You are on page 1of 3

ABORDO, KATRINA L.

BSA3B

Sa paksang patungkol sa retorika ay marami akong natutunan at napulot na aral sa aming guro
dahil naipaliwanag niya ito nang mahusay at nagbigay ng halimbawa, at sitwasyon na susuporta sa
paksang tinalakay. Sa paksang ito, nalaman ko ang kahalagahan nang paggamit ng retorika sa
pakikipagtalakayan sa ibang tao. Sa tulong ng retorika, malaya natin maipapahayag ang ating saloobin
gamit ang mahusay na paggamit ng salita sa anyong pasalita man o pasulat. Sa paksang ito, nalaman ko
rin ang pinagmulan at kasaysayan ng retorika kung saan ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na
may pagpapakahulugan na “guro” at “mananalumpati”. Sa pag-usbong ng retorika sa atin, ay napatunayan
ko na nakatutulong ito sa ating pakikipag-komunikasyon sa iba’t-ibang tao dahil sa layunin nitong
maipabatid ang ating nais sabihin sa nararapat na paraan na ginagamitan ng wastong baryasyon ng salita o
wika. Sa aking pangkabuuan reaksyon sa nasabing paksa, ay kamangha mangha ang ating kultura, wika at
impluwensiya nito sa atin, dahil tunay na sumasalamin ito sa ating buhay, nagagamit ang retorika sa kahit
anyo. Ilan sa mga halimbawa na lang nito ay sa paggawa ng tula, musika, pahayagan ating nababasa,
balitang napapanood natin sa telebisyon at marami pang iba. Sa paggamit ng retorika, mas naiaangkop
natin ang nais natin sabihin. Mahalin natin ito at pagyamanin at gamitin natin ito sa tamang paraan.
ABORDO, KATRINA L.

BSA3B

Sa paksang ito at sa aking pakikinig sa paksang wika lubos ko nalaman ang mas malalim na
kahulugan ng wika na kung saan ito ay pumapatungkol sa isang pagpapahayag ng mga ideya o kaisipan sa
pamamagitan ng pagsama-sama ng mga makahulugang tunog upang makabuo ng salita o pangungusap.
Pinagkakaisa tayo ng wikang ginagamit, ano man ang ating pinagmulan, saan lugar man tayo pinanganak,
at ano man ang antas ng ating pamumuhay. Sa paksang ito, nalaman ko rin ang iba’t-ibang antas ng wika
na kadalasan ginagamit natin ito, dahil ito na ang ating kinagisnan natin at ito ang napapanahon. Sa tulong
din ng paksang ito, nabigyan ako ng bagong ideya dahil nagkaroon ng paghahalimbawa ang aking mga
kaklase sa kanilang wika na ginagamit sa probinsya na iba ang tawag dito sa atin. Gayundin, sakop din ng
paksang ito ang patungkol sa pagpapatupad ng wikang pambansa ang Filipino dito sa Pilipinas para mas
lalo natin maunawaan ang isa’t-isa at maging bantayan ng pakikipag-usap ng bawat isa sa bansa. Ang
wikang Filipino ang siyang nagsilbing tulay sa pakikipag-komunikasyon, iba man ang kinalakihang
wikang sinalita, at iba man ang lugar na pinanganakan. Sa aking pangkabuuan reaksyon, pinagbubuklod
tayo ng wika natin at tinulungan tayo sa ating pangangailangan, pagpapahayag ng saloobin, at marami
pang iba.

You might also like