You are on page 1of 12

MGA KONSEPTO At TEORYA: WIKANG PAMBANSA At BARAYTI At

BARYASYON Ng WIKA
•WIKANG FILIPINO BILANG KONSEPTO
Ang konsepto ay isang sariling kaalaman ng tao na nilikha sa pamamagitan ng pag iisip.
Ito ay kadalasang nabubuo dahil sa malalim na pag-iisip at nakukuha din ito sa iba't ibang bagay
at karanasan.
" Gaya nga ng nasabi nabubuo ang konsepto dahil sa likas na malikhain ang isip ng tao.
Walang hangganan ang pag-iisip ng mga ideya at mga kahulugan ng isang ideya.
Pamela Constantino
• Tagalog,Filipino, Filipino
• Esensiya ng wikang Filipino
• Politikal ang pangunahing dahilan ng pagbabago ng wikang Filipino
" Ang Tagalog ay I sa sa mga diyalekto na umiiral sa Pilipinas, ang Pilipino namn ay tawag
sa mga mamamayan na nakatira sa bansang Pilipinas samantalang ang Filipino namn ay tawag sa
Pambansang Wika natin."
"Isang halimbawa ay sa mga pahayagan o dyaryo kung ating titingnan at babasahin kapag
tinukoy ang mga mamamayan ng Pilipinas ang kanilang ginagamit ay Filipinos Bakit Filipino?
Hindi ba't ang tawag sa mamamayan ay Pilipino.
"Esensiya ng Wikang Filipino sa kanila ng pagbabago sa tawag dito. Dumaan ito sa
maraming paglinang, pagsubok, proseso, pag-aaral hanggang sa naging Saligang Batas
"Ating mapupuna na ang konsepto ng Wikang Filipino ay Hindi malinaw sa marami kulang
sa diseminasyon ng impormasyon at implementasyon ng tiyak na paggamit.
" Ito ay may bahid ng politikal dahil sa pag pili pa lamang ng ay nagkaroon ito ng isyung
anlipunan. May rehiyon na hindi sumasang ayon sa naging desisyon hanggang sa naging politikal
na ang usapan.
Konseptwal na batayan ng Filipino
• Isang ideya o abstraktong prinsipyo kaugnay ng isang particular na paksa o pananaw sa paksa.
• Isang pahayag na nagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o ekspresyon.
• Lingua franca at dayalekto.
Lingua franca
Ang Lingua Franca ay isang uri ng diyalekto na ginagamit ng mga indibidwal na mayroong
mga wikang pangunahin na nagkakaiba-iba.
"Sa kabuuan papasok ngayon ang konsepto ng Lingua Franca at diyalekto, kung titingnan
natin bilang konseptwal na batayan ay magkakaroon tayo ngayon ng pagkaka ugnay ng dalawa."
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA: Kasaysayan, Teorya, at Praktika.
KASAYSAYAN-
Ang paniniwala noong unang panahon naang wika ay Isang biyayang nagmumula sa langit,
mula sa Diyos. Pinaniniwalaan ng mga kontemporaryong pantas lalo na ang emperisista at
rasyonalista na ang wika ay inembento ng tao para maging paraan ng mga paglipat ng kaalaman.
Paliwang - Pinaniniwalaang ang wika ay nagmula sa diyos at naniniwala ang mga
emperesista at rasyonalista na ang wika ay ginawa upang maging paraan ng paglipat ng kaalaman.
Ayon Kay Sausure (1916) na nakabatay ang pagkakaroon ng barayti at baryasyon ng wika sa
paniniwalang ang wika ay heterogenous. Ayon naman kay Bloomfield dala ng magkakaibang
pangkat ng tao na may ibat ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain at pinag aralan ang barayti
ng wika. Sa pamamagitan ng wika ay nakakapagpasa tayo ng kaalaman at ito ay nagagamit natin
sa pang araw-araw na pakikipag komunikasyon. Kayat napakahalaga ng wika dahil ito Ang
nagiging gabay upang mapagisa tayong lahat.
Ang progreso ay kaugnay Ng sibilisasyon na may kinalaman rin sa pagdevelop Ng kultura.
Paliwanag - Habang umuunlad ang wika ay nadedebelop ang din Ang ating kultura
sapagkat ang wika at kultura ay magkabuhol at magkaugnay sapagkat di uunlad ang wika kung
walang kultura at di uunlad ang kultura kung walang wika. Sa pamamagitan din ng ating wika
ang kultura ay atin pang napapaunlad at nalilinang.
Ang kultura ay hango sa tao at nag pagpahayag ng naturang kultura Ng Isang partikular na
espiritu ( Volkgeist) ng mga taong kabilang sa isang lipunan.
Paliwanag - Ang kultura ay hango o galing sa tao at ang kultura ang nagpapahayag sa ating
pagkakakilanlan at identidad kung saan tayo nagmula o kabilang na lipunan.
Ang kultura ay nangangailangan ng Integrasyon at Interdependence, at itoy nagiging
komplikado at lumalawak habang ito ay nagpoprogreso.
Paliwanag - kinakailangan ng Integrasyon at Interdependence ibigsabihin kailangan ng
pagsasamasama ng mga tao at pagtutulongan para itoy mapaunlad at mapalawak .
Bunga ng pagkakaiba-iba ng pagtingin ,pananaw at saloobin Ng mga tao sa Isang lipunan
Ang di pagkakapantay- pantay ng wika kaya nagkaroon Ng wika at tagapagsalitang Superyor/
Inferyor, Sibilisado/ Barbaro, Edukado/Di- edukado.
Ang ikalawang school of thought naman ay ang Language Universals na galing sa iisang
orihinal na wika ang lahat ng wika sa mundo at itoy pinangunahan ng Port Royal School.
Sa gitna ng mga pagkakaiba - iba sa mga wika dahil sa pagkakaiba iba ng mga gawain at
tungkulin sa lipunan, kinailangan ng isang estado na magbibigay kaayusan sa lipunan sa
pamamagitan ng mga batas at institusyong magsasagawa ng mga ito.
Ito ang dahilan kung bakit itinaguyod ng Indonesia noong 1927 Ang ideolohiyang
Bbinneka Tunggal Ika ( Pagkakaisa sa Pagkakaiba) para sa kanilang bansa kaugnay ng
pagkahirang ng Bahasa Indonesia bilang pambansang wika.
Ganito rin Ang naging gabay Ng mga tagapagtaguyod Ng wikang pambansa sa Pilipinas
sa pamamagitan ng slogang " Isang Bansa, Isang Diwa, Isang wika.
TEORYA
Teoryang Sosyolinggwistiks
Ang mga pangunahing teorya sa sosyolinggwistiks ay ang pagpapalagay na ang wika ay
panlipunan at ang speech ay pang indibidwal ang wika ay binubuo ng signifayer at signifayd, ang
wika bilang heterogeno; ang paghati sa dalawang dimensyon ng varyabilidad ng wika sa
heograpiko at sosyal na dimensyon; atbp.
( Ang wika bilang panlipunan at ang speech o language bilang pang- indibidwal ayon kay
Sapir na ang wika ay hindi iiral kung wala ang mga redasyong sosyal ayon naman kay Saussure
ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita umiiral alng ito sa loob ng isang kolektibo)

TEORYANG SOSYOLINGGWISTIKO
Sapir 1949 - ang wika ay panglipunan at pang- indibidwal
Ayon din kay Saussure; ang wika ay binubuo ng:
Signifayer (language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pang wika na nagbibigay
ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan
Signifayd (parole) na ginagamit sa pagsasalita
(Ang wika ay heterogeno ang iba't ibang anyo ng wika ay galing sa iba't ibang mga factor
sa lipunan)

TEORYANG AKOMODASYON
Howard Giles 1982
-Nakapokus ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika
(Mayroong dalawang teorya ng akomodasyon si Howard Giles ito ay ang lingguistic
convergence at lingguistic divergence sa SLA o Second Language Acquisition)
Linguistic Convergence
Ipinapakita na sa mga interaksyon ng mga tao nagkakaroon ng tendensiya na gumaya at
bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pagkakaisa, pakikisama at
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo
( Ang isang taong sumasailalim sa SLA ay may tendensi na gumaya o bumagay sa
pagsasalita ng kanyang kausap upang bumagay makipagpalagayloob, makisama, makilahok, at
magmalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Ito ay lingguistic convergence.)
Linguistic Divergence
Pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap upang ipakita ang pagiging iba at di pakikiisa at
pagkakaroon ng sariling identidad
(Samantala dito naman ang isang taong sumasailalim sa SLA naman ay minsang pipiliting
ibahin ang pananalita sa kausap upang ipakita o ipahayag ang pagkakaiba, di-pakikiisa o lalong
paggigiit sa sariling kakayahan at idedtidad.)

