You are on page 1of 4

Wikang Filipino bilang Pananaw-mundo FIL 106

Matapos ang paksang ito, inaasahan na ikaw ay makalikha ng posisyon o kuro-kuro hinggil sa
usapin ng paraan ng paggamit ng wikang Filipino at kung paano ito nagpapakita ng isang
pananaw sa mundo.
Ating susuriin at susubukang palawigin ang pag-unawa sa ugnayan ng wika, partikular ng
wikang Filipino, sa ating kultura at identidad tungo sa pagbuo ng pananaw-mundo.
Ang mga sumusunod na terminolohiya, tao, at konsepto ay may kaugnayan sa pag-unawa ng
wikang Filipino bilang pananaw-mundo:

Wika at pananaw-mundo
 Naaapektuhan ng wika ang ating at pananaw sa mundo sa samu’t saring paraan.

Wika at pag-unawa
 Ang pag-aaral ng wika ay isang paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo.
 Ito ay naipahiwatig ng Linguistic Determinism at Linguistic Relativity nina Sapir at
Whorf.

Linguistic Determinism
 Nasa wika nating nalalaman at ginagamit ang kontrol o kapangyarihan na bubumuo ng
ating kaisipan o kumilala ng kultura
 Maaaring malimitahan ang ating kakayahan na umunawa at magpakita ng emosyon

Linguistic Relativity
 Ang wikang ginagamit ay makaaapekto sa ating paraan ng pag-iisip
 Ang daloy ng ating pag-iisip ay mauunawaaan sa pamamagitan ng pag-unawa sa paraan
ng paggamit ng wika at ng wika mismo

Guy Deutscher
 Isang linggwistikong Israeili na inaalay ang kanyang buhay sa malalim at puspusang pag-
aaral ng pinagmulan ng wika
 Isinulat ang Through the Language Glass

Language Theory
 Ito ang teorya kung paano nagbabago ang wika
 May dalawang panig: nativists at culturalists

Nativists
 Nagbabago ang wika dahil sa pagbabago ng anatomya ng tao

Culturalists
 Nagbabago ang wika dahil sa pagbabago sa kalagayan ng lipunan

Antas ng wika
 Mahihinuha rito kung gaano ka-konektado ang isang lipunan
 Malaking lipunan -> maraming interaksyon = simpleng wika

Pamantayan sa wika
 Naaapektuhan nito ang pag-iisip ng tao, kung paano tayo mag-isip at magbigay ng
impormasyon
 Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag ng ideya at saloobin depende sa wika o diyalekto
Pangngalang may tanda ng kasarian
 gendered nouns
 Nakaaapekto sa pananaw ng tao sa mundo
 Nababago ang pananaw base sa pangngalang ginamit at sa mga nakaakibat na
isteryotayp, atbp

Wika at Kultural na Diversidad


 Ang Pilipinas ay multikultural, na nagdudulot ng maraming usapin sa ating mga wika at
pagiging multilinggwal

Produkto
 Mga bagay na nilikha ng mga miyembro ng kultura, kasama na iyong mula sa
kapaligiran at mga inangkin mula sa banyagang kultura (hal: nahahawakang bagay,
institusyon)

Praktika
 Mga ginagawa ng mga miyembro ng kultura nang mag-isa o magkasama

Pamayanan
 Grupo ng mga taong nagsasagawa ng mga panlipunang gawain
 Umiiral sa loob ng isang pambansang kultura
 May iba't ibang ugnayan: separasyon, kooperasyon, kolaborasyon, tunggalian

Tao
 Indibidwal na miyembro ng kultura at pamayanan
 Pinakaimportanteng parte ng isang kultura at wika dahil sila ang sentro ng konsepto nito

Kultura
 Patuloy na nagbabagong paraang pamumuhay ng isang grupo
 Binubuo ng pinagsasaluhang praktika o gawain na nakaugnay sa produkto, batay sa mga
pananaw sa mundo, at nakalugar sa tiyak na panlipunang konteksto (Moran)
 Indibidwal at kolektibo

Wika at Kultura
 Hindi mapaghihiwalay dahil sa ang mga tao ang gumagawa ng wika upang iorganisa
ang mga produkto, isagawa ang mga gawain, maging magkaugnay ang pamayanan at
magkaroon ng katawagan ang kanilang mga pananaw
 Sumasalamin sa isa't isa

Wika at Identidad
 Masasalamin sa wika ang pamumuhay ng mga nagsasalita nito, na makikita sa
pagkakaiba sa paggamit ng wika
 May kaakibat na identidad ang ilang mga salita sa wika (hal: maybahay)
 Masasalamin ang pagkakaiba ng mga henerasyon sa paggamit ng wika

