You are on page 1of 6

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

Saint Joseph’s College of Baggao, Inc.


Baggao, Cagayan, Philippines
Transforming Lives, Shaping the Future
MODYUL 6
ESTILO
Course RETORIKA Course Code: FIL 2
Title:
Instructor: Mary Joy L. Lattao, LPT Term & AY: 2nd Sem, AY 2021-2022
Cellpone no: 09754111540 Email Address: maryjoy.lattao14@gmail.c
om

I. Pangkalahatang Ideya

Ang estilo ay nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Kung ang imbensyon ay nauukol
sa ano ang sasabihin, ang estilo ay nauukol sa paano iyon sasabihin. Sa pananaw retorikal, ang estilo ay
hindi insidental, superpisyal o suplementari sapagkat tinutukoy nito kung paano ipinapaloob sa wika ang
mga ideya at kung paano ito nakukostomays sa mga kontekstong komunikatibo.
Ang estilo ay hindi rin isang opsyonal na aspeto ng diskurso. Ang estilo ay esensyal sa retorika sapagkat
ang kaanyuan o ang lingguwistik na kaparaanan ng paglalahad ng isang bagay ay bahagi ng mensahe,
katulad ng nilalaman o kontent.
II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto
Sa pagkumpleto ng modyul na ito, ang mga mag-aaral inaasahang:
A. Natatalakay ang kalikasan ng estilo at kagandahan ng isang pahayag o komunikasyon.
B. Napapahalagahan nang wastong at angkop na pananalita sa pagpapahayag ng kaalaman,
karanasan at saloobin
C. Nakababahagi ng iba’t ibang anyo ng pagpapahayag na personal at malikhaing di-piksyon
na nagpapahayag ng mga ideya o kaisipan.

III. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral at Sanggunian


https://prezi.com/pqwswr7icuvs/masining-na-pagpapahayag-estilo/?fallback=1
https://prezi.com/lxio_py0um4o/kapangyarihan-ng-wika/
https://prezi.com/mmwfxvtpk67d/group-5-kasingkahulugan-at-kasalungat/
Jioffre A. Acopra, M.A et. Al (2016) PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA
(Intrpduksyon sa Pnanaliksik) MINDSHAPERS CO.,INC. Intramuros, Manila.

IV. Nilalaman/Buod ng Aralin

Kahulugan at Kalikasan ng Estilo


Sinasabing na ang estilo ang masining na ekspresyon ng mga ideya na pinili ng mga manunulat.
Makikilala ang estilo ng manunulat sa tulong ng kaniyang wika o mga salitang ginagamit.

Makikita ang pagiging


.Mapagbiro
..Makatotohanan at tapat
…Mapag-uyam
….Pagkaseryoso

Maaaninag din ang persnalidad ng manunulat


Halimbawa: Jose Rizal
Bakit nga ba niya isinulat sa espanyol ang kanyang akda?
“ la pluma es mas ponderosa que la espasa”
(The pen is mightier than the sword)

Mahalaga ang estilo sa pagsulat


nagsisiIbi itong gabay
nagbibigay liwanag
diskursong panlipunan
magturo
mang-aliw
magbigay-kaalaman
Dapat maging maingat sa pagsulat sapagkat napapansin maging ang pinakamaliit na pagkakamali. Higit na
mahirap ang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsulat kesa sa pakikinig.

KAISIPAN
Matatamo kung lahat ng sangkap ng pangungusap o talata sa loob ng isang paksa ay hinggil lamang sa
iisang paksa.
KAUGNAYAN
RETORIKA- FIL 2 Pahina 1 | 6
Lahat ng sangkap ng pangungusap o talata sa loob ng isang akda ay dapat na magkakaugnay
DIIN
Pagbibigay diin sa mahahalagang bagay sa talata.
KAWILIHAN
Ang hangarin nito ay makaakit ng kawilihan o maibigan ng bumabasa ang pahayag.