TEORYANG SOSYOLINGGWISTIKO
Code-switching o palit coda
Gumagamit ang nagsasalita ng iba't ibang varayti ayon sa sitwasyon o okasyon
Halimbawa:"O, how sungit naman!"
(Ito din at tinatawag na conversational code switching kung saan ang nagsasalita ay
gumagamit ng iba't ibang varayti o code sa isang pangungusap, paghahalo ng Ingles at Filipino.)
Conversational code switching
Ang nagsasalita ay gumagamit ng ibang vayti o code sa iisang pangungusap naghalo ang
ingles at filipino
Halimbawa: Hamburger, taco atbp
(Isa pang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti sa paraang ito ang isang salita o
higit pa ay hinihiram mula sa isang varyti tungk sa isa pang varayti dahil walang katumbas ang
mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita.)
Lexical Borrowing
Isang paraan na pinaghahaluhalo ang mga varayti ang panghihiram. Sa paraang ito,
hinihiram ang isang salita o higit pa mula sa isang varayti dahil ginagamit ng nagsasalita.
Mahahalimbawa ang pangalan ng pagkain at teknolohiya na narito ngayon sa ating bansa na may
kultura g dala mula sa pinagmulan nito
Deficit Hypothesis
Sa pagkakaroon ng iba't ibang varayti/register/anyo ng wika nagresulta ito sa pananaw na
pagkakaroon ng herarkiya ng wika.(Bernstein 1972) Batay sa obserbasyon nya sa mga mag-aaral
sa elementarya sa ilang paaralan sa England england.
Magkakaiba ang katangian ng wika ng mga batang mula sa mahihirap na kalagayan.
(Ito ay batay sa mga obserbasyon ni Bernstein sa mga nag-aaral ng elementaya sa ilang
paaralan sa England nakita nya na may katangiang abstrak at nasusuri ang wika ng una detalyado
at deskriptibo naman sa pangalwa.)
Elaborated code
Katangiang masuri at abstrak
Restricted code
Ang wika ng una at detalyado at deskriptibo > Labov(1972) ang hindi pagsang-ayon >
konseptong varyabilidad
Sa paniniwala niya, natural na Phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at pagkakaroon
ng varayti ng isang wika.
Makabuluhan ang paniniwalang ito sa ating pagtuturo ng Filipino kaugnay ng iba pang
wika sa iba't ibang rehiyon.
TEORYANG AKOMODASYON
Interference Phenomenon
Ipinapakita ang pagkakaroon ng mga impluwensiya ng unang wika sa pagsasalita ng
Filipino ng mga kababayan natin sa iba't ibang rehiyon.
(Maibibigay ring halimbawa ang paggamit ng panlaping mag kahit na dapat gamitin ang
um sa dahilang walang um na panlapi sa Cebuano.
Halimbawa: Magkain tayo sahalip na kumain tayo.)
Interlanguage
Ay tinatawan na grammar o istruktura ( mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal
sa isip ng tao sa proseso ng pagkatuto nya ng pa galawang wika.
(Tandaan ang Filipino ay katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo katulad ng iba pang wikang buhay. Ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at di
katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyon sa
mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at
eskolaryong pagpapahayag sa larangan naman ng pagtuturo mahalaga ang pagkakaroon ng mga
mag-aaral at guro ng malinaw na pananaw tungkol sa konsepto ng barayti at baryasyon ng wika sa
gayon makikita ng mga mag-aaral na bawat grupo, komunidad at rehuyon na gumamit ng wika at
hindi iba o naiiba kundi kasali at kabahagi ng pambansang wika at kultura.)
PRAKTIKA
Ang praktika ng barayti at baryasyon ng wika ay may kinalaman sa pag-aaral at pag-unawa
sa iba't ibang anyo o anyo ng paggamit ng isang wika batay sa mga salik tulad ng lokasyon, sosyal
na katayuan, edad, kasarian, at iba pang kultural na konteksto. Narito ang ilang halimbawa ng
praktika ng barayti at baryasyon ng wika:
Ang praktika ay naglalayong maunwaan st maipakita ang ibat-ibang anyo ng wika na
umusbong mula sa kultural at sosyal na konteksto.
Mga halimbawa:
Barayti ng dayalekto
Ang dayalekto ay mga lokal na bersyon ng isang wika na may mga espesyal na salita, tono,
o istilo ng pagbigkas na natatangi sa tiyak na rehiyon. Halimbawa nito ay ang Tagalog na may
mga dayalekto tulad ng Batangueño, Bulakenyo, at mga dayalekto sa Visayas at Mindanao.
