You are on page 1of 2

Kalikasan at Gampanin ng Wika

Sa unang dalawang aralin na aming tinalakay na hinggil sa kalikasan at gampanin ng wika, nalaman

ko na ang pagkakaiba ng teoryang wika ay sa bawat teorya ay nakabase sa kung anong lengwahe o

ginagawa ng ating katawan. Dito ko rin nalaman na ang bawat wika ay nakabatay sa kaniyang

kultura at ang wikang Filipino ay napakahalaga sa bawat Pilipino dahil nagiging daan ito upang

tayo ay makapag-usap at kung paano natin naisasaad ang bawat kilos. kapag nais natin matutuhan

ang iba’t ibang wika, kailangan rin nating pag-aralan ang iba’t-ibang wika dahil sa kanilang galaw

rin natin nakikilala ang bawat kultura ng bawat lugar o bansa kagaya ng ginawa ni Rizal na

kaniyang pinag-aralan ang ibang wika. Ang wika rin ay makatutulong sa atin dahil ito ay

magagamit natin sa magagandang salita o sa maayos na paggawa, Dahil sa ating wika natutunan

nating makipag kapwa tao. nagkakaroon tayo ng pagkakaisa at magandang ugnayan sa isa’t-isa ang

bawat Pilipino dahil sa wikang ginagamit natin. dahil ang wika din ang nakapagtatag sa ating

relasyon at nagpapahayag ng bawat opinyon o sariling damdamin ng bawat tao. Dahil ang wika ay

nagsilbing instrumento sa bawat tao, nagpapalawak ng kaalaman, nagbubuklod ng bansa,

nagkakaroon ng pagiisa ang iisang lipunan. Ang tungkulin ng wikang Filipino ay sinasalamin nito

ang bawat kultura natin. Maari ko itong ilapat sa aking sarili dahil bilang indibwal maari kong

ipahayag ang aking hangarin at naisin sa buhay dahil mayroong malaking epekto sa akin kagaya ng

aking pampersonal na kasiyahan dahil nagbibigay sa atin ng kaligayahan dahil lahat ng bagay ay

binubuhay ng lingwahe. At bilang isang indibidwal mahalaga ang wika sa sarili dahil isa rin ang

wika sa nakakapag buo ng bawat salita dahil nagkakaroon tayo ng kaalaman tungkol dito. Sa

paggamit ng bawat salita kinakailangan kong mag-ingat sa bawat sasabihin dahil maari akong

makasakit ng damdamin ng tao. Bilang isang Pilipino maari kong isabuhay ang aking natutunan na

pag-aralan ang ibang wika upang malaman at makasabay ako sa kanilang kultura. Dahil ako bilang
isang Pilipino patuloy kung ipagmamalaki at minamahal ang aking wika dahil kung hindi dahil sa

wikang ito hindi ako magkakaroon ng kaibigan o hindi ako makakapag-kumunikasyon sa ibang tao,

at isa din dahil bilang isang Pilipino ito ang ating kinagisnan o una nating kinamulatang wika. Sa

bawat aking natutunan na mga salita kagaya ng sinabi ni Dra. Victoria Ramos na “hindi tayo

magiging isang magaling sa lengwahe kung hindi natin matutuhan o mapag-aaralan.” Na naiugnay

sa sinabi ni Santos, Maari ko itong ibahagi sa aking magiging estudyante, Dahil bilang isang guro

kailangan kong matutunan din nila ang kahalagahan ng Wika at nais ko rin na mapaibig o

mapamahal ang bawat estudyante sa paksang Filipino, at upang mahalin din ang ating wika.

Karagdagan sa aking kaalaman kapag ako’y naging guro sa hinaharap nais kong maibahagi din sa

mga estudyante na ang paksang Filipino ay hindi lang basta Paksa kundi isa rin ito sa nagbibigay

buhay sa ating mga Pilipino dahil ang bawat salita na ating ginagamit ay nanggaling sa ating wikang

pinagmulan na mula sa bawat kultura at ito rin ay nakatutulong sa ating lipunan ang wika dahil

nakapagbibigay ito sa atin ng mabuting ugnayan sa bawat tao.

You might also like