You are on page 1of 6

INTRODUKSYON : Leksyon : I

Polisiya kaunay sa makabagong set-up ng pag-aaral

Magandang Araw/hapon sa iyo ;Maligayang pagdating sa ating klase , Nagagalak ako sapagkat ikaw ay
bahagi ng aking klase at makakasama kita sa buong semestre. Nawa ito ay maging mabunga at
magkaroon ka ng kaalaman hinggil sa mga paksang ating tatalakayin sa mga susunod pang mga araw.

Sa ngayon ay hayaan mong aking bigyang tuon ang ilang mahahalagang aspeto na siyang makakatulong
sa ating dalawa na maunawaan ang iyong kinuhang asignatura . Bigyang tuon muna natin ang Ilang
Polisiya at paglilinaw kung bakit mo kinuha ang asignaturang ito. Handa ka na ba?

DESKRIPSYON NG ASIGNATURA

Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa


malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan,
sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga
mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrong kasanayang pagbasa at
pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na
malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga
piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).

Kasanayan:

1.Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong


midyang akma sa kontekstong Pilipino.

2..Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na


akma sa iba’t ibang konteksto.

3..Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na


nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

4..Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral
na konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o teorya na akma sa mga
realidad ng lipunang Pilipino.
Pangangailangan ng kurso:

• Mga gawaing pampagmag-aaral

•Pansariling Pagtataya

•Maikli at mahabang pagsusulit,markahang pagsasalita ,pangkatan at Indibidwal na gawain

•Repleksyong papel,posisyong papel, kilisik papel

POLISIYA SA KLASE

 PAGDALO SA KLASE
 PAGSUMITE NG MGA GAWAING ITINAKDA
 PAGDALO SA ZOOM/GOOGLE MEET
 PAKIKILAHOK SA MGA TALAKAYAN
 PAGPASA NG MGA ITINAKDANG GAWAIN
 PAGLILINAW SA ILANG KONSEPTO HINGGIL SA MAKABAGONG PAMAMARAAN AT
KALAGAYAN NG PAG-AARAL
 IBA PA…..

PAGTASA
LEKSYON 2: INTRODUKSYON AT PAGKILALA SA SARILI

Mabuhay ,Isang mapagpalang Umaga sa inyong lahat na narito sa umagang ito . Lubos akong nagagalak
sapagkat masigasig kang ipakita ang iyong kakayahan sa iyong mga kamag-aral .Sa modyul na ito ay
ipapakilala ko sa iyo ang aking sarili .

Magandang Araw Sa iyo G/Bb


Ako si Gng.Olivia S.J Guttan ang
iyong magiging guro sa
asignaturang Filipino.
Ikinagagalak kitang makilala

Paksa : Pagkilala sa Sarili

Layunin : Makilala ang mga kamag-aral at Sarili

Paano mo ipapakilala ang iyong sarili?


Sa pamamagitan ng isang malikhaing Pagpapakilala ,Ipakilala mo ang iyong sarili sa iyong guro .

Larawan

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Ang Pagpapakilala ay isang kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng kultura ng isang bansa . Maraming
magagandang katangian at kaugalian ang mga Pilipino na hindi dapat maglaho.Nariyan ang pagmamano,
pagsambit ng po at opo, pagkakaroon ng nararapat na katawagan sa kapwa, Sistema ng bayanihan , at
paniniwala sa Dakilang Manlilikha .Nararapat itong panatilihin upang pamarisan ng kabataaan

Sagana ang Pilipinas sa mga likas na yaman, Kultura at Hindi pa rin natin maipagkakailang marami sa
mga katangian nating mga Pilipino ay natatangi at maipagmamalaki sa lahat ng panig sa daigdig.Sa aking
palagay, Ang pagpapakilala sa sarili lalo na kung ikaw ay dayo sa isang lugar o di naman kaya ay gusto
kang makilala ng iyong mga kasama ay malalang na gagawin mo rin ang isang paraan upang ikaw ay
magpakilala.

Sa mga kabataang tulad moa ng pagpapakilala sa iyong kamag-aral ay mahalaga sapagkat ang
pagsasama ninyo sa loob ng isang semester ang siyang magiging tulay upang lalo kayong magkala[pit sa
isat isa at ang pagkakapalagayang loob ay bahagi na rin ng pakikipagkapwa tao.
Lagom

GAWAING PAMPAGKATUTO

Basahin mo ang isang malikhaing Pagpapakilala at pagkatapos magbigay ka ng sarili mong reaksyon
hinggil dito.
Pagpapakilala Ko sa Aking Sarili
Ako pala yung tipo ng tao
Na tahimik at walang kibo.
Hindi nabibingi sa katahimikan,
Pagkat sa akin ito'y kapayapaan.
Kung ako'y iyong titignan,
Malakas at matapang,
Siga at walang inuurungan
Ang iyong makikita.
Ngunit sa katotohanan ay
Ako'y mahina at laging nag-iisa.
Kalungkutan ay bumabalot
Sa aking puso't isipan.
Nagmimistulang batang naliligaw
Sa gitna ng mundong makasalanan
Di malaman kung saan tutungo,
Sapagkat gabay ay aking kailangan.
Nahanap ko ang bahagi ng buhay ko
Sa tulong ng tunay kong kaibigan.
Di nila ako pinabayaan,
Naging ama't ina sa aking mga mata.
Ako yung tipo ng tao
Na kaibigan lang ang hanap.
Pagmamahal na mula sa kanila
Aking laging inaasam.
Ako'y natutong ngumiti at tumawa
Sa kabila ng maraming problema.
Sapagkat ako'y malaki na
Kailangang tumayo sa sariling paa.
Ako'y magiging matatag
Sa anumang hamon ng buhay.
Pangarap na nais makamtam,
Pagsisikapan na maabot.
Ako pala yung tipo ng tao
Na makulit at masayahin
Ito ang nais kong iparating,
Salamat sa iyong pagbasa.

PAGTATASA

Panuto : Lumikha ng isang Introduksyon ng iyong sarili sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at


dapat na ito ay sa paraang malikhain .Ipasa ayon sa itinakdang araw .

You might also like