You are on page 1of 10

KALIKASAN NG WIKA

Aralin 2
• Kapag ang isang sanggol ay ipinanganak, sa
panahon ng kanyang paglaki ay nagsasalita siya ng
wikang kanyang kinagisnan at natutunan niya sa
kanyang kaligiran.
• Kaya ang isang Cebuano ay nagsasalita ng Cebuano
kung ipinanganak dahil lumaki siya sa kaligirang
Cebuano, tulad din ng Ilonggo na nagsasalita ng
Hiligaynon o kaya’y Kinaray-a o iba pang varayti
ng Hiligaynon, at ng Maranao na nagsasalita ng
Wikang Maranao.
• Ngunit kapag ang isang Ilonggo na mula pagkabata
ay itinira sa Syudad ng Iligan na ang wika ay
Cebuano, lalaki siyang nagsasalita ng Cebuano
dahil sa impluwensya ng kanyang kaligiran. Malaki
ang impluwensya sa kanya ng kalikasan ng wikang
ginagamit sa kanyang kaligiran
• 1. Pinagsama-samang tunog – ang wika ay
pagsasama-sama ng mga tunog na nauunawaan
ng mga tagagamit nito na kapag tinuhog ay
nakabubuo ng salita. Ang nabubuong salita
mula sa mga tunog na ito ay may kahulugan.
• Halimbawa: B A T A sanggol
• 2. May dalang kahulugan – bawat salita ay
may taglay na kahulugan sa kanyang sarili lalo’t
higit kung ginagamit na sa pangungusap.
• 3. May ispeling – Bawat salita sa iba’t ibang
wika ay may sariling ispeling o baybay. Sa
wikang Filipino, masasabing madali lamang ang
ispeling ng mga salita dahil sa katangian ng
wikang ito na kung ano ang bigkas ay siya ring
baybay.
• 4. May gramatikal istraktyur – Binubuo ito ng
ponolohiya at morpolohiya (pagsasama ng mga
tunog upang bumuo ng salita), sintaks (pagsasama-
sama ng mga salita upang bumuo ng pangungusap),
semantiks (ang kahulugan ng mga salita at
pangungusap); at pragmatiks (nagpapaliwanag sa
pagkakasunod-sunod o pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap), sa partisipasyon sa isang
kombersasyon at sa antisipasyon ng mga
impormasyon na kailangan ng tagapagsalita at
tagapakinig.
• Halimbawa: sa tanong na “Asa na ka?”; Asa
munaog ang 20? Pila ang 20?
• 5. Sistemang oral-awral – sistemang sensura sa
paraang pasalita (oral), at pakikinig (awral). Ang
dalawang mahalagang organo na binubuo ng bibig
at tainga ang nagbiigay-hugis sa mga tunog na
napapakinggan. Ang lumalabas na tunog mula sa
bibig ay naririnig ng tainga na binibigyang
kahulugan ng nakikinig.
• 6. Pagkawala o ekstinksyon ng wika – maaaring mawala
ang wika kapag di nagagamit o wala nang gumagamit.
• Tulad din ito sa pagkawala ng salita ng isang wika
• Halimbawa: banggerahan, antipara, > hindi na ito alam ng maraming
kabataan ngayon. Dahil nagkaroon ng pagbabagong istruktural ang
bahay sa kasalukuyang panahon, darating ang panahon at tuluyan
nang di gagamitin ang salitang banggerahan kaya masasabing
mawawala na ito o papunta sa ekstinksyon.
• Hindi lamang salita o bahagi ng vokabularyo ng isang wika ang
maaaring mawala. Ang buong wika ay maaaring mawala kung wala
nang tagapagsalita ng wikang ito o kung hindi na ginagamit ang isang
particular na wika ng tagapagsalita nito dala ng akulturasyon.
• Mga Halimbawa ng mga wikang ekstink > Dicamay Agta, Katabaga, 
Tayabas Ayta and Villaviciosa Agta.
• Ang wikang Yahi Indian ng mga taga-California (1853-1870)
• Wikang Eyah ng Alaska nang ang huling dalawang matandang
nagsasalita nito ay pumanaw.
• Karamihan sa wikang nawawala ay wika ng mga minorya.
• 7. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o
indijenus – dahil sa iba’t ibang kulturang pinagmulan
ng lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng panig ng
mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat
napakaraming grupo at/o etnikong grupo ang mga lahi
o lipi.
Mga Pangunahing
Gamit ng Wika
• 1. Pagpapangalan (labeling)
ginagamit ito sa pagtiyak o pag-aaydentifay
sa mga bagay, gawain, kilos o tao sa
pamamagitan ng pagbibigay-ngalan dito.
• Mas napadadali ang
pakikipagkomunikasyon kung may tiyak na
panawag sa mga bagay na nasa paligid
natin, sa pagtiyak kung ano ang ginagawa o
ikinikilos ng bawat isa, at maging sa
panawag sa bawat tao.
2. Interaksyon

• Tumutukoy ito sa pagbabahaginan ng mga


naisin o ideya.
• Nakapokus ito sa pagbabahaginan o
pagpapalