You are on page 1of 2

Labiste, Alyssa O.

3EDFIL4A

Sagutin ang sumusunod na tanong para sa inyong resitasyon batay sa natutuhan sa aralin. Gaya ng
aking anunsiyo sa klase, ito ay ipapasa sa Biyernes, Setyembre 29, 2023 ganap na 11 ng umaga.
Galingan.

1. Liwanag ang pahayag na, "habang napag-iingatan ng isang bayan ang kanyang wika,
napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya," ng tauhang si Simoun sa
nobelang El Filibusterismo. Ano ang kaugnayan ng pahayag na ito sa relasyon ng wika at
kultura?

Sagot:

Ang pahayag na ito ay mula sa nobelang El Filibusterismo, na ang ibig sabihin ay kapag
binibigyan mo ng halaga ang iyong sariling wika, nabibigyan mo ng Kalayaan ang iyong
sarili. Mula sa pahayag na ito, makikitang taglay ng wika ang isip at damdamin ng mga taong
nagsasalita nito. Dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayanng tao sa kanyang paligid at sa
kanyang kapwa tao, nabubuo niya ang wika na kinapapalooban ng mga kanyang karanasan,
pananaw at kaalaman. Samakatuwid, mahigpit ang ugnayan ng wika at kutura sa wika
nasasalamin ang kultura ng mga taong nagsasalita nito.

2. Ano ang konseptong linguistic relativity na pananaw nina Sapir at Whorf.

Sagot:

Ang konseptong linguistic relatively na pananaw nina Sapir at Whorf ay umutukoy sa mungkahi
na ang partikular na wikang sinasalita ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pag-iisip tungkol sa
katotohanan. Ang linguistic relativity ay nakikilala kapwa mula sa simpleng pagkakaiba-iba ng
lingguwistika. Sinusundan ito ng isang paglalarawan ng akda nina Sapir at Whorf na kapansin-
pansing lumalayo mula sa naunang tradisyong ito at naging maimpluwensya sa kontemporaryong
panahon, kaya ang pagkakaugnay ng kanilang mga pangalan sa isyu.

3. Sa paanong paraan nagsisilbi ang wika bilang pahayag-pahiwatig ng kultura? bilang


impukan-kuhanan? bilang daluyan?

Sagot:

Ang usapin ng kultura ay isang masalimuot na usapin dahil mismo sa pagiging palasak nito
bilang konsepto. Madalas na padalos-dalos ang paggamit ng salitang ito sa makabagong panahon,
mapa-Pilipino o banyaga. Makikita ang padalos-dalos na paggamit ng salitang ito sa mga
pangangatuwirang nagmumula sa mga pag-aakalang may unibersal na kalidad ang pag-uugali o
gawi ng isang partikular na lahi o lupon ng tao. Masalimuot na usapin ang kultura dahil madalas
ang pagbanggit nito ay hindi pinag-iisipan. Ang wika ay ang nagsisilbing pahayag-
pahiwatig at impukan-kuhanan dahil sa wika natitipon ang paguugali, isip at damdamin ng isang
grupo ng tao. Ang wika ay nagsisilbing imbakan at kuhanan ng mga konseptong wala sa ibang
pagkakultura. Imbakan din ito ng mga nakaraang kaalaman ng isang kultura.

4. Ipaliwanag ang iba't ibang antas ng konseptong Pilipino na binalangkas ni Enriquez,


Magbigay ng sariling halimbawa sa bawat isa.

Sagot:

Mayroong anim na iba’t ibang antas ng mga konsepto sa ugnayan ng wika at kultura nasuri ni
Enriquez. Una dito ang mga katutubong konsepto. Maraming mga konseptong Pilipino ang
hindi pa talaga napag-aaralan at ang konseptong ito ay naiiba sa kanluraning ideya.
Halimbawa rito ang “pamasak-butas” ito ay nararamdaman ng isang Pilipino kung siya ay
inaya sa isang kasiyahan at nalaman niya na hindi siya ang unang inimbita. Marami pa ang
konseptong kultural na dapat nating aralin upang mapalawak pa natin ang ating kaalaman
tungkol sa wika at kultura.

5. Sa paanong paraan nagiging pagsasaling-kultura ang ginagawang pagsasalin?

Sagot:

Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat,
ay nagaganap sa isang wika at ipinalalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati ng
umiiral na pahayag sa ibang wika. Ang pagsasaling-wika ay muling naglalahad sa
pinagsasalinang wika na pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal na mensaheng
isinasaad ng wika, una’y batay sa kahulugan, at ikalawa;y batay sa estilo. Sa madaling salita
ang pagsasaling-wika ay paglilipat sa pinagsasalinang wika na pinakamalapit na katumbas sa
diwa at estilo na nasa wikang isasalin.

6. Ano-ano ang mga kategoryang kultural na nararapat isaalang-alang sa pagsasalin? Magbigay


ng sariling halimbawa sa bawat kategorya.glaya," ng tauhang si Simoun sa nobelang El
Filibusterismo. Ano ang kaugnayan ng pahayag na ito sa relasyon ng wika at kultura?

Sagot:

Narito ang mga kategoryang kultural na dapat isaalang-alang ng tagasalin; pagkain, kilos,
gawa at ekspresyon, kaugalian, kasuotan, tradisyon at paniniwala. Ang kaugnayan nito sa
relasyon ng wika at kultura ay mas mapapausbong o makilala ang mga kultural na ito.

You might also like