You are on page 1of 4

Komunikasyon

Gamit ng Wika sa Lipunan


Isang liham na isinulat ni

Patricia Mula
ng STEM 11-10
Magandang araw! Ako si

Patricia Mula
Isang mag-aaral ng Palawan National School na
handang maghatid ng kaalaman para sa inyo! Huwag
mahihiyang magtanong dahil sasagutin ko kayo nang
walang pag-aalinlangan at sa aking makakaya.
Maraming Salamat!
Para sa mga mag-aaral,
Magandang araw sa iyo! Ako si Patricia Gabriell Mula ng Palawan National School. Nais ko
maghatid ng mga kaalamang aking natutunan sa iyo mula sa aming aralin sa asignaturang
komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Ito ay patungkol sa gamit ng wika sa ating
lipunan. Alam mo ba? Ang wika ay napakahalaga dahil isa itong instrumento upang maipahayag natin
ang ating damdamin, ang ating mga kaisipan, at para makipagtalastasan sa araw-araw na buhay. Sa
totoo lang, napakasuwerte nating mga tao dahil mayroon tayong kakayahang makipagtalastasan sa
araw-araw gamit ang iba't ibang wika na ating kinalikihan at kinasanayan hindi kagaya ng mga hayop
na hindi ito kaya at limitado lang din ang mga galaw. Ang wika na ginagamit natin sa araw-araw ay
nagpapabatid ng pinagmulan at pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino. Isa rin ito sa maituturing na
kayamanan sa ating bansa.

Maliban sa mga iyan, nais ko ring ipabatid sa inyo ang "Explorations in the Functions of
Language" na kung saan binigyang diin ni Michael Alexander Kirkwood Halliday o M.A.K. Halliday ang
pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Una rito ang
tinatawag na instrumental. Ito ang tungkulin ng wika na kung saan ginagamit sa pagtugon sa mga
pangangailangan, at nagagamit ito sa pakikipag-usap o pag-uutos. Ang pangalawang tungkulin ay ang
regulatoryo na ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao, Sunod dito ay ang
interaksyonal. Ito ay ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng
relasyong sosyal sa kapwa tao. Ang pang-apat na tungkulin ay ang personal na kung saan ang wika ay
ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon o damdamin ukol sa isang paksang pinag-uusapan.
Mayroon pang ibang tungkulin ng wika maliban sa mga nabanggit kong ito tulad ng imahinatibo at
heuristik. Maliban sa ambag ni Halliday, mayroon din si Jakobson ng taong 2003. Siya ay nagbahagi ng
anim na paraan ng pagbabahagi ng wika. Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin, panghihikayat,
pagsisimula ng pakikipag-ugnayan, pagamit bilang sanggunian ito’y pagpapakita na ang gamit ng
wikang galing sa aklat at iba pang sanggunian, paggamit ng kuro-kuro at ang patalinhaga o gamit ng
wika sa masining na paraan.

Iilan lang iyan sa aking mga natutunan sa nakaraan naming talakayan. Dito ko napatunayan
na ang paggamit ng ating wika ay hindi dapat isinasawalang bahala. Sa madaling salita, ito ay
napakaimportante sa ating mga sarili lalong lalo na sa ating lipunan, Kaya kayong mga mag-aaral,
huwag na huwag ninyong kalilimutan ang halaga nito, gaya ng pagkalimot niya sa'kin, charot.
Hinahikayat ko kayong lahat na tandaan ang mga gampanin at gamit ng wika sa lipunan dahil ito ang
susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Iyon lamang, nawa'y marami kang natutunan sa aking liham na
ito at sana'y maipabatid mo rin sa iba ang mga aral na iyong natutunan. Maraming salamat sa iyo!
Nawa'y pagpalain ka ng Diyos.

Nagmamahal,
Patricia Mula

You might also like