You are on page 1of 5

UNIVERSITY LA SALETTE, INC.

MALVAR ,SANTIAGO CITY

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


TAONG PANURUAN 2020-2021

FILIPINO DEPARTMENT
FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN
G. Jhonas Dumon, LPT, Bb. Jamaica F. Vinluan, LPT, G.Mr. Kevin Jimenez, LPT

MODULE 4

Kuwentong-Bayan
PAMANTAYANG PAMANTAYANG PAGGANAP
PANGNILALAMAN
Naipapamalas ng mga mag- ARALIN 1: Naisasagawa ng mag-aaral
aaral ang pang-unawa sa Pagsasalaysay sa mga pangyayari, ang isang makatotohanang
mga akdang pampanitikan pagsusuri at paggamit ng mga retorikal proyektong panturismo.
ng Mindanao. na pang-ugnay

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO


FPS-Ifg-4
Naisasalaysay nang maayos at wasto ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari
FPD-Ifg-4
Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story
FWG-Ifg-4
Nagagamit ng wasto ang mga retorikal na pang- ugnay na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa)

CULMINATING TASK/ PERFORMANCE TASK (GRASPS FORM)

Bagaman mas mataas ng 17.57% ang kinita ng bansa sa unang anim na buwan ng taon kumpara noong
nakaraang taon kailangan pa ring tumulong sa panghihikayat at pagtangkilik sa mga lugar na gustong ipakita sa mga
turista. Dahil dito ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang makatotohanang proyektong panturismo gaya ng brochure, flier at
vlog na nagpapakita sa mga lugar, bagay o mga karanasan na nais ipakita sa mga turista upang bumisita sa ating bansa.
Ang mga produktong ito ay tatayahin sa pamamagitan ng sumusunod: nilalaman, paggamit ng mga salitang nanghihikayat,
kaayusan, at organisasyon.

MAHALAGANG TERMINOLOHIYA

MINI TASK
Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahang
Retorikal na pang-ugnay- Ginagamit kung ang
maisusulat ang buod ng binasang kuwento nang pahayayag ay may pagdududa o pag-aalinlangan at
maayos at may kaisahan ang mga pangungusap pagbabakasakali sa isang pangyayari.
gamit ang wastong mga retorikal na pang- ugnay
na ginamit sa akda (kung, kapag, sakali, at iba pa)

A. PAUNANG PAGSASANAY
Magandang buhay! Pagbati! Batid kong handa ka nanaman sa iyong mga gawain ngayong araw.
Huwag mo nang patagalin! Tingnan ang iyong worksheet sagutan ang- GAWAIN 1- PAUNANG PAGSASANAY!
Ayos nagawa mo! Ngayon, tingnan ang susing sagot sa pinakahuling parte ng modyul. Iwasto ang iyong mga naging
sagot. Tandaan: MAGING TAPAT sa pagwawasto! Ilagay ang kung ilan ang bilang ng iyong tamang sagot.
3-5 puntos- Mahusay! Ipagpatuloy ang magandang simula.
1-2 puntos- ayos lang! balikan kung saang bilang nagkamali.

B. PANIMULA

Sa module na ito tatalakayin natin ang isang kwentong-bayan na “Si Somezen sa Alongan at si Anak” na mapagkukunan
ng mga aral at mga kaisipan na maaaring makikita sa ating lipunan. Ang paksa ng akdang ito ay para sa lahat ng
mambabasa. Maaaring maging basehan sa paglutas o pagsasaayos sa mga suliranin na katulad o may pagkakahawig dito.

C. TALAKAYAN 1

MELC 1: Naisasalaysay ng maayos at wasto ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari


Nasusuri ang isang dokyu-film o freeze story

PAGBABAHAGI

Ngiti naman diyan! Nakatapos ka na ng isa! Ipagpatuloy mo lamang iyan! Narito, mayroon pa akong inihandang
gawain para sayo, kaya ano pang ginagawa mo? Sagot na sa iyong work sheet- GAWAIN 2- PAGBABAHAGI

PAGGALUGAD

Sana’y naitala mo ang mga impormasyon na hinihingi sa iyong huling gawain. Ooopps, mayroon pang ibang gawain
Ano pa ang ginagawa mo? Sagutan mo na! alam kong kaya mo ito. Pumunta ulit sa iyong worksheet- GAWAIN 3-
PAGGALUGAD at pagkatapos ay basahin na ang kwento sa ibaba.
Basahin
Si Somezen sa Alongan at si Anak
Sinaliksik ni Sandro B. Abad