KAKAYAHAN AT KAPANGYARIHHAN NG WIKA


Mahalaga ang pagkakaro talasalitaan sa iniisip.
Kawastuhang panretorika at pagbalarila
-----ikalilinaw ng pahayag
Salawikain, kawikaan, kasabihan, tayutay at mga idyomatikong pahayag
-----kagandahan sa pahayag

PAGTUKLAS SA KAHULUGAN NG SALITA


Konotasyon at Denotasyon

KONOTASYON
Ang kahulugan ay iba sa karaniwang kahulugan.

SALAWIKAIN
Mga maliksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang
araw-araw na pamumuhay.
Haimbawa:
Kung ano ang puno, siya ang bunga
Nasa Diyos ang awa, asa tao ang gawa
Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran.

IDYOMATIKONG PAHAYAG
Parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba sa literal na kahulugan ng salitang
gawa sa matalinhagang salita.
Halimbawa:
kumukulo ang tiyan-gutom
guhit ng palad-kapalaran
matigas ang ulo-pasaway

TAYUTAY
Salita o pahayag na ginagamit upang bigyan din ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya na gumagamit
ng talinhaga upang bigyan diin ang kanyang saloobin.
Halimbawa:
Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo -- Pagtatao
Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na mang-aawit --Pagtutulad

DENOTAYON
Karaniwan payak na kahulugang pandiksyunaryo
Halimbawa:
adhikain-layunin
preso-bilanggo
marikit-magandla

Pormal- may dignidad at seryoso ang tono, pino, mahigpit ang anyo o umaanyo sa tuntuning gramatikal.
Di-pormal - pananalita na personal, puno ng kolokyalismo. May pagkakataong balbal ang ilang pananalita
na pinakamababang antas ng wika.

Pagpapahayag ng Ideya sa Iba't Ibang Estilo


Idyomatikong pahayag Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
Halimbawa:
Butas na bulsa-walang pera
Ilaw ng tahanan- ina
Itaga sa bato-tandaan

PAGHIHINUHA -pagpapahayag ng sariling kuro-kuro, palagay o haka batay sa obserbasyon, katotohanan


o ebidensya. Ito ay ilan sa mga pahiwatig na salita: tila, marahil, siguro, baka, wari, maaari, walang-
sala, di-malayo, yata, sa palagay ko, sa tingin ko, at may hinala ako.
HALIMBAWA:
Marahil totoo ang kanyang sinasabi.
Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

PAGLALAHAD NG IMPLIKASYON
Ito'y pag-uugnay ng mga pangyayari o ideyang isinulat sa teksto sa mga totoong nangyayari sa kapaligiran
ng babasa ng isinulat ng akda.

RETORIKA- FIL 2 Pahina 2 | 6


PAGPAPAHIWATIG
Ito ay hindi tuwiran ang pagkakasabi, at ito'y pagbibigay-kahulugan sa nais ipahiwatig sa teksto.
halimbawa:
*Araw ay nakangiti sa dako pa roon. - Ipinapahiwatig ng may pag-asa
** Isa kang anghel sa langit. - Ipinapahiwatig na mabait at mabuti ang tao

KAPANGYARIHAN NG WIKA
Ang wika ay humuhubog ng saloobin
Sa pamamagian ng wika, nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa. Samakatuwid dahil sa wika
nagagawa nating makipag-ugnayan mismo sa ating sarili. Nagkakaroon ng pagtitimbang timbang at
hubugin ang ating mga saloobin bago magbitiw ng mga salitang ating sasabihin.
ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON
lto ay ang pagtanaw sa mga bagay na magkasalungat na paraan
Halimbawa: mabuti sa masama, mataas at mababa, pangit sa maganda. Dahil ang wika leybeling,
nagagawa itong maghambing at maglarawan ng pagkakaibaiba. Nakapagdudulot ng komplik ang
polarisasyon dahil hindi ito nagiging realisik kung minsan dahil na rin sa malalimang pagtanaw sa gamit ng
salita na nagdudulot ng malaking epekto sa kausap.

ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA AY SIYA RING KAPANGYARIHAN NG KULTURA NAKAPALOOB DITO


Kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura, kung kaya' hindi dapat na tanawin na may
superyor at imperyor na wika.

WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN


Ang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa
mga tatanggap ng mensahe nito. Anumang pahayag na sabihin ng interlokyur kahulugan o interpretasyon
sa mga tagatanggap ng mensahe na ito. Ito ay tinatawag ding by passing na ang ibig sabihin ay maling
paniniwala na ang isang salita ay nagtataglay lamang ng iisang kahulugan.

halimbawa: mukat- nangangahulugang muta sa lalawigan dito sa Pilipinas.

V. Aktibidad
Suriin ang mga estilong ginamit at Ibahagi ang mga magiging reaksyon sa babasahing
teksto.

WIKANG FILIPINO: DANGAL NG LAHING PILIPINO

"Walang umunlad na bansa na hindi gumamit ng sariling wika.


Gov. Felicisimo T. San Luis

Sa mga masisipag na administrador ng paaralang ito, mga butihing guro, at Sa minamahal kong
mga mag-aaral, isang mapagpalang araw po ang sumaating lahat.
Karangalan po sa akin ang maanyayahan bilang tagapagsalita sa pagdiriwang ninyo ng Buwan ng Wika.
Tunay nga pong dapat nating ipagmalaki na tayo'y may wkang sanl na sagisag ng kabayanihan at ating
paglaya. Ang maging Pilipino po ay hindi dapat ikahiya manapa'y nararapat nating ipagmalaki saan
mang Pang ng mundo tayo magtungo na tayo'y Pilipino. Bakit? Sapagkat tayo ay may mga katarngiang
likas na sariling atin lamang. Dahil tayo ay mayroong wika na nagsasalaysay ng makasaysayang pinag-
ugatan ng ating lahi Sa pananon nina Kizal, Del Pilar, Bonifacio, Jacinto, Luna at Mabini, hindi ba't wika
rin ang ginamit sa kanilang paglaban?
Sa tula ni Gat. Jose Rizal na "Sa Aking Mga Kabata" ay ipinakita niya ang matimyas na pag-ibig sa
bayan, sa lahi at wikang sarili. Palasak na palasak tuwing Buwan ng Wika ang bahagi ng kanyang tula
na: "Ang hindi magmahal sa kanyang salita, ay higit sa hayop at malansang isda." Makikita natin ang
pagpapahalaga ng ating Pambansang Bayani sa dangal ng Pilipino. Hindi ba't ang nais niya ay maging
matapat tayo sa ating salita na kapag tayo ay nangako o may binitawang salita sa ating kapwa ay dapat
natin itong tuparin? Dahil ano nga namin ang mukhang ihaharap natin sa iba kundi lalabas tayong mga
sinungaling na masahol pa sa unmaalingasaw na bulok na hayop at malansang isda.

Samakatuwid, paano natin ingatan ang dangal ng lahing Pilipino? Marahil tama ang sinabi ng ating
Pambansang Bayani. Panahon na siguro upang lingapin natin at muling pahalagahan ang dangal ng
lahing kayumanggi. Sa pamamagitan ng pagmamahal at paggamit sa ating Wika ay maaari nating
gawing instrumento ito upang ibangon ang dangal ng lahing Pilipino na iginupo ng kurapsyon, pagiging
makasarili at pagkakawatak-watak. Dapat nating balikan ang magagandang katangian ng mga bayani na
nagpatingkad sa kanilang dangal at kagitingan. Sa tulong ng wikang Filipino ang ating dangal ay
maitatayong muli at maibabalik ang tunay na kasipagan, katapatan sa salita, malasakit sa kapwa Pilipino
at pagtangkilik sa bansang ating sinilangan. Sa tulong ng pagmamahal sa bayan at sa wika ay
maiingatan natin ang mga kakayahang sadyang magpapayabong sa pagsusulong ng panitik na
naglalantad ng kalagayan ng lipunan sa aing panahon. Tunay ngang dangal ng ating lahi ang wikang
ating ginagamit dahil ito ang nagsasatitik ng ating mga saloobin at nagbubunyag din sa maling sistema
ng pamamahala na magbubunsod sa daang maunlad at hindi baluktot. Ang wika Filipino ay sintalas ng
RETORIKA- FIL 2 Pahina 3 | 6
tabak na susugat sa mga tiwali upang alalahanin an magagandang aral na iniwan ng kanyang mga
ninuno. Ang wikang Filipino an gagamitin natin upang linisin at ituwid ang mga maling gawi na
magpapabagsak sa lahing Kayumanggi. Ang wikang sarili na gagamitin ng mga kalahi ang uugit sa
kasaysayan ng bansang Pilipinas na pinanahanan ng mga Pilipinong buo ang loob, may dangal at
iniingatang malinis na pangalan. Dahil ang wika ang magiging instrumernto ng panulat upang muling
umusbong ang isang lahing puno ng pag-asa at pagmamalaki sa kanyang lahing pinagmulan.