Ang barayti ng dayalekto ay nagbibigay ng pagkakakilanlan sa isang partikular na lugar o
kultura . Nagpapalakas ito ng ugnayan at pagkakaisa sa komunidad. Halimbawa; Dito sa pilipinas
ang paggamit ng ibat-ibang dayalekto tulad ng ilokano,cebuano, kapampangan nagpapakita ito ng
yaman ng kultura.
Halimbawa: chika sa luzon, kwentuhan sa visayas, storya naman sa mindanao.
BARYASYON SA EDUKASYON
Ang antas ng edukasyon ng isang tao ay maaaring magdulot ng pagkakaiba sa paggamit ng
wika. Ang mga taong may mataas na antas ng edukasyon ay maaaring gumamit ng mas
komplikadong bokabularyo at estruktura ng pangungusap kaysa sa mga hindi gaanong edukado.
Para mapanatili ang kultura at identidad ng isang lugar o komunidad para makatulong sa
mga magaaral tungkol sa anyo ng wika at kultura.
Halimbawa; Multilingual Education: Sa mga lugar na may maraming wika o diyalekto, ang mga
paaralan ay maaaring magkaroon ng multilingual na patakaran sa edukasyon kung saan ang mga
mag-aaral ay tinuturuan sa kanilang mga katutubong wika pati na rin sa pangunahing wika ng
bansa.
Halimbawa: sa Pilipinas, may mga paaralan na nagtuturo sa mga mag-aaral sa kanilang
katutubong wika (tulad ng Tagalog, Cebuano, Ilokano, at iba pa) habang nagbibigay din ng
pagtuturo sa wikang Filipino at Ingles.
SOSYO-EKONOMIKONG BARYASYON
Ang sosyo-ekonomikong kalagayan ng isang tao ay maaaring makaapekto sa kanilang
paggamit ng wika. Halimbawa, sa mga komunidad na may mataas na antas ng kahirapan, maaaring
may mga barayti ng wika na kaugnay sa kanilang kalagayan tulad ng salitang 'jejemon' sa Pilipinas.
Tungkol naman ito sa kaibahan ng lipunan at ekonomiya,nagpapakita ng pagkakaiba sa
yaman ,katayuan, pangangailangan ng tao.
Halimbawa; paggamit ng ibang tao sa wika batay sa kanilang antas ng edukasyon ,katayuan sa
lipunan at lokasyon.
BARAYTI SA PROPESYON
Ang mga propesyon o larangan ng trabaho ay maaaring magkaroon ng kani-kanilang
terminolohiya at estilo ng komunikasyon. Halimbawa, ang mga doktor, inhinyero, at abogado ay
maaaring gumamit ng mga teknikal na termino na hindi gaanong nauunawaan ng mga hindi
propesyonal sa kanilang larangan. Nagpapahayag ng terminolohiya ,konsepto, at paraan ng
pakikipagtalastasan.
Halimbawa; sa larangan ng medisina kailangan tama ang pagbibigay ng impormasyon sa
pagaalagang kalusugan ng isang tao.
BARAYTI SA MEDIA
Ang uri ng wika na ginagamit sa mga media ay maaaring magkaroon ng baryasyon. Ang
pormal na Filipino o Ingles ay karaniwang ginagamit sa pahayagan at balita habang ang mas casual
na wika ay madalas na narinig sa radyo o telebisyon.
Katulad ng pagkukwento sa mga isyu sa lipunan dapat maayos ito na ibabahagi sa ibang
tao.
BARYASON SA EDAD
Ang mga bata at matatanda ay maaaring gumamit ng iba't ibang bokabularyo, tono, at istilo
sa kanilang pag-uusap. Ang mga bagets ay maaaring gumamit ng mga salitang moderno at mga
istilong pananalita na hindi karaniwan sa mas matatanda.
Sa pakiki-pagkomunikasyon at pagunawa sa pagitan ng henerasyon .Pag papahayag ng
respeto at pag-galang.
Halimbawa; pakikipagusap natin sa mga nakakatanda diba ,pag gamit natin ng mga pormal na
salita tulad ng ''po at opo''.
