Professional Documents
Culture Documents
WIKA AT KULTURA
ARALIN 2.1: WIKANG FILIPINO
BILANG PANANAW-MUNDO
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Wika at pananaw-mundo
- naaapektuhan ng wika ang ating pananaw sa mundo.
1. Pagpapahayag ng Kultura: Ang wika ay nagpapakita ng mga kaugalian, tradisyon, at
paniniwala ng isang kultura. Ito'y nagbibigay ng konteksto sa kung paano natin nauunawaan
ang mga tao at pangyayari mula sa iba't ibang kultura.
2. Pagkakaroon ng Konsepto: Ang wika ay nagbibigay ng mga salita at konsepto na nagtuturo
sa atin kung paano kumilala, magkaruon ng pangalan, at maunawaan ang mga bagay. Ito'y
nagpapahintulot sa atin na maipahayag ang mga ideya at damdamin nang mas malinaw.
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
3. Paggamit ng Wika sa Lipunan: Ang wika ay nagbubukas ng mga pinto para sa atin sa iba't
ibang sektor ng lipunan. Ito'y may malalim na epekto sa ating trabaho, edukasyon, at
pakikipag-ugnayan sa iba't ibang tao.
4. Pag-iral ng Stereotipo: Ang wika ay maaaring mag-ambag sa pagbuo ng mga stereotipo.
Ang paraan ng paggamit ng wika ay maaaring magdulot ng pagsasalaysay na nagpapahayag
ng bias o diskriminasyon laban sa iba't ibang grupo ng tao.
5. Pagpapalaganap ng Ideolohiya: Ang mga politiko, lider, at iba pang mga sektor ng lipunan
ay gumagamit ng wika upang iparating ang kanilang ideolohiya at adhikain. Ito'y may
malalim na impluwensya sa kung paano natin nauunawaan ang pulitika at lipunan.
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Wika at pag-unawa
- ang pag-aaral ng wika ay isang paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo
Linguistic Determinism
- nasa wika nating nalalaman at ginagamit ang kontrol o kapangyarihan na bubumuo ng ating kaisipan o
kumilala ng kultura
- maaaring malimitahan ang ating kakayahan na umunawa at magpakita ng emosyon.
Linguistic Relativity
- ang wikang ginagamit ay makaaapekto sa ating paraan ng pag-iisip
- ang daloy ng ating pag-iisip ay mauunawaaan sa pamamagitan ng pag-unawa sa paraan ng paggamit
ng wika at ng wika mismo
MGA MAHAHALAGANG
IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Guy Deutscher
- isang linggwistikong Israeili
na inaalay ang kanyang buhay sa
malalim at puspusang pag-aaral ng
pinagmulan ng wika
- isinulat ang Through the
Language Glass
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Language Theory
- teorya kung paano nagbabago ang wika.
Nativists Culturalists
Antas ng wika
- mula dito, mahihinuha kung gaano ka-konektado ang isang lipunan.
Pamantayan sa wika
- naaapektuhan nito ang pag-iisip ng tao, kung paano tayo mag-isip magbigay ng
impormasyon
- iba-iba ang paraan ng pagpapahayag ng ideya at saloobin depende sa wika o diyalekto
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Praktika
- mga ginagawa ng mga miyembro ng kultura nang mag-isa o magkasama
Pamayanan
- grupo ng mga taong nagsasagawa ng mga panlipunang Gawain
- umiiral sa loob ng isang pambansang kultura
- may iba't ibang ugnayan: separasyon, kooperasyon, kolaborasyon,
tunggalian
Tao
- indibidwal na miyembro ng kultura at pamayanan
- pinakaimportanteng parte ng isang kultura at wika dahil sila ang sentro
ng konsepto nito
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Kultura
- patuloy na nagbabagong paraang pamumuhay ng isang grupo
- binubuo ng pinagsasaluhang praktika o gawain na nakaugnay sa produkto,
batay sa mga pananaw sa mundo, at nakalugar sa tiyak na panlipunang konteksto
(Moran)
- indibidwal at kolektibo
Wika at Kultura
- hindi mapaghihiwalay dahil sa ang mga tao ang gumagawa ng wika upang
iorganisa ang mga produkto, isagawa ang mga gawain, maging magkaugnay ang
pamayanan at magkaroon ng katawagan ang kanilang mga pananaw
- sumasalamin sa isa't isa
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Wika at Identidad
- masasalamin sa wika ang pamumuhay ng mga nagsasalita nito, na makikita sa pagkakaiba
sa paggamit ng wika
- may kaakibat na identidad ang ilang mga salita sa wika (hal: maybahay)
- masasalamin ang pagkakaiba ng mga henerasyon sa paggamit ng wika
Wikang Filipino
- magkakaibaang pinanggalingan
- may mga pagkakaiba, pagkakapareho at pagbabago na naaapektuhan ng henerasyon.