Sa mga liriko ng awit na hinulma sa ating wika ay mababakas ang pagmamahal sa sariling bayan.
Ang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ni Andres Bonifacio, "Bayan Ko ni Jose Corazon De Jesus,
"Magkaisa" sa panahon ng Edsa at "Pagbangon" sa panahon ng kalamidad matapos ang bagyong
Yolanda ay mga patunay ng pagmamahal sa bayan at pagpapakita ng katatagarn ng lahing Pilipino. Ang
wikang Filipino ay mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng dangal at pag- ibig sa bayan ng mga
Pilipino. Ang Wikang Filipino rin ang magsisilbing daan upang mamulat ang mga PilipinO na tayoy may
malinis na pangalan at dangal na hindi kayang 1gupo ng anumang sigwang dumaan at daraan pa sa
paglipas ng maraming taon. Mabuhay ang Pilipinas!

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang lahing Pilipino! Muli isang mapagpalang araw po para sa
ating lahat.

VI. Pandagdag sa Nilalaman

ANO NGA BA ANG KASINGKAHULUGAN AT KASALUNGAT?

KASINGKAHULUGAN
Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga salitang may parehong kahulugan

Halimabawa ng magkasingkahulugan na salita


Gusto-Nais
Gusto na niyang makuha sa pasko ang regalong dati pa niyang ninanais.
Tama-Wasto
Nais na niyang itama ang mga pagkakamali niya sa wastong paraan.
Angkop-Akma
Dapat na mag suot ang mga bata ng damit na angkop sa kanilang edad at akma sa kanilang itsura.
Daloy-Agos
Dumadaloy ang tubig sa ilog at mabilis ang pag-agos nito.
Kakauti-Kakarampot
Kakaunti lang ang kanyang kaalaman kaya't kakarampot lang din ang nakuha niyang grado.
Inaasam-Pangarap
Matagal na niyang inaasam ang maabot ang kanyang pangarap
Maganda-Kaakit-akit
Maganda ang ugali ni Ate Angela at kaakit-akit ang kanyang boses
Malinamnam-Masarap
Malinamnam ang luto ni nanay dahil masarap ang pagka-gawa nito.

KASALUNGAT
Ang mga salitang magkasalungat ay may salitang magkaibang kahulugan.

Halimabawa ng magkasalungat na salita


Masikip-Maluwag
Dati rati ay maluwag sa kanya ang kanyang damit ngayon ay masikip na ito sa kanya.
Malaki-Maliit
Kinailangan niyang maghanap ng mas malaking lalagyanan dahil maliit na ang kanyang ginagamit.
Masigla-Matamlay
Nung umaga ang sobrang tamlay niya, pero nang nakita niya ang kanyang mataas na grado ay sumigla
siya.
Matalas-Mapurol
Matalas ang kanyang ginagamit na kurtsilyo at nang matapos niya ito gamitin ito ay naging mapurol.
Minsan-Madalas
Minsan siya ang tahimik pero madalas siya ay makulit.
Malinis-Marumi
Pagkatapos niya ayusin ang kanyang maruming kwarto ito ay naging malinis at maganda sa paningin.
Sapat-Kulang
Nung una ay sapat ang kanyang pera pambili ng gamit ngunit nagastos niya ang kalahati nito at nagkulang
siya ng pambili.

