You are on page 1of 11

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

___________________________________________ ______________________
Guro: Petsa ng Pagpasa:
___________________________________________ ______________________

Susing Konsepto:

Ano nga ba ang denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita?

● Denotatibong Pagpapakahulugan
- Tumutukoy ito sa kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksiyonaryo.

Halimbawa: Nakapapaso sa balat ang sikat ng araw sa sobrang init.


ARAW – nagbibigay init at liwanag sa daigdig.

● Konotatibong Pagpapakahulugan
- Pagpapakahulugang nakabatay sa kung paano ginamit ang salita sa
pangungusap.

Halimbawa: Sa iyong pagdating ay muling sumikat ang araw sa aking


pusò.
ARAW – muling umibig/nagmahal muli.

◊ Ano ang mga uri ng pang-ugnay?


 Ito ay ang Pangatnig at transitional devices, pang-angkop at pang-ukol.

◊ Ano ang pangatnig at transitional devices?


 Ang pangatnig at transitional devices ay mga salitang ginagamit sa pag-uugnay ng mga
pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nitò, napagsusunod-sunod natin nang tama ang
mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa tamang gamit nitò.

◊ Ano kaya ang pangatnig?


 Ang pangatnig ay mga salitang ginagamit natin upang pag-ugnayin ang dalawang salita,
parirala at sugnay.

◊ Kaya mo bang magbigay ng mga halimbawa ng pangatnig?

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
 Ilan sa mga halimbawa ng pangatnig ay ang subalit, ngunit at dátapwát na paréparého
ang kahulugan, kapag nagamit mo na ang subalit sa unang bahagi ng pangungusap, maaari
mo ring gamitin ang ngunit at dátapwát upang maiwasan ang paulit-ulit na paggamit ng
salita sa pangungusap. Ang ilan pa sa mga pangatnig ay ang samantala, kayá, saká, dahil
sa, dahil, habang, nang, kung kayá, kung gayon, sapagkat, bagamat/bagaman at marami
pang iba.

◊ Ano naman kayá ang transitional devices?


 Ang transitional devices ay mga salitang ginagamit upang pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari o naratibo, paglilista ng mga ideya at paglalahad.

◊ Káya mo bang magbigay ng mga halimbawa ng transitional devices?


 Ilan sa mga transitional devices ay ang kung gayon, sa wakas, kaya naman, sa lahat ng
ito, sa ganang akin at marami pang iba.

◊ Sa iyong palagay bakit kayá mahalaga ang angkop na paggamit ng mga pang-ugnay
katulad ng pangatnig at transitional devices sa pangungusap?
 Mahalaga ang angkop na paggamit ng pang-ugnay sa pangungusap upang maging
malinaw sa mga mámbabasá o tagapakinig ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
- Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral Filipino 9, 25.

Kasanayang Pampagkatuto:

Sa gawin ng pagkatutong ito, inaasahan na:


Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan. (F9PT-la-b-39)
Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. (F9PD-la-b-39)
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda. (F9PU-la-b-41)
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-
ugnay. (F9WG-la-b-41)

  Mga Gawain sa Pagkatuto:


 
RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
 

 
Basahin ang akda sa ibaba.
Ang Ama
Mauro R. Avena
(Bahagi Lamang)
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos,
at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang
maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos, at isang dos anyos
na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga
pinag-aagawan.
-Peralta, Romulo N. et.al., Panitikang Asyano 9,17-20

Gawain 1

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga malalim na salitang ginamit sa akda, batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan nitó. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Salitang may salungguhit Denotatibong Kahulugan Konotatibong Kahulugan

Kumusta ang pagsagot sa unang gawain? Nakuha mo ba kung


ano ang konotatibo at denotatibong pagpapakahulugan? Kung
oo ang iyong sagot, tiyak ‘ngang naunawaan mo ang ating
aralin. Halina’t ipagpatuloy natin.
Gawain 2
Basahin ang akda sa ibaba.
Mga Patak ng Luha
Halaw sa Taare Zameen Par (“Every Child is Special”)
Bollywood Film_ India
Halaw at Isinulat sa Filipino ni Julieta U. Rivera
(Bahagi Lamang)

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Si Ishaan Nandkishore Awasthi, Isang batang nagpabago, nagpapabago at
magpapabago ng aking mundo… at marahil ng pagpapahalaga…bilang isang guro.