- multikultural at multilinggwal
- nagbabago batay sa antas o kalagayan ng mga taong gumagamit
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON KAUGNAY NG
PAKSA:
Pagbabago sa wika
- masasabing buhay ang isang wika kung nakakasabay at bumabagay ito sa tawag ng panahon, at mamamatay
ang wika kung hindi ito magbabago (Virgilio Almario)
Sariling wika
- nabubuo mula sa mga iba't ibang grupo upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan
- hal: bekimon, jejemon
Batayan ng Wikang Pambansa
- Kumbensiyong Konstitusyonal 1934: magkakaroon ng isang katutubong wika na batayan ng
wikang pambansa (Tagalog)
- Tagalog != Filipino, sapagkat 17 na titik lamang ang nasa alpabetong Tagalog, samantalang 20 sa
Filipino
Paraang Unibersal o Universal Approach
Tinutukoy ng terminong “ Universal Approach” o “Paraang Unibersal”
ang paraang iprinopos ng mga lingguwist ng Unibersidad ng Pilipinas ( UP )
sa 1971 kombensiyon Konstitusyonal o (Konkon) para sa pag debelop ng
isang wikang pambansa para sa Pilipinas.
Malinaw na ipinapakita ito ng probisyon tungkol sa wikang pambansa sa
bagong Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na inaprubahan ng Konkon
noong ika-30 ng Nobyembre taong 1972. Ganito ang nakasaad sa probisyon:
[ Ang Nasyonal Asembli ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagdebelop at pormal na pag-adap ng panlahat na wikang pambansa na
kikilalaning Filipino, ( Art. XV, Sek.3, Par. (2) ) ].
Paraang Unibersal o Universal Approach
Metod A Metod B
Nag uumpisa sa ilang wika Nag-uumpisa sa isang wika
nang sabay-sabay sa pagbuo ng lang.
wikang pambansa.
1.Bilang unang hakbang, mag-aadap ng unibersal na alphabet para sa wikang pambansa
na paris ng bagong alphabet na inadap ng Surian ng Wikang Pambansa. Gagamitin ang
alphabet na ito pati na ang mga tuntunin sa pagbabaybay o ispeling para madaling mabasa
at matanggap ng mga Pilipino ang baybay o ispeling ng mga salita sa wikang pambansa.
3. Gagawin pagkatapos maisulat ang unibersal na gramar. Kung gagamitin ang Metod A,
gagawa ng unibersal na diksyunaryo o thesaurus ng mga wika at dayalek ng Pilipinas.
Kung gagamitin ang Metod B, ang mga salita sa wikang pinili bilang simula o nukleus ng
wikang pambansa ang bubuo sa inisyal na diksyunaryo ng wikang pambansa.
• Hangga’t maaari, hindi dapat sumobra sa apat ang miyembro ng isang grupo ng sinonim.
• Hindi dapat magkaroon ng mga sinonim ang mga salitang madalas na gamitin, paris ng
mga artikulo at iba pang pananda ng gramatikal na relasyon
Ang Gramar at diksyunaryo ay dapat rebisahin o rebaysin
pagkatapos ng hindi sosobra sa sampung taon ( 10 ) para isunod
sa mga debelopment sa wika at para pagyamanin o lalong
paghusayin.
Una, may mga kritik na nagsasabi na imposible raw, hindi matino, o kayaý
“Kaululang lingguwistik” ( Nakpil 1972 ) ang bumuo ng isang wikang batay sa higit
sa isang wika o batay sa maraming wika. Ito ang sabi ng isang kritik nga paraang
Unibersal ( Roces 1972 ):
[ Ngunit isang kalokohan na asahang 87 ng magkakahiwalay na sanga
ng bubuo sa isang language tree sapagkat kailangang magkaroon ito ng mga ugat
at katawan na pagpapatubuan ng magkakaibang sanga]
KRITISISMO SA PARAANG UNIBERSAL
Ito naman ang sinabi ng isa pang Kritik ( Nakpil 1972 )
[Isa sa mga di-makontratang prinsipyo ng ligguwistiks ay ito: ang wika na hindi
inang wika ng sinuman ay totoong napakahirap ituro at pag-aralan at halos imposibleng
itanim sa isip. Puwedeng palaganapin, o payamanin sa mga hiram na salita, ang isang umiiral
na wika ngunit hindi puwedeng umimbento ng isang wika mula sa manipis na hanging asul
(“thin blue air”) o kahit sa walong “di nagkakaintindihang” magkakaribal na wika nang
hindi tutungo sa pagkapipi. Ang isang wikang artipisyal na walang katutubong ispiker-gaya
ng ipinakita ni Esperanto, Orbis, Frate, Unversalia, Paria sa kani-kanilang panahon-ay
talagang di pupwede. Ang ipilit ang isang wikang ganito sa mga Pilipino ngayon ay patungo sa
pagkapipi, total na iliterasi at di maalis na ignoransiya]
( Nakpil 1972 )