You are on page 1of 4

BanghayAralin

Sa
Filipino 7

I. Paksa:
Ayos ng pangungusap

II. Layunin:
a. Natutukoy ang Karaniwan at di-Karaniwang ayos sa loob ng pangungusap.
b. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang karaniwan at di-karaniwang ayos.
c. Napapahalagahan ang tamang gamit ng karaniwan at di-karaniwang ayos na pangungusap.

Sanggunian: Pananaliksik sa Internet


KagamitangPampagtuturo:
 Graphic Organizer
 Laptop at DLP
 Manila Paper
 Pentle pen
 Cartolina

III. Yugto ng Pagkatuto


 Drill o Pagsasanay
-Para sa paunang pagsasanay, may ipapakita ang guro sa pisara na mga salita na kung
saan ay wala sa wastong ayos. Ang mga salita na wala sa ayos ay maaaring mabuo sa
pangungusap.

Panuto: Buuhin ang mga salita sa isang pangungusap.

ng maliit na pamilya ay mahirap. Maginhawa ang buhay

habang ng malaking pamilya ang pamumuhay

Tamang Sagot: Maginhawa ang buhay ng maliit na pamilya habang ang pamumuhay ng
malaking pamilya ay mahirap.

A. Pagbabalik-aral
-Magtatanong ang guro kung ano ang paksang itinalakay kahapon. Magbibigay ng
tanong ang guro na may kaugnayan sa paksang pinag-aralan kahapon.

B. Pagganyak
-Ipapakita ng guro sa pisara ang inihandang dalawang halimbawa ng pangungusap na
magkaiba ang ayos nito.
o Isang maliit na bayan sa lalawigan ng Rizal ang Antipolo.
o Ang Antipolo ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Rizal.
Tanong: Ano ba ang kaibahan ng dalawang pangungusap?
Mga posibleng sagot: Ang kaibahan nito ay ang ayos nito. Magkaiba ang posisyon
ng Simuno at Panaguri sa dalawang pangungusap.
C. Paglalahad
-Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin sa araw na ito. Ito ay ang ayos ng pangungusap.

D. Pagtatalakay
-Gamitang “Powerpoint Presentation”, tatalakayin ng guro ang dalawang ayos ng pangungusap
kalakip nito ang kahulugan at mga halimbawa nito.

AYOS NG PANGUNGUSAP

Karaniwang Ayos Di-Karaniwang


Ayos
Ito ay ang ayos ng
pangungusap na Ito ang ayos ng
kadalasang pangungusap na
ginagamit natin lalo nauuna ang simuno
na sa mga pasalitang sa panaguring
gawain. pangungusap. Ang
dalawang bahaging
Nauuna ang ito ay pinag-uugnay
panaguri o ang ng panandang ay.
bahagi nito sa
simuno ng
pangungusap.

Ayos ng pangungusap Mga halimbawa


Karaniwang Ayos 1. Lubhang makulay ang mga pista ng
mga Muslim saPilipinas.
2. Taunang pagdiriwang sa Kalibo,
Aklan, ang Ati-atihan.
Di-Karaniwang Ayos 1.Ang mga pista ng mga Muslim sa
Pilipinas ay libhang makulay.
2. Ang Ati-atihan ay taunang
pagdiriwang sa Kalibo, Aklan.

E. Paglalahat
Pangkatang Gawain (Limang Grupo)
- Pagpapangkatin ng guro sa limang pangkat ang kanyang mga estudyante. May ipapakitang
sanaysay ang guro sa kanyang mga estudyante na kung saan kukuha sila mula sa sanaysay ng
mga pangungusap na maituturing na halimbawa ng Karaniwang Ayos at Di-Karaniwang Ayos.
Ang nabuong gawain ng bawat pangkat ay ipapaskil sa isang T-chart na inihanda ng guro.

ANAK KA NG INA MO…


ni: J

Nanginginig ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na
umaakay sa iyo noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na
pinagkukunan mo ng isang libo’t isang lakas upang mabuhay.

Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na
natutuyuan ng pawis sa paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.

Nakakunot ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Ikaw
ay natutulog sa banig. Mata niya ay lagging nakatingin sa iyo. Mga matang nagmamasid at
nagbabantay sa iyomula pagsilang hanggang sa iyong paglaki.

Ang kaniyang pandinig ay mahina na. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga
taingang dumirinig sa iyong pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang
handing making sa iyong mga daing dahil sa kabiguan…….

Panuto: Mula sa isang sanaysay, isulat sa kartolina ang mga pangungusap na nagsasaad ng karaniwan at
di-karaniwang ayos. Ipaskil ito sa T-chart.

Karaniwang Ayos Di-Karaniwang Ayos


Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain
Pagpapaliwanag 10%
Pagkakaisa ng bawat miyembro 5%
KABUUAN 15%

IV. Ebalwasyon
-Magbibigay ng mga sagutang papel ang guro na kung saan nakapaloob doon ang isang kwento
bilang pagsusulit sa araw na ito.

Sagutang Papel:

V. TakdangAralin

Panuto: Gumawa ng limang sariling halimbawa ng karaniwan at di-karaniwang ayos na


pangungusap. Ilagay sa sangkapat (1/4) na papel.

You might also like