Tahimik akong nakaupong nag-iisa sa isang gilid na kinagawian kong likmuan sa


pagsusulat. Sa gilid ng isang mesang may katamtaman ang laki, sapat lamang na mailapag ko
ang aking mga kakailanganing gamit sa panonood. Hindi ko napigilan ng aking sarili isang
gabing hindi ako makatulog. Ako ay umiyak. Malakas noon ang buhos ng ulan ngunit wala
namang masabing may masamang namumuong panahon. Wala namang mapakinggang
anunsyo sa telebisyon o radyo. Nakipagsabayan sa malakas na patak ng ulan ang masaganang
pag-agos ng aking luha habang pinanonood ko si Ishaan. Siya ang bida sa aking puso…at si
titser…Napukaw agad ang aking interes sa pinanonood kong pelikula. Dala marahil ng
pagiging guro ko, nakarelate ako habang ninanamnam ang bawat eksena. Sa una’y mas
tamang sabihing dahil ako’y isang guro. Tama. Isa akong guro… at isa rin akong magulang.

Isang batang maysakit na dyslexia si Ishaan. Hindi ito naintindihan ng kaniyang mga
magulang… at ng kaniyang mga guro. Palagi siyang nakatatanggap ng parusa. Pinapalo.
Sinasabihan ng masasakit. Tamad. Bobo. Tanga. Walang alam. Idiot. Wala siyang tanging
masusulingan kundi ang pamilya sana niya. Subalit siya’y inilayo. Itinira sa dormitoryo ng
paaralan. Kahit na matindi ang pagtutol ni Ishaan, wala siyang magawa. Siya’y mahina pa.
hindi pa kaya ng kaniyang bagwis. Wala pa siyang sapat na lakas upang tumutol sa
kagustuhan ng kaniyang ama. Maging ang kaniyang ina ay walang magawa. Kapag sinabi ng
kaniyang ama, nagiging sunod-sunuran rin siya.

May angking talino si Ishaan. Bagamat hindi siya nanguna sa klase, dahil sa
kinaugaliang hindi pakikinig o wala ang pansin sa pag-aaral. Sadyang mabagal ang kaniyang
pag-unlad sa pagbabasa at pagsusulat. Mas madalas na nagkakabaligtad ang b at d, mga
salitang pareho ang bigkas ngunit iba-iba ang baybay. Ang kaniyang mga bilang ay
nagkakabaligtad din at palaging wala sa ayos ang pagsusulat.

Buhat sa pagkakatalungko ko sa aking likmuan, habang marahil ay namumugto na


ang aking dalawang mata. Hinanap ko ang aking sarili sa gurong aking pinanood. Kinapa ko
ang aking puso. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Larawan din ba ako ng gurong ito?
Nakikita ko ba ang aking sarili sa kaniya? Nahirapan akong sumagot. Nahihiya ako sa aking
sarili. Pinayapa ko ang aking kalooban. Sinabi ko sa aking sarili na iyon ay isa lamang
panoorin. Ngunit isang bahagi ng utak ko ang sumigaw. Panoorin nga ngunit nangyayari sa
tunay na karanasan ng tao. Hinayaan kong umagos ang luha ko… at ng sumunod na mga
sandali, sinagot ko rin ang aking tanong… Ang guro ba ay aking kalarawan sa silid-aralan?
Sa labas ng silid? ang sagot. Oo sa ilang anggulo. Pero hindi sa maraming aspeto. Dahil tayo
ay may kaniya-kaniyang pagkabukod-tangi. Bawat bata ay may estilo ng pagkatuto. May
kaniya-kaniyang katangian at kakayahan.

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Isang bagay lang ang nasisiguro ko. Number one si Ishaan sa puso ko, una sa lahat
ang mga estudyante ko.
-Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 260-261

Panuto: Pumili ng ilang pangyayari sa telenobela sa itaas at ihambing ito sa mga kaganapan
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.

Pangyayari sa Telenobela Kasalukuyang kaganapan sa


lipunang Asyano
Halimbawa:
Nang dumating ang guro ni Ishaan Tinuturing na mga anak at
na si Ram Shankar Nikumbh Sir ay tinutulungan ng mga guro sa
inunawa, pinahalagahan, minahal at kasalukuyan ang mga mag-aaral
binahagihan nito ng kaalaman si lalo na ang mga mag-aaral na hirap
Ishaan hanggang sa siya ay natuto. pagbabasa at pagsulat.

Rubriks:
Pamantayan Puntos

Maayos na napaghambing ang napanood na telenobela 10


sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano.

Gumamit ng payak na salita at madaling maunawaan. 5

Maayos na pagbabahagi ng impormasyon. 5

KABUUAN 20

Pagbati sa matagumpay mong natapos ang ikalawang


gawain. Ngayon naman ay sagutan ang ikatlong gawain.

