You are on page 1of 1

PAGSASANAY # 1

MGA SAGOT:

1. Para sa akin, ang wika ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar o bansa, ginagamit natin
ang wika upang makipag usap o makipag-ugnayan sa ating kapwa. Wika ang dahilan kung bakit
tayo nagkakaintindihan at nagkakaisa. Kung walang wika mag dudulot ito ng kaguluhan at hindi
pagkakaintindihan. Kahit na may pagkakaiba-iba ang mga wikang ating ginagamit hindi ito
hadlang sa ating pakikipag-ugnayan dahil ang bawat tao ay may kakayahan na aralin at
maunawaan ito habang tumatagal.

2. Ayon sa teoryang tore ng babel nagkaiba-iba ang wika ng bawat isa dahil noong unang
panahon naghangad ang mga tao na mahigitan ang kapangyarihan ng Diyos, nag ambisyon ang
mga tao na maabot ang langit at nagtayo sila ng tore na pagkataas-taas ngunit pinatunayan ng
Diyos na siya lang ang makapangyarihan, Ginawang magkakaiba ang wika, hindi na sila
magkaintindihan at naghiwalay-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. Sa akin naming palagay,
magkakaiba tayo ng wika dahil magkakaiba tayo ng pinanggalingan o pinagmulan, kung ano ang
wikang ginagamit sa lokasyon o lugar na ating kinalakihan ito ang wikang ating unang malalaman
at mauunawaan.

3. Bagaman sinasabi na ang wika ay binubuo ng mga tunog, Sa aking palagay, hindi pa rin natin
maituturing na isang tunay na wika ang tunog ng hayop na naririnig natin sa ating kapaligiran
dahil wala itong kahulugan, hindi ito ginagamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan o pakikipag-
ugnyan dahil hindi naman natin ito maiintindihan. Oo, maaari nating sabihin na ang tunog ng
hayop ay wikang kanilang ginagamit na nagsisilbing paraan upang makipag-ugnyan sa iba pang
hayop ngunit hindi para sa ating mga tao.

4. Opo, magkaugnay ang wika at kultura dahil ang wika ay parte rin ng isang kultura, masasabi
nating sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lugar o bansa. Hindi natin masasabing maunlad
ang isang kultura ng isang lugar kung wala itong wika dahil wika ang nagsisilbing tulay upang
mapagyabong at mapagyaman pa natin ang ating kultura. Sa pamamagitan din ng pag gamit ng
wika naipapahayag natin ang sarili nating opinyon at dahil dito mas nagkakaunawaan at
nagkakaintindihan ang bawat tao sa isang lipunan na sumisimbolo sa masaya at mayaman na
kultura.

You might also like