You are on page 1of 3

GUMERA, JOHN CARLO B.

BSHM 3-B

1. KAHULUGAN NG WIKA

 Ito ay hinango sa salitang Latin na “Lingua” na kung saan nangangahulugang “dila” at


“wika”
 Ito ay katumbas ng Lengguwahe na Language sa Wikang Ingles
 Ang wika ay pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kaniyang pakikipatalastasan.
 Simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao ang
paghahatid ng anumang mensahe.
 Ito ay susi upang magkaintindihan o magkaunawan ang tao.

 Ayon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistemang komunkasyon sa pagitan ng mga
tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
 Ayon naman kay Archibald A. Hill sa kaniyang papel na “What is Language?” na kung
saan Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao.
 Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura.
 Ayon kina Paz, et. Al. (2003), ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at
mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin.
 Ayon kay Charles Darwin, ang wika ay isang sining na tulad ng paggawa ng serbesa o
pabi-bake ng keyk, o ng pagsusulat.
 Ayon sa Cambridge Dictionary, ang wika ay isang sistema ng komunikasyong
nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng
mga mamamayan ng isang bayan o sa iba’t ibang uri ng Gawain.

2. KATANGIAN NG WIKA

Ang wika ay sistemang balangkas.


 Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na
balangkas. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.
 Ponema- tawag sa makahulugang tunog.
 Ponolohiya-tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga tunog.
Kapag ang mga ponemang ito ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit
Na yunit ng salita na tinatawag na morpema.

 Ang Morpemang mabubuo ay maaaring isang salitang-ugat, panlapi o


morpemang ponemang /a/na sa wika natin ay nagpapahiwatig na babae at
kapag /o/ naman ito’y nagpapahiwatig na lalaki.

1
 Morpolohiya naman ang tawag sa makaagham nap ag-aaral ng mga
morpema.Kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay, maaari na tayong
makabuo ng mga pangungusap.Sintaksis naman ang tawag sa makaagham
na pag-aaral ng mga pangungusap. Diskurso naman ang tawag sa
pagkakaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawang
tao o higit pang tao.

Ang wika ay sinasalitang tunog,

Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
Pinakamakahulugang tunog na nililikha ng tao ay kasangkapan ng komunikasyon sa halos
lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita.

Samakatuwid ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na


nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya,
nagdaraan sa pumapalag na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at minomodify ng
resonador.

Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema.


Ang wikang Filipino ay may 21 ponemang napapangkat sa 2 mga ponemang patinig at
ponemang katinig.

 Ponemang patinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng posisyon ng dila sa


pagbigkas ng mga ito at sa kung saang bahagi ng dila nagaganap ang
pagbigkas ng bawat isa.

 Ponemang katinig ay mailalarawan sa pamamagitan ng punto ng


artikulasyon o kung saang bahagi isinasagawa ang pagbigkas ng ponema at
sa paraan ng artikulasyon o paraan ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas
ng ponema at kung ang paraan ng artikulasyon ng bawat isa ay may tunog o
wala.

Ang wika ay pinipili at isinasaayos.


 Pinipili nating ang wikang ating gagamitin.

Ang wika ay arbitraryo.


 Ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit
ng wika na ikinaiiba nila sa iba png komunidad, bawat indibidwal ay
nakadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiba sa iba pa
dahil may sariling katangian.

Ang wika ay ginagamit.


 Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon kay kailangang patuloy itong
gianagamit.
2
Ang wika ay nakabatay sa kultura.
 Iba-iba ang kultura kaya iba-iba rin ang wika.

Ang wika ay nagbabago/dinamiko


 Dinamik ang wika. Hindi ito maaring tumangging magbago.
 Ang wika ay buhay at patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang
pamumuhay ng tao at inaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng
agham at teknolohiya

Ang wika ay malikhain


 May kakayahan ang anomang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng
pangungusap. Ang isang taong maalam sa isang wika ay nakapagsasalita at
makabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng anomang narinig o nabasang
pahayag. Habang patuloy itong ginagamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila
ng bagong pahayag.

3. KAHALAGAHAN NG WIKA

Instrumento ng Komunikasyon
Ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
 Micro Level – nagkakaunawaan ang dalawang tao sa pamamagitan ng epektibong
paggamit ng wika
 Macro Level – nakakapag-ugnayan ang mga bansa dahil sa wika

Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman


 Naisasalin sa ibang saling-lahi at napakikinabangan ng ibang lahi ang maraming
kaalaman dahil sa wika.

Nagbubuklod ng Bansa
 Maaaring gamitin ang wika upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning
pagpapalaya.

Luminilinang ng Malikhaing Kaisipan


 Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa
pelikula na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan kung gumana at lumikha
ng imahinasyon, at kung gayo’y nalilinang an gating malikhang pag-iisip.

You might also like