Gawain 3
Basahin at unawain ang akda.

Anim na Sabado ng Beyblade


ni Ferdinand Pisigan Jarin

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan
kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan
ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw
na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming
laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote Controlled Cars,
at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming
Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglaro ng


beyblade kasama ang mga pinsan.
Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang
beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya’y bulsa.
Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit
pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kaniyang paang tumayo ng
kahit ilang sandali man lang. Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa
loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanungin niya
ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot at binuksan ang
aking pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais
niya na sinagot naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung mabilis
man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa
tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang
kami‟y pumasok na sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas


ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya ang kanyang sarili upang
tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa
trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-
kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng


ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito.
Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa
isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na
tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
ako ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang
umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng


pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang
huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang
aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng
kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan


siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang
gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang
kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot
- Pinagkunan: Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 28-29.
-
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda gamit ang timeline sa ibaba at
gumamit ng mga pang-ugnay sa pagsusunod-sunod nito.

Anim na Sabado ng Beyblade

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat na Ikalimang Ikaanim na


Sabado Sabado Sabado Sabado Sabado Sabado

Rubriks:
Pamantayan Puntos

Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagsusunod-sunod 10


ng mga pangyayari.

Gumamit ng payak na salita at madaling maunawaan. 5

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Maayos at malinaw na pagbabahagi ng impormasyon. 5

KABUOAN 20

Repleksiyon

Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain, kaya Smile naman diyan , ayan
bilang pangwakas punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang kaisipan ng
natutuhan mo sa ngayon

Mahalagang pag-aralan ang pagbibigay ng kahulugan sa malalim na


salitang ginamit sa akda, batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan
sapagkat sa tulong nitó ay mas _______________________
_____________________________________________________________
________________________________________.

Ang pang-ugnay ang nagsisilbing _______________________


_____________________________________________________________
________________________________________. Ito rin po ang nagdudugtong
upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento.
Ang mga halimbawa ng pang-ugnay o pangatnig ay
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
___________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Mga Gawain sa Pagkatuto

Gawain 1

Salitang may salungguhit Denotatibong Kahulugan Konotatibong Kahulugan

Lalaki Kasarian ng ta Malakas, matipuno

Babae Kasarian ng tao Mahina, bebot

Payat Maliit ang hubog ng Sakitin


katawan

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Paslit Batang-bata

Maingay Malakas ang tunog

Gawain 2

Pamantayan Puntos

Maayos na napaghambing ang napanood na 10


telenobela sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang
Asyano.

Gumamit ng payak na salita at madaling maunawaan. 5

Maayos na pagbabahagi ng impormasyon. 5

KABUOAN 20

Gawain 3

Pamantayan Puntos

Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagsusunod-sunod 10


ng mga pangyayari.

Gumamit ng payak na salita at madaling maunawaan. 5

Maayos at malinaw na pagbabahagi ng impormasyon. 5

KABUOAN 20

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
Repleksyon

Mahalagang pag-aralan ang pagbibigay ng kahulugan sa malalim na salitang ginamit


sa akda, batay sa denotatibo o konotatibong kahulugan sapagkat sa tulong nito ay mas
napapalawak pa natin ang ating talasalitaan at mas nadadagdagan pa ang ating bokabularyo.

Ang pang-ugnay ang nagsisilbing tulay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Ito
rin po ang nagdudugtong upangmapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento.

Ang mga halimbawa ng pangatnig o pang-ugnay ay samantala, kaya, saka, dahil sa,
dahil, habang, nang, kung kaya, kung gayon, sapagkat, bagamat/bagaman at marami pang iba.

Sanggunian:

Aklat
- Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, Kagawaran ng Edukasyon 2014

Internet
- Sasutana, Oliver, Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan ng mga Salita,
July 1, 2019, slideshare.net, www.slideshare.net/OliverSasutana/denotatibo-at-
konotatibong-pagpapakahulugan-ng-mga-salita

Mga Modyul:

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2
-FILIPINO 9 KWARTER 1- MODYUL 3: Denotatibo at Konotatibo, pahina 12-13.
-FILIPINO 9 KWARTER 1- MODYUL 4: Telenobela at Kaganapan, pahina 8-9.
-FILIPINO 9 KWARTER1- MODYUL 6: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari, pahina 11-
13.
-FILIPINO 9 KWARTER1- MODYUL 7: Angkop na Pang-ugnay, pahina 8-9.

Inihanda ni;
AIMEE B. GERONA

Tagasuri: JOYCE D. LABORTE


ELISA RIEZA

RO_Filipino_Baitang 9_K1_LP2

You might also like