You are on page 1of 10

Kahulugan ng Wika

Aralin 1
Ang Wika ayon kay
Henry Gleason
• Ang wika ay tumutukoy sa masistemang
balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa lipunang may
iisang kultura.
• Mahihinuha natin mula sa punto ni Gleason na
ang wika ay hindi lamang pangkaraniwang
tunog na naririnig natin sa paligid.
• Sa halip, nilikha ito mula sa isang proseso ng
pagbuo ng kaisipan hanggang sa makabuo ng
makabuluhang tunog na katatawanin ng
simbolong kapag nagsama-sama ay
makalilikha ng salita, parirala, pangungusap at
talata na may taglay na kahulugan.
Ang Katangian ng Wika
• 1. Sinasalitang tunog
• Hindi lahat ng tunog na naririnig natin ay maituturing na wika. Maaaring ang iba
rito ay ingay lamang na dulot ng paligid.
• Ang wika ay tunog na nalikha gamit ang mga component ng bibig. Ang nalilikhang
tunog sa pagsasalita ay itinuturing na ponema o makahulugang tunog.
• Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makhulugang tunog o ponema.
Makahulugan ang isang tunog sa isang wika kapag ito ay nagtataglay ng
kahulugan o kaya’y may kakayahang makapagbago ng kahulugan ng isang
morpema o salita.
• 2. Masistemang Balangkas
• Ang wika ay may katangiang makaagham sapagkat tulad ng agham, ang wika
rin ay sistematiko. Lahat ng wika ay may sinusunod na kaayusan o balangkas
ng pagkakabuo.
• Ang mga tunog na nalilikha sa pagsasalita ay tinutumbasan ng simbolo o
letra. Kapag nagsama-sama naman ang mga salita ay makabubuo ng parirala
o pangungusap.
• Ang salita at pangungusap ay may taglay na kahulugan na siyang ihahatid sa
isang siklo ng diskurso.
• 3. Pinili at isinaayos sa Paraang Arbitraryo
• Paano ba nilikha ang salita? Paano ba ito binigyan ng kahulugan?
• Kung ating iisipin, maaaring misteryo pa rin kung paano ba nabuo ng tao ang salita na
ipantatawag niya sa mga bagay sa paligid at nabigyan ng kahulugan ang mga ito.
• Ang wika ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad.
Samakatuwid, ang esensya ng wika ay panlipunan. Bawat lipunan ay maaaring makabuo ng
salita o wika batay sa kanilang napagkasunduan.
• Halimbawa, ang langgam sa Maynila ay tumutukoy sa insekto o ant sa Ingles. Samantala sa
lalawigan ng Cebu, ang langgam ay tumutukoy sa ibon o bird sa Ingles.
• Sa madaling salita, magkaiba ang pagpapakahulugan sa Manilenyo at Cebuano sa salitang ito
dahil kabilang sila sa magkaibang grupo ng tao sa Pilipinas na kapwa may sariling pagpili at
pagsasaayos sa wikang kanilang ginagamit.
• 4. Kabuhol ng Kultura
• Madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit.
Sumasalamin sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng dalawang
ito.
• Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang
lipunang may umiiral na kultura. Gayundin, ang kultura ay nabubuo at napepreserba dahil sa
wikang gamit ng tao.
• Halimbawa, bakit limitado sa yelo at nyebe ang panumbas natin sa salitang ice? Samantalang
ang salitang RICE ay hitik sa panumbas na salita tulad ng palay, bigas, kanin, bahaw at iba pa. Ito
ay patunay lamang na ang dalawang wika, Ingles at Filipino ay bahagi ng magkaibang kultura.
• Limitado ang kasigkahulugan ng salitang ice sa atin sapagkat tropical na bansa ang Pilipinas at
hindi naman bahagi ng ating kutura ang glacier, icebergs, frost, hailstorm at iba pa. Gayundin,
limitado ang salitang RICE sa Ingles sapagkat hindi naman sila agricultural na bansa at hindi
bahagi ng kanilang kultura ang pagkain ng rice.
• 5. Ginagamit sa Komunikasyon
• Ayon sa kasabihan, “No man is an island” at ayon pa sa awitin, “Walang sinuman
ang nabubuhay para sa sarili lamang.” Nangangahulugan ito na hindi maaaring
mabuhay ang tao nang mag-isa sa mundo. Mangungusap at mangungusap tayo
anumang sandali.
• Nabuo ang lipunan dahil sa grupo o lipon ng tao na patuloy na nag-uugnayan at
nagtatalastasan. Kasangkapan natin ang wika upang magpatuloy ang sirkulasyon ng
lipunan at magpatuloy ang ating pag-iral bilang tao.
• Kung mangyaring ang wika ay hindi natin gamitin, maaari itong manganib at
tuluyang mamamatay. Samakatuwid, nabubuhay ang wika dahil sa patuloy na
paggamit dito ng tao sa komunikasyon.
• 6. Dinamiko o buhay
• Dinamiko ang wika. Patuloy ang pagbabago nito sa paglipas ng panahon.
Nakasalalay ang pagbabago ng wika sa taong gumagamit at kulturang nabubuo sa
lipunan.
• Lumalago ang bokabolaryo ng wika kapag may nadadagdag na mga agong salita na
dulot ng pagkamalikhain ng tao at pagsabay nito sa modernong panahon.
• May mga salita ring namamamatay dahil hindi na ginagamit at itinuturing sa
kasalukuyan na hindi na naaayon sa panahon o luma na.
• Halimbawa, ang salitang dalumat (konsepto) at kalupi (pitaka) ay hindi na
karaniwang maririnig o makikita sa bokabularyo ng mga Pilipino.
• Sa hanay naman ng mga kabataan sa kasalukuyan, hitik ang kanilang bibig sa mga
salitang nalikha nila, tulad ng sanaol, attitude kayo, tiktok, instapic, vlog, vlogging,
at iba pa.
• 7. May lebel o antas
• May wikang batay sa gamit ay tinatawag na
formal at di formal, pang-edukado, bal,bal, 1. Kosa pupuga na tayo mamaya!
kolokyal, lalawiganin, pansyensya at 2. Girl, punta tayo sa mega . Me
pampanitikan. Dumedepende ang lebel o antas jamming doon e!
ng wika sa mga taong gumagamit nito at 3. Wiz ko feel ang mga hombre
maging sa uri ng lugar na pinaggagamitan.
ditetch dai.
• Halimbawa, iba ang uri ng wikang gamit ng
isang pari sa simbahan kaysa sa wikang gamit sa 4. Wow pare, ang lakas ng tama
palengke. Iba rin ang wika ng taong nakapag- ko, heaven!
aral kaysa sa taong hindi nakapag-aral.
• 8. Natatangi
• Bawat wika ay may kani-kaniyang katangian na ikinaiba sa ibang wika. Walang wikang parehong-
pareho. Ika nga “No two individuals are exactly alike.” At walang maituturing na superyor o
imperyor na wika. Napagsisilbihang lubos ng particular na wika ang lipunang gumagamit dito, kaya
walang makapagsabi na nakahihigit ang kanyang wika sa wika ng iba.
• Halimbawa, may katangian ang wikang Nihongo na maaaring ikinaiba nito sa ibang wika. Ito ang
tatlong paraan ng pagsulat ng mga Hapon na Hiragana, Katakana at Kanji.
• Gayundin ang wikang Filipino, may sarili itong kaakuhan bilang wika.
• Ang Verbalizing Power ng ating wika o kakayahan ng mga salitang pangngalan na maging pandiwa
ay patunay na natatangi ito.
• Halimbawa, ang pangngalan ng bagay na pambalana tulad ng damit at sapatos ay maaaring maging
pandiwa o kilos kapag nilalapian > nag+damit = nagdamit; an+in+damit = dinamitan; nagdadamit at
nagsapatos, nagsasapatos, magsasapatos.

You might also like