VII. Pagtatasa/Ebalwasyon

Bigkasin ang talumpati at gamiti ang nakalaang talapuntusan nasa ibaba.

Ang Buhay Estudyante sa Kolehiyo

RETORIKA- FIL 2 Pahina 4 | 6


J.V. De Castro

Isang magandang hapon po sa inyong lahat!

Ano nga ba ang buhay estudyante sa kolehiyo? Mahirap ba? Madali? o tama lang? Ang aking talumpati ay
tungkol sa buhay estudyante sa kolehiyo. Alam na siguro natin ang pakiramdam ng pagiging isang
estudyante, pero, ang pagiging isang kolehiyo? Napakalaking kaibahan pala ang maging isang kolehiyo sa
elementarya at sekondarya, lalo na't tungkol sa sunod-sunod na gawain na kailangan mong tapusin.
Napakahalaga ang makapag-aral sa kolehiyo kaya hindi dapat tayo o ito binabalewala.

Hindi madali ang buhay estudyante sa kolehiyo, lalo na kapag sabay-sabay ang mga gagawing
proyekto, takdang-aralin, mga report, at meron pang pag pa-practice ng sayaw sa PE. Idagdag pa natin
ang pag re-review para sa exam. Ang hirap tuloy mag isip kung ano ang uunahin. Sa paggawa natin ng
mga ito ay dumadagdag pa ang problema sa puyat, kalaban mo pa ang antok. Kaya minsan late nang
makapasok sa umaga. Minsan naman ay dadagdag pa ang mga bayarin na nagpapabigat sa bulsa. Tulad
ngayon, malapit na naman ang exam kaya marami na namang kailangang gawin, pero normal lang naman
yan dahil lahat yan ay talagang mararanasan sa kolehiyo. Naaalala ko noong unang semestre, kapag
nahuli ka ng kahit isang minuto sa pagpasa ng proyekto ay hindi na ito tatanggapin ng instructor, wala
naman tayong magagawa dahil binigyan naman nila tayo ng oras at araw para tapusin iyon,

Sa kolehiyo, hindi rin nawawala ang pangongopya, nandyan pa rin ang lumiliban sa klase dahil sa
tamad nang pumasok, Marami siguro silang pang bayad, kaya ganoon. Ang iba naman lumiliban dahil sa
paglalaro ng mga Online Games, Ang gumagawa lang ng mga ganoong bagay ay mga estudyanteng
tamad at hindi nagseseryoso, binabalewala nila ang paghihirap ng kanilang mga magulang para lang
makapag-aral sila, Mayroon din akong pinsang ganyan, hindi naman sila mayaman pero ewan ko ba't hindi
siya nagseseryoso sa kanyang pag-aaral, kaya hindi nagtagal ay pinahinto na lamang siya. Hindi rin
nawawala ang mga ligawan, mayroon pang mga naglalakad na nakaholding hands at pa sway-sway pa.
Mayroon ding mga nag-aasawa o nabubuntis nang maaga dahil siguro sa sobrang pagmamahal.

Sa buhay kolehiyo ay hindi lang puro hirap sa pag-aaral, nandyan pa rin ang kasiyahan. Hindi rin
nawawala sa barkada ang gumimik, pero minsan lang naman kung baga konting pagliliwaliw, Masaya rin
kapag pati ang instructor ay kasama sa lokohan, at kapag may tour ang buong klase, maraming bagay ang
masasaya at lahat ay nagkakasundo.

Kailangan lang natin ng pagsisikap, maging masipag na estudyante, may determinasyon dahil mas
masarap pa rin sa pakiramdam kapag natapos mo ang ilang taong pag-aaral mo sa kolehiyo, iyon bang
aakyat ka sa stage at pinagmamalaki ng magulang. Para sa akin ang makapagtapos sa kolehiyo ay isang
malaking pangarap, pangarap ko at pangarap ng ating mga magulang. Sila ang walang sawang
sumusuporta at gumagabay na walang ibang hiniling kundi ang mabigyan tayo ng magandang
kinabukasan. Ang pagiging kolehiyo'y mahirap pero masaya.

PAMANTAYAN SA PAGBIGKAS

Tinig 25%
Bigkas 25%
Kumpas 20%
Diin 25%
Tuon sa madla 5%

VIII. Takdang Aralin

Magbahagi ng limang pangungusap ng mga nais iparating ng talumpati.

Guro.... Kawani ng Bayan


ni. JAA

Sa mga panauhing pandangal, sa mga magulang, kaibigan at sa mga taong naririto ngayon,
magandang hapon sa inyong lahat.
Isang karangalan para sa akin na ako ay maimbitahan sa pagdiriwang na ito bilang isa sa mga
natatanging Lingkod-Kawaning taunang pagdiriwang ng Serbisyo Sibil.
Nagsimula ang aking laban sa mga taon ng aking paninilbihan bilang isang karaniwang guro dito sa
aking pinakamamahal na Unibersidad ang Pamaniasan ng Makati. Dito rin ako nagtapos ng aking Batsilyer
sa Kolehiyo at nasaksihan ko ang unti - unting pagbabago ng sistema ng pamamalakad gayundin ang
pagbabagong naganap sa pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ako ay naging buhay na saksi kung paano hinubog at binigyang tuon ang mga programang
inilunsad ng bawat kolehiyo sa pamantasang ito.

Taong 2007, nang ako ay nagtapos at nakipagsapalaran sa ibat ibang paaralan upang maibahagi
ang aking mga natutunan sa aking unibersidad na minamahal. Sa aking pakikipagsapalaran sa labas,
natutunan ko ang pakikisalamuha sa iba't ibang tao at pakikipagpalitan ng kaalaman sa mga taong aking
nakasalamuha. Naging hamon sa akin ang mga pagsubok ng mga mag-aaral na naging bahagi ng aking

RETORIKA- FIL 2 Pahina 5 | 6


pagtuturo at karanasan. Nakita ko ang ibat ibang katauhan ng mga mag-aaral mula sa mga promenenteng
pamilya hanggang sa mga mihihirap na pamilya. Masaya at malungkot ang buhay ng isang guro sapagkat
kaakibat nito ang isang responsibilidad na paglilingkuran mo nang buong katapatan ang mga taong
maniniwala at magtitiwala Sa iyo na ang kanilang mga anak ay may matututunan sa iyo bilang guro.
Kaakibat ng responsibilidad na ito na akayin at sawatahin ang mga mag-aaral na naliligaw sa tinatahak
nilang landas. Hindi lamang pagiging guro ang tangi mong responsibilidad Dagkus tayo na rin ang
pangalawa nilang magulang na magpapa-alala ng kanilang tungkulin at gampanin at ipakita ang realidad ng
buhay gayundin ang kahalagahan ng edukasyon.
Ang Duhay guro ay masalimuot ngunit kung nasa puso mo ang pagtuturo at pagmamahal sa iyong
kapwa, sa mag-aaral at Sa mga taong nakapalibot sa iyo ang ldnat ng ito ay mapagtatagumpayan mo.
Minsan akong nangarap, nabigo at muling dngarap at sa pangarap na ito ay aking kinapitan at
napagtagumpayan sa tulong ng laykapal. Isaisip na ikaw lamang ay Isang kasangkapan ng maylikha,
tanggapin ang panibagong hamon ng kasalukuyan at lumaban ka sa abot ng iyong makakaya, huwag
mong hayaang kainin ka ng isang maling sistema at magpatuloy ka sa paghasik ng mga kaalamang
ibabahagi sa mga mag-aaral na gutom sa kaalaman. Maging modelo ka sa kanilang paningin at. sa dulo ng
iyong paglalakbay taas noo mong masasabing Panginoon naganap na... naganap na ang iyong inatang sa
akin" at masasabi mo sa iyong sarili.... Ako ay isang guro buong puso kong pinaglingkuran ang aking bayan
at wala ang mga taong iyan kung hindi dahil sa akin at sa mga kasama kong guro.

Maraming salamat po.

RETORIKA- FIL 2 Pahina 6 | 6

You might also like