You are on page 1of 2

ST. MARY’S ACADEMY OF STA. CRUZ, INC.

Formerly Holy Cross Academy


Sta. Cruz, Davao del Sur
Tel. Fax No. (082) 272-0607

T.P 2019 - 2020


Plano sa Pagkatuto

Asignatura / Baitang: Filipino Markahan: Ikatlo


Baitang: 9 Linggo: 5
Paksa ng Yunit: Mga Akdang Pampanitikan ng Kanluran at Timog Asya Petsa:
Aralin/Paksa: Ang Pangarap ng Pangit na Prinsesa

Paglilipat / Pagsasabuhay ng Mithiin / Transfer goals:


Sa kalaunan, ang mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan ay inaasahang makabuo ng iskrip
para sa pagtanghal ng kulturang nagmula sa mga Bansang Asyano upang maipakita ang pagpapahalaga ng
pagiging isang Asyano at mamamayan ng mundong ipinagkaloob ng Panginoon.

Kakailanganing Pag-unawa

 Mauunawaan ng mga mag-aaral na ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa mga akdang


pampanitikan ay nakadaragdag din ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid.

 Mauunawaan ng mga mag-aaral na maraming paraan ang puwedeng gawin upang mapanatiling buhay
ang mga panitikang umusbong sa kontinenteng Asya.

Mahahalagang Tanong

 Bakit kailangang alamin at pag-aralan ang mga akdang mula sa Kanluran at Timog Asya?
 Paano mapapanatili ang magagandang panitikang umusbong mula sa Asya?
I. Panimulang Gawain:
Pagbabalik-Aral: Pagbabahagi ng takdang-aralin.
Pokus: Ang Pangarap ng Pangit na Prinsesa
Pangganyak: Pagpapakita ng mga larawan ng mga taong may kakaibang pisikal na anyo
ngunit may naiambag sa kanilang lipunan.
PDK (Pagkuha ng Dating Kaalaman) : Anong kaya at puwedeng gawin ng isang tao
sa kabila ng kanyang pagiging iba?
II. Pagtalakay sa Aralin:
A. Paglalahad ng Konsepto
Malalaman ng mag-aaral ang mga aral na nakukuha sa kuwentong-bayan ng India.
Maisasagawa ng mga mag-aaral ang pagsasalaysay ng mga maaaring mangyari sa akda at
nakapaglalarawan ng mga bayani sa kasalukuyan.
Mga Istratehiya/ Gawain:
Pag-ulat ng mga piling mag-aaral
Pagbahagi ng reaksyon/opinyon sa talakayan
Pagbuo ng mga hinuha mula sa iba’t ibang pangyayari ng akda
Paglarawan ng isang bayani na huwaran sa kanyang lipunan/bansa
B. Pagpapalawak ng Konsepto
Bakit hindi dapat husgahan ang tao batay sa panlabas na kaanyuan, kasarian, at kalagayan sa buhay?
C. Integrasyon sa Apat na Sangay: (Pagpapakahulugan )
a. Ignacian-Pangunahin at Kaugnay na kahalagahan
Kahusayan – Integridad
Ano nga ba ang tamang gawin kung nakilala mo ang kakaibang anyo ng prinsesa?
b. Panlipunang Oryentasyon
Ang Pagtanggap ng mga Naiiba sa Lipunan
Paano naipapakita ang pagtanggap para sa mga taong may naiibang kaanyuan, kasarian, at
kalagayan sa buhay?
c. Liksyon sa Ibayong Disiplina
Christian Living
Bakit tinatanggap ng tao ang pagkakaiba ng isa’t isa?
d. Biblikal na Pahayag/ Pagninilay
Genesis 1: 26
At sinabi ng Diyos, lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis…
Anong mensahe ang inihahatid nito sa ating akda?

III. Ebalwasyon:
Sa kwaderno, isulat sa unang talata ang aral na nakuha sa akda. Sa pangalawang talata naman ilahad
kung sino sa mga tauhan ang nais mong gayahin at bakit.

IV. Pagbubuod/Aksyon:
Bakit ito ang aral na nakuha niyo sa akda.
Paano mo isasabuhay ang magandang asal na natutunan sa akda.
V. Takdang-Aralin:
Sagutin ang Buoin Natin sa inyong aklat.
Sanggunian / Kagamitan
Pinagyamang Pluma 9
Tuklas 9
Projector/LCD
Laptop

Inihanda ni: Sinuri ni: Pinagtibay ni:

Bb. Marissa D. Ampong S. Ma. Gloria P. Cataluña, RVM


Guro Punong-Guro

Petsa ng Pagpasa: Petsa: Petsa ng Pagwasto:


___________________________ ____________________________
__

You might also like