Si Solotan sa Agamaniyog at si Bai sa Agaminiyog ay may dalawang anak na sina Potri Bonso at si Anak. Mahal na mahal
nila si Potri Bonso dahil ito ang panganay, at bunso naman si Anak. Maraming uamaakyat ng ligaw kay Anak samantalang
wala naming nagkakagusto kay Potri Bonso.
Isa sa mga manliligaw ni Anak si Somezen sa Alongan. Sinabihan ni Solotan sa Agaminiyog si Somezen, “ang ligawan at
pakasalan mo ay si Potri Bonso dahil siya ang mahal na mahal namin. Si Anak ay utusan lamang namit at alalay lang siya
ni Potri Bonso,” Hindi matanggap ni Somezen sa Alongan na ligawan at pakasalan si Potri Bonso.
Hindi sinunod ni Somezen sa Alongan ang sinabi sa kaniya ni Solotan sa Agaminiyog at sa halip ay napangasawa si Anak.
Pagkatapos nilang makasal ay malungkot si Anak dahil sinisiraan siya at ginugulo ng kaniyang kapatid.
Isang araw ay sinabihan siya ni Potri Bonso, “Anak, pagdating ng asawa mo, bugbugin mo at tusukin mo ng karayom dahil
masama siyang lalaki.” At sinunod naman ni Anak ang utos ng kaniyang kapatid. Pagdating ni Somezen sa Alongan ay
binugbog niya at pinagtutusok ng mga karayom.
Tinanong ni Somezen sa Alongan si Anak kung bakit siya binugbog ngunit hindi makasagot si Anak. Dahil dito, lumayas si
Somezen sa Alongan. Nagpalaboy-laboy siya.
Si Anak naman ay nagdadalantao at hindi niya alam kung saan nagpunta ang kaniyang asawa. Pinalayas na rin ni Potri
Bonso si Anak sa kanilang bahay nang hindi nalalaman ng mga magulang. Napadpad si Anak sa gitna ng gubat at nakita
roon ang maliit na barong-barong ni Ina a Kabayan, na isang aswang. Naawa sa kaniya ito kaya hindi siya pinatay.
Sa matagal na pagtira doon ni Anak ay doon na niya isinilang ang anak nila ni Somezen sa Alongan. Samantala, patuly
parin sa kaniyang paglaboy-laboy si Somezen sa Alongan. Minsan, nauhaw siya at wala siyang mainuman ng tubig.
Nakakita siya ng maliit na bahay at pinuntahan niya. Pagdating niya doon laking gulat niya na iyon pala ang bahay ni Ina a
Kabayan.
“Paakyatin mo ako dahil uhaw ako,” sabi niya kay Ina a Kabayan.
“Huwg ka nang umakyat at bibgyan na lang kita ng tubig,” sagot ni Ina a Kabayan.
Nagpumilit umakyat si Somezen sa Alongan.
Pag-akyat niya ay nakita niyang may nakakumot at nakahiga. Tinanong niya si Ina a Kabayan.
“Hayaan mo iyan dahil bagong panganak,” sagot ni Ina a Kabayan.
Hindi nakatiis si Somezen sa Alongan at tiningnan ang nakahiga. Laking gulat niya nang makitang si Anak pala iyon, ang
kaniyang asawa. Napaiyak si Anak. Napaiyak si Anak. Napaiyak din si Somezen sa Alongan. Humingi sila ng patawad sa
isa’t isa at nagsimula silang magbagong buhay.
PAGPAPALIWANAG

Magaling! Nagustuhan mo ba ang kwento? Naiinis ka ba sa kapatid ni Anak na si Potri Bonso? Kung oo, talagang
nabasa mo na ang kwento. Halika at alamin mo pa ang mas malalim na mensahe o kahulugan ng kwento. Kaya,
tara na! Alamin!

Mga suliranin sa akda Mga kaisipan sa akda


Di pantay na pagtrato sa mga anak ng magulang  Kung misan, mas handa pa ang ibang tao na
Pagkakaroon ng inggit at paninira sa mismong kapatid tulungan at patuluyin sa kanilang tahanan
Pagiging sunod-sunuran o pagpapaalipin at di  Ang isang taong inggit ay gagawin ang lahat upang
natatamasa ang mismong karapatan
mahila ka lang pababa at mawala
Naniniwala agad sa mga sabi-sabi
Pagbitaw sa sinumpaang pangako sayo ang pinahahalagahan mo
Pagiging malupit ng mga taong dapat ay nagmamahal  Hindi matuturuan ang pusong tunay na
at nagpapahalaga nagmamahal

PAGSASALAYSAY Iba’t ibang tipo/uri ng Pagkasunod-sunod ng pangyayari


-Naglalayong magpahayag ng pagkasunod-sunod ng Sekwensyal
mga pangyayari. Gumagamit ng mga salitang tulad ng una, pangalawa,
Halimbawa: maikling-kwento, dyornal, at sanaysay. pangatlo, susunod, pagkatapos, muna, at iba pa.
Angkop na pang-ugnay sa Pasalaysay Ito ay may iisang nilalaman ngunit inilahad ayon sa
Mga salita o pariralang naghuhudyat at nagpapakita pagkasunod-sunod lamang
ng pagkasunod-sunod ng salaysay. Kronolohikal
Maaaring nagpapahayag ito ng simula,daloy ng Ang pangyayari ay batay sa panahon at oras
Gumagamit din dito ng tiyak na oras at panahon
pangyayari, at wakas ng isang salaysay. Prosidyural
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, sumunod, -Ginagamit upang magpakita ng magkakasunod na paraan
pagkatapos, habang, at, sa huli at iba pa. ng paglikha ng isang bagay
Halimbawa: paraan ng pagluluto, paraan ng paglilinis, o
pagligo at iba pa.

SAGUTIN

O ayan, nakuha mo ba? Magaling kung gayon. Ngayon mayroon akong ilang mga katanungan tungkol sa binasa
mong akda. Makikita ko rito kung nabatid mo na nga ang bawat detalye ng kwento. Sagutin sa iyong work sheet ang
isa nanamang Gawain. Worksheet- GAWAIN 4- SAGUTIN

PAGPAPALAWAK

Magaling! Sabi sa’yo, kaya mo eh! Ipagpatuloy mo lang ang magandang simula, gawing magaan lang ang
pagkatuto, sagot lang ng sagot sa mga ito! Go! Go! Go! Sumagot ulit sa iyong wor sheet- GAWAIN 5
PAGPAPALAWAK

PAGTATAYA
Bravo! Marami ka nang natapos, ipagpatuloy mo lang! ngayon tayahin natin ang mga natutunan mo. Huwag mag-
alala kong kaya mo ulit to! Sagutan sa worksheet-GAWAIN 6- PAGTATAYA - Kudos!

TALAKAYAN 2
MELC 2 Nagagamit ng wasto ang mga retorikal na pang-ugnay na ginagamit sa akda (kung,pag, baka, kapag, sakali, at iba
pa)
PAGBABAHAGI

Ayun! Natapos mo na ang unang layunin sa modyul na ito. Dumako ka na sa panagalawang layunin, alam kong
kayang-kaya mo yan! Sa bahaging ito, matutunan ang mga retorikal na pang-ugnay. Sagutan ang Gawain sa iyong
worksheet- GAWAIN 7- PAGBABAHAGI
Ayos nagawa mo ulit! Ngayon, tingnan ang susing sagot sa pinakahuling parte ng modyul. Iwasto ang iyong mga naging
sagot. Tandaan: MAGING TAPAT sa pagwawasto! Ilagay ang kung ilan ang bilang ng iyong tamang sagot.
3-5 puntos- Mahusay! Ipagpatuloy ang magandang simula.
1-2 puntos- ayos lang! balikan kung saang bilang nagkamali.

PAGGALUGAD

Ayos! May isa ka nanamang gawaing natapos! Magaling! Magaling! Ngayon bigyan naman natin ng pansin ang
nagpapahayag na may pag-aalinlangan, pagdududa at pagbabakasakali na magagamit natin ngayon sa ating
talakayan Sagutin ang GAWAIN 8- PAGGALUGAD

PAGPAPALIWANAG

RETORIKAL NA PANG-UGNAY

Ang mga retorikal na pang-ugnay ay ginagamit kapag may pagdududa o pag-aalinlangan at pagbabakasakali sa isang
pangyayari. Katumbas din ito ng panagtnig na panubali na kung, kapag, pag, sana, baka, sakali, at iba pa. Ginagamit ang
mga pang-uganay na ito upang maipakita ang pagaalinlangan sa pagpapahayag ng mga ideya.

Halimbawa:
1. Hindi masisira ang pagsasama nina Somezen at Anak, Kung hindi pinakinggan ni Anak ang kanyang kapatid.
2. Masama pala ang pag-uugali ni Potri Bonso, sana'y magbago siya.
3. Kawawa naman si Anak sa kaniyang pamilya kapag muli silang bumalik.

PAGPAPALAWAK

Aha! Ayan nadagdagan nanaman ang iyong kaalaman, gets mo na ba ang mga retorikal na pang-ugnay. Sumagot
ulit sa iyong worksheet- GAWAIN 9- PAGPAPALAWAK

PAGTATAYA

Magaling! Magaling! Magaling! Malapit mo ng matapos ang lahat ng Gawain. Basta ngiti ngiti lang kapag may time!
Sagutan sa iyong worksheet – GAWAIN 10-PAGTATAYA

Ayos nagawa mo nanaman! Ngayon, tingnan ang susing sagot sa pinakahuling parte ng modyul. Iwasto ang iyong
mga naging sagot. Tandaan: MAGING TAPAT sa pagwawasto! Ilagay ang kung ilan ang bilang ng iyong tamang
sagot.
3-5 puntos- Mahusay! Ipagpatuloy ang magandang simula.
1-2 puntos- ayos lang! balikan kung saang bilang nagkamali.

D. PAGSASANAY

Saludo sa’yo magaling na mag-aaral! Ipagpatuloy mo lang yan! Dito sa parteng ito ng modyul ay lilinangin
pa ang iyong pag-iisip sa pamamagitan ng mga Gawain. Sagutan sa iyong worksheet-GAWAIN 11-
PAGSASANAY
Ayos nagawa mo! Ngayon, tingnan ang susing sagot sa pinakahuling parte ng modyul. Iwasto ang iyong mga naging
sagot. Tandaan: MAGING TAPAT sa pagwawasto! Ilagay ang kung ilan ang bilang ng iyong tamang sagot.
4-6 puntos- Mahusay! Ipagpatuloy ang magandang simula.
1-3 puntos- ayos lang! balikan kung saang bilang nagkamali.

E. SUMMATIVE ASSESSMENT

Magaling na mag-aaral! Ipagpatuloy mo lang yan! Patuloy lang tayo sa paghasa sa ngalan ng karunungan.
Sagutan sa iyong worksheet- GAWAIN 12- SUMMATIVE ASSESSMENT

F. MINI TASK

Ang iyong ginawang pagbubuod ay susukatin batay sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan
Nilalaman 25%
Kawastuhan ng mga retorikal na pang-ugnay 25%
Organisasyon 25%
Pagpili sa mgamahahalagang pangyayari 25%
100%
G. BUOD

Bilang paglalahat, napag-aralan mo sa modyul na ito ang ‘Si Somezen sa Alongan at si Anak’ nakita moa ng mga suliranin at
nalaman mo ang mga aral na nais iparating ng akda. Napagsusunod-sunod mo rin ng maayos ang mga pangyayari sa
kwento. Tinalakay din natin ang retorikal na pang-ugnay na kung saan nagamit mo ito sa pangungusap.

H. PAGPAPAHALAGA
PAGBATI! NAPAGTAGUMPAYAN MO! Oras na para ibahagi ang iyong mga pagpapahalaga sa iyong mga natutunan
sa iyong worksheet-PAGPAPAHALAGA.

SALAMAT! HANGGANG SA SUSUNOD NA MODYUL MAHAL KONG MAG-AARAL! GOD BLESS!

Mga Sanggunian:

Guimarie, A. M. 2019. Kalinangan 8. Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at Panitikan. Manila: Rex Book Store, Inc.

Cassanova, A. P. et al. 2001. RETORIKA: Mabisa at Mahalagang Pagpapahayag. Manila: Rex Book Store, Inc.

http://images.app.goo.gl/DFQ9VpobponmU5A

http://images.app.goo.gl/P7wEjMcZfwx3igkx7

You might also like