may
habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigalawang bútas sa magkabilang gilid na isang
pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plàwta.

Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili.
Nabibigyang kahulugan ng isang mahusay tumugtog ng palendag ang iba't ibang damdamin at
nakalilikha ng isang maganda at nakaaantig damdaming musika. Ayon sa alamat, may isang
binatang umibig pinaka magandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong
Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang
hangganan ito.

Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar. Sa
pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.
Inaliw niya ang dalaga at sinabing huwag siyang aalalahanin sapagkat uuwi siya agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang
susulat nang madalas. Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punumpuno ng pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng
ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito'y tuluyang tumigil.

Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae, sa lugar ng
kanyang misyon. Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa magulang, maraming oras ang
ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha'y laging pumapatak sa kapirasong
kawayang ginagamit sa paghabi. Nagkab atas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di
sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa
pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong pang musika.

Ikalawang Paksa:

Ano ang Alamat?

 Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga
kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing
may akda nito.
 Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na
naganap nuong unang panahon.
 Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga
katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng
pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa
ikabubuti ng iba.

Mga Bahagi ng Alamat

Dito ay may tatlong mga bahagi: ang Simula, Gitna, at Wakas.

1. Simula- Sa simula inilalarawan ang mga tauhan sa kwento. Sinu-sino ang mga gumaganap sa kwento at ano ang papel na
kanilang ginagampanan. Maging ang tagpuan o lugar at panahon ng pinangyayarihan ng insidente ay inilalarawan din sa simula.
2. Gitna- Kabilang sa gitna ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kwento. Ang saglit na kasiglahan ay naglalahad
ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
Samantalang ang kasukdulan ay ang bahaging nagsasabi kung nagtagumpay o hindi ang tauhan.
3. Wakas- Kabilang naman sa wakas ang kakalasan at katapusan ng kwento.

Ikatlong Paksa:

Retorikal na Pang-Ugnay
Ang pag-uugnayan ng iba't ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita ang pag-uugnayang namamagitan sa
pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol, at
pangatnig.

1. PANG-ANGKOP- Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lámang
ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

 Ang pang-angkop na NA ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat
nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa:mapagmahal na hari
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang-NG
Halimbawa: huwarang pinuno

 Ang pang-angkop na NG ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang
salita. Halimbawa: mabuting kapatid

2. PANG-UKOL- Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa pangungusap. Narito ang
mga kataga/pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

Sa ayon sa/kay
Ng hinggil sa/kay
Kay/Kina ukol sa/kay
Alinsunod sa/ kay para sa/kay
Laban sa/kay tungkol sa/kay

3. PANGATNIG SA MGA KATAGA/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay

 Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag ng impormasyon. Hal: at, pati


 Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay. Hal: o, ni, maging
 Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng Hal: salitang nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
dahil sa, sapagkat, palibhasa
 Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan. Hal: bunga, kayâ o kaya naman
 Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali. Hal: kapag, pag, kung, basta
 Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag iba, pagkontra o pagtutol. Hal: ngunit, subalit, datapwat, bagama't
MYSTICAL ROSE COLLEGE OF SCIENCE AND TECNOLOGY
Pogonlomboy, Mangatarem, Pangasinan

ACTIVITY SA FILIPINO 7
MODULE 3/EXAM

Pangalan:________________________________ Iskor:________________
Baitang at Seksyon:________________________

GAWAIN 1

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na tanong batay sa binásang alamat. (1 pt each)
1. Ang dalaga sa alamat ay isang_____________
a. mananahi b. tagaburda
c. manghahabi d. magsasaká
2. Ang palendag ay isang instrumentong pangmusikang tinutugtog na parang isang_____________
a. gitara b. plawta
c. tambol d. piyan
3. Ang instrumentong ito ay madalas tinutugtog ng isang___________
a. bulag na umiibig c. nabigong mangingibig
b. nagkasalang mangingibig d. matagumpay na mangingibig
4. Ang binata ay ipinadala sa isang malayong misyon ng________
a. datu b. hari
c. ama d. pari
5. Hindi na nakabalik ang binata mula sa kanyang misyon sapagkat_____________
a. natalo siya sa labanan c. nahúli siya ng kalaban
b. nakapag-asawa siya ng iba d. nakatagpo siya ng kayamanan

.Sa iyong palagay ano-ano ang dapat gawin ng isang tao upang unti-unti siyang makapagsimulang muli o
makapag-move-on muna sa isang kabiguan? 5 pts

Sagot:_________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

GAWAIN 2
Panuto: Basahin muna at unawain ang maikling teksto sa ibaba. Isulat sa patlang ang uri ng pang-ugnay na may
salungguhit sa talata. Kung ito ba ay PANG-ANGKOP, PANG-UKOL O PANGATNIG (10 pts)

Ang Talinghaga Tungkol sa Dalawang Anak

Ano ang alagay ninyo (1) ukol sa kuwentong ito? May (2) isang tao na may (3) dalawang anak na laláki. Lumapit
siya (4) sa nakatatanda at sinabi, "Anak, lumabas ka sa ubasan at magtrabaho sa ubasan ngayon." "Ayoko po," tugon
niya. (5) Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya'y naparoon. Lumapit din ang ama sa (6) anak na bunso at (7) gayundin
ang kanyang sinabi. "Opo," tugon nito. (8) Datapwat hindi naman siya naparoon. (9) Para sa iyo, sino sa dalawa ang
sumunod sa kalooban (10) ng kanyang ama?

1.____________________ 6.____________________
2.____________________ 7.____________________
3.____________________ 8.____________________
4.____________________ 9.____________________
5.____________________ 10.____________________

INIHANDA NI
PAALALA: ROSALYN GATCHALIAN-DIZON, LPT
Ang Activity learning sheets lamang ang ipapasa.
GURO SA FILIPINO

You might also like