You are on page 1of 2

Glemar Tombo Banteles BSED-FIL3A FILI111

1. Ano ang kaibahan ng varayti at varasyon?

Sa tanong na ito ay akoy nalilito sa pagitan ng kaibahan ng varayti at varasyon


ngunit batay sa aking nabasa tungkol sa varayti at varasyon. Masasabi natin na varayti
ito ay tumutukoy sa pagkakaiba ng wika sapagkat at ang wika ay may ibat-ibang varayti
na dapat nating malaman kung ano ang mga ito dahil ang bawat ay ating magamit para
sa pakikipagtalastasan natin kung saan man tayo pupunta kaya ito ay tinatawag na
varayti. Sa pagitan naman ng salitang varasyon sa aking pagkakaalam ito ay isang
varasyon na tumutukoy sa iba-ibat ibang wika ayon sa paggamit ng tao nito dahil sa
kanilang paniniwala at pagbabago ng kultura at wikang kanilang ginagamit. Yan ang
kaibahan ng varayti at varasyon, sa aking inaasahan sa asignaturang ito na aking pang
mas malaman kung ano pa ang ibang kahulugan at paliwanag sa kaibahan nito. Kaya
mahalaga ang pagkatuto sa varayti at varasyon tungo sa ating wika at kultura.

2. Paano nagkaroon ng varayti ng wika?

Alam naman natin na ang varayti ay patungkol sa iba’t-ibang wika sapagkat itoy
may pagkakaaiba ng bawat wika. Sa puntong ito paano nagkaroon ng varayti ng wika?
Nagkaroon ng varayti ng wika sapagkat alam naman natin na ang wika ay bahagi ng
ating kultura at kasaysayan sa ating lipunan. Itoy Nagkakaroon sapagkat may iba-iba
tayong varayti, itoy dahilan ng pagkakaroon ng pagkakaiba ng uri sa ating lugar na ating
ginagalawan , sa antas ng edukasyon at marami pang pagkakataon lalong-lalo na sa
ating kinabibilangang grupo sa ating kommunidad. Dahilan ng pagkakaiba ng wika o
tinatawag itong heterogenous batay sa aking pananaliksik sa internet kaya nagkaroon
ng barayti ang wika.
Kaya dahil dito sa pagkaroon ng varayti ng wika ating pag-aralan ng husto kung
ano ang mga ito, kaya akoy nagagalak at masisiyahan sa inaasahang paksa na
tatalakayin patungkol sa varayti ng wika. Pahalagahan natin ang sariling atin sapagkat
itoy magbubuklod sa ating pagkakakilanlan.

3. Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit mahalagang matutunan ang varayti at


varasyon ng wika.

Sa aking pagkakaalam ang asignaturang ito ay medyo mahirap at hindi madaling pag-
aralan kinakailangan ng masusing pag-aaral para mas maintindihan ng husto ang
paksang tatalakayin sa asignaturang ito.
Ang unang dahilan kaya mahalagang ating pag-aralan at matutunan ang varayti
at varasyon ng wika ay pagkakaroon ng kaalaman sa ibat-ibang wika. Dahil mahalagang
ating malaman ang mga ito dahil sa ideyang mabuo at malaman ang bawat wika na may
kahalagahan tungo sa ating pagkatuto. Pangalawa, ay sa pamaagitan ng pag-aaral nito
ay ating itong magamit ng husto sa pakikipagsapalaran sa iba. Dahil dito malaman natin
ang pagbibigay diin sa tamang paggamit ng wika at ating maintindihan ang wika ng
bawat isa kaya mahalaga na itoy ating matutunan para sa ating wastong kaalam.
Pangatlo, ay ang magkakaroon tayo ng pagkakaisa at pag-unawa, dahil sa varayti at
varasyon ng wika ay magkakaroon tayo ng pagkakaisa tungkol sa ideya at paksang
ating gagamitin , magkaroon tayo ng kaisahan at umintindi sa bawat isa kaya ang mga
ito ay talagang napakahalaga na ating matutunan. Ang varayti at varasyon ay daan
tungo sa mabisang pakikipagtalastasan natin sa iba-ibang wikang ating ginamit at dahil
dito may pagkakaisa ang bawat tao.
Sa huli kinakailangan natin ng motibasyon para sa pagpapatibay ng ating isipan
tungkol sa varayti at varasyon ng wika. Ang wika at kultura ay magkabuhol at bilang
isang mag-aaral sa Filipino hindi man gaano kagaling ngunit aking ibigay ang
pagmamahal ko sa sariling wika sa pamamagitan ng pag-aaral ng may pagtangi sa ating
wika.

You might also like