Wikang Filipino
 Magkakaibaang pinanggalingan
 May mga pagkakaiba, pagkakapareho at pagbabago na naaapektuhan ng henerasyon
 Multikultural at multilinggwal
 Nagbabago batay sa antas o kalagayan ng mga taong gumagamit
Pagbabago sa wika
 Masasabing buhay ang isang wika kung nakakasabay at bumabagay ito sa tawag ng
panahon, at mamamatay ang wika kung hindi ito magbabago (Virgilio Almario)

Sariling wika
 Nabubuo mula sa mga iba't ibang grupo upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan
 Halimbawa: bekimon, jejemon

Batayan ng Wikang Pambansa


 Kumbensiyong Konstitusyonal 1934: magkakaroon ng isang katutubong wika na batayan
ng wikang pambansa (Tagalog)
 Tagalog = Filipino, sapagkat 17 na titik lamang ang nasa alpabetong Tagalog,
samantalang 20 sa Filipino
Napili ang Tagalog dahil:
1. Hindi ito nahahati sa mas maliit na wika
2. Tradisyong pampanitikan
3. Wika ng Maynila (kabisera)
4. Wika na ginamit noong rebolusyon

Wikang Filipino bilang pamantayan


 Wikang panlahatan/pambansa
 Dapat na maging konsiderasyon ang pagiging multikultural at multilinggwal ng ating
bansa sa pagbubuo at pagpapatibay nito
 Mahalagang isipin kung matutupad ng wika ang pangangailangan ng gagamit nito sa
pagbubuo ng mukha, porma, o istruktura ng pamantayang ito
 Ngayon pa lamang tumutungo sa nasyonalisasyon at modernisasyon

Kahalagahan ng Wikang Pambansa


 Sumasalamin sa ating kultura at pagka-Filipino dahil ito ay pinagyaman ng iba't ibang
wika
 Ang pagkakaiba ng wikang ginagamit ay nagbubunga ng pagkahina ng pagkakaisa ng
bansa, ngunit kailangan pa ring kilalanin ang pagkakaiba sa gitna ng kaisahan

Wika at Antas ng Lipunan


 Nahahati ang lipunan di lamang sa antas ng pamumuhay, ngunit pati na rin sa paggamit
ng wika
 Nagdudulot ng hindi naaayong paghuhusga ang wika dahil sa mga nakakabit nga
kahulugan at isteryotayp

Sosyolek
 Varayti ng wika na naaayon sa mga 'social group' na nagiging batayan ng antas ng isang
tao
 halimbawa: jejemon, conyo

The Language Mirror


 Ang wika ay sumasalamin sa taong gumagamit nito
 Sumasalamin ng isang lupon ng tao (sosyolek) at hindi lamang ang indibidwal na
gumagamit nito (idyolek)

Wika at Kasarian
 Mayroong nakakabit na panlalaki, pambabae at 'neutral,' o kung minsan ay kasarian ng
mga bagay sa wika
 Iniuugnay sa kasarian kung pano nahihinuha ng isang tao ang isang bagay
Sapir-Whorf hypothesis
 Ang paggamit ng kasarian para sa bagay ay maaaring malimitahan ang ating pagtingin
sa mga ito

Pinker hypothesis
 Ang kinalakihang kultura ay nakaaapekto sa ating pagtingin sa mga bagay
 Nababase ang ating nakikita at nailalarawan sa mga naitakda nang mga katangian na
ankaugnay sa kasarian

Wika at Henerasyon
 Ang wika ay maaaring magbigay ng hinuha sa henerasyong pinanggalingan nito
 Base sa (1) estado ng wika at (2) panahon at oras na kinabibilangan

Estado ng Wika
1. Ginagamit na wika sa pakikipagtalakayan
2. Ginagamit na di-berbal na wika
3. Kalagayan ng wika sa bansa
4. Kalagayan ng bansa

Panahon/Oras na Kinabibilangan
1. Katutubong wika
2. Dayuhang wika kahalo ang ating wika
3. Malalim at makahulugan na wika
4. Pangkatang wika

Linguistic Convergence
 Iniaangkop ang idyolek sa taong kausap o grupo na kinabibilangan upang mai-akma
ang pagsasalita
 Nagkakamuka ang wika sa taong kausap o grupo na kinabibilangan

Linguistic Divergence
 Iniiba ang idyolek sa taong kausap o grupo na kinabibilangan upang magkaroon ng
sariling identidad

You might also like