SOSYAL NA WIKA
Maaaring magbago batay sa sosyal na katayuan ng isang tao. Halimbawa, maaaring
magkaroon ng mas formal na estilo ng pag-uusap sa mga pang-akademikong setting kumpara sa
mga impormal na pag-uusap sa mga kaibigan.
Sosyal na wika ginagamit par mapanatili ang ugnayan at pakikiisa sa loob ng isang
komunidado lipunan.
Halimbawa; Wika sa Edukasyon: Sa loob ng mga silid-aralan, guro at mag-aaral ay maaaring
gumamit ng mga espesyal na salita at terminolohiya na nauugnay sa mga paksa o larangang
kanilang pinag-aaralan. Halimbawa, sa larangan ng agham, ang mga mag-aaral at guro ay
gumagamit ng mga salitang tulad ng "hypothesis," "experiment," at "conclusion" sa kanilang mga
diskusyon.

Barayti Ng Wika
Dayalek
Ito ang barayti ng wikang ginagamit sa isang pangkat ng mga tao mula sa Isang partikular
na lugar, lalawigan, at bayan.
Halimbawa:
Tagalog - Mahal kita
Cebuano - Gihigugma tika
Waray - Higugmaon kita
Idyolek
Salitang nanggagaling mula sa mga sikat na personalidad na ginagamit sa araw-araw.
Halimbawa
Mike Enriquez - "Hindi namin kayo tatantanan"
Noli Decastro - " Magandang Gabi bayan"
Sosyolek
Paraan ng pagsasalita na umu-usbong sa panahon natin ngayon.
Halimbawa-
•Mga salitang kanto- repa
•Konyo - How much is this po!
•Millennial - Brb,Otw
•Jejemon - di2 na me
Ekolek
Mga salitang sa loob lamang ng tahanan o bahay limitado.
Halimbawa:
Mama
Papa
Bunso
Lababo
Banyo
Etnolek
Ito ay barayti ng wika na mula sa mga etnolinggwistikong pangkat o grupo.
Halimbawa
Bagnet
Palangga
Ambot
Creole
Paghahalo-halo Ng magkaibang wika tulad ng kastila at Tagalog.
Halimbawa:
Chavacano
Pidgin
Ito ay umu-usbong na bagong wika na tinatawag sa ingles na Nobody' s Native Language
o katutubong wika na di pag-aari ninuman. Ito din ay walang sinusunod na struktura.
Halimbawa:
•English Carabao
•Chinese na sumusubok mag tagalog
Register
Ito Ang barayti ng wika kung saan inaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit nya sa sitwasyon at kausap.
Halimbawa:
Field o larangan -
Medical Jargon
ER - Emergency Room
Embolism
Epidermis
BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA
Barayti at Baryasyon ng Wika - Bunga ng paniniwala ng mga lingguwistiko na ang wika
ay Heterogeneous o nagkakaiba-iba.
Baryasyon- tumutukoy sa pagbabago ng isang wika dulot ng Heograpikal, Sosyal, at
Okupasyonal na aspeto ng taong gumagamit nito.
Salik ng Baryasyon
1. Heograpikal
2. Morpolohikal
3. Ponolohikal
Heograpikal- Nagiging salik ang heograpiya dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago na nahahati
ng katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundukan, hindi maiwasang
makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay ang mga taong sama-samang naninirahan
sa isang partikular na pulo o lugar.
Halimbawa:
Ang “ibon” sa Filipino ay “langgam” naman sa Sinugbuanong Binisaya.
Ang “maganda”sa wikang Filipino ay “mahusay”sa Samar.
Sa Pangasinan, ang salitang “oras” ay “hugas” ang ibig sabihin sa Filipino.
Ang “baka” sa wikang Niponggo ay nangangahulugan ng “bobo”samantalang sa Filipino, ito ay
isang hayop.
Pansinin ang tumbasan ng mga salitang ito:
iniihaw = binabange
tagilid = tabinge
langgam = hantik/guyam
saranggola = papagayo/bulado
iimik = naghiso
Morpolohikal - Dahil iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang
paraan ng pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito.
Halimbawa:
Salitang ugat: bili
Panlapi: -um-
Nabuong salita: bumili (sa Ingles, to buy)
Salitang ugat: bili
Panlapi: mag-
Nabuong salita: magbili (sa Ingles, to sell)
Panlaping I- (unlapi) at -IN (hulapi).
Iba pang halimbawa
iluto lutuin
iihaw ihawin
iinit initin
igisa gisahin
1. Iakyat mo na sa maysakit ang kanyang hapunan.
2. Akyatin na natin ang mayamang mangangalakal mamayang gabi.
Ponolohikal - nagkakaroon ng pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ayon sa pangkat ng
mga taong gumagamit nito.
Halimbawa, sa Bisaya, nagkakapalitan ang bigkas ng /e/ at /i/ atng /o/ at /u/.
Maaaring ang maging bigkas ng isang Bisaya sa “pera” ay “pira,” ang“pitaka” ay “petaka,”ang
“kuya”ay “koya,”at ang “bola” ay “bula.”
Narito ang ilan pang halimbawa:
often \o-fen\ \of-ten\
Nike \Nayk\ \Nay-ki\
away \a-wey\ \a-way\
today \tu-dey\ \tu-day\
Porsche \Por-sha\ \Porsh\
Barayti- tumutukoy sa wika na resulta ng pagbabagong naganap sa isang wika. Ito ay sangay ng
isang wika na may ibang paraan ng paggamit, bigkas, bokabularyo atbp.
Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay permanente para
sa mga tagapagsalita o tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may
pagbabago sa sitwasyon ng pahayag.
Permanente:
Dayalekto
Idyolek
Pansamantala:
Register
Mode
Estilo
Ang permanente at pansamantala ay dalawang uri ng varayti ng wika na binigyang-diin ni
Cafford (1965). Ang permanente, tulad ng dayalekto at idyolek, ay nagtataglay ng mga hindi
nagbabagong bahagi sa wika na kaugnay sa lugar, panahon, at katayuan sa buhay. Halimbawa ng
dayalekto ay ang pagkakaiba-iba ng Tagalog sa iba't ibang lugar tulad ng Tagalog-Bulacan at
Tagalog-Batangas. Ang idyolek naman ay personal na kakanyahan ng isang tao na maaaring
makita sa kanyang partikular na paggamit ng wika.
Sa kabilang dako, ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon kung saan
ito ginagamit. Kasama dito ang register, mode, at estilo. Ang register ay kaugnay sa panlipunang
papel ng tagapagsalita, tulad ng sayantipikong, panrelihiyong, o pang-akademikong register. Ang
estilo ay naglalarawan ng relasyon ng nagsasalita sa kausap, maaaring itong maging formal,
kolokyal, o intemeyt. Ang mode naman ay nag-uugma sa midyum ng pagpapahayag, maaaring
pasalita o pasulat.
Sa pangkat-wika o speech community, makikita ang varyasyon ng wika sa pamamagitan
ng mga taong bumubuo rito, pakikipagkomunikasyon, interaksyon, katangian ng pananalita, at
sosyal na katangian ng mga tao.
Ang pangkat-wika o speech community ay isang grupo ng mga tao na nagkakaroon ng
sariling paraan ng paggamit ng wika. Makikita ang varyasyon ng wika sa pangkat-wika sa
pamamagitan ng iba't ibang aspeto:
Mga Taong Bumubuo:
Ang mga miyembro ng pangkat-wika ay nagbibigay ng kakaibang kontribusyon sa pag-
usbong at pag-eevolba ng kanilang sariling paraan ng pagsasalita.
Pakikipagkomunikasyon: Ang day-to-day na pakikipagkomunikasyon ng mga miyembro
sa loob ng pangkat-wika ay nagpapakita ng mga espesipikong paraan ng pagsasalita, mga
ekspresyon, at iba't ibang paraan ng pagpapahayag ng ideya.
Interaksyon: Ang paraan ng mga miyembro ng pangkat-wika na nag-uusap, nagtutulungan,
at nag-iinteract ay nakakaapekto sa pag-unlad ng wika sa kanilang komunidad.
Katangian ng Pananalita: May mga kakaibang katangian ng pananalita sa bawat pangkat-
wika, tulad ng diin, tono, at intonasyon, na nagbibigay ng sariling indibidwalidad sa kanilang
pagsasalita.
Sosyal na Katangian: Ang sosyal na aspeto ng pangkat-wika, tulad ng social hierarchy at
roles, ay naglalarawan ng kung paano ang wika ay ginagamit at naipapahayag depende sa posisyon
at relasyon ng mga tao sa loob ng komunidad.
Ang pag-aaral ng pangkat-wika ay mahalaga sa pagsusuri ng sosyal at kultural na konteksto
ng wika, at kung paano ito nakakatulong sa pagbuo ng identidad at koneksyon sa loob ng isang
komunidad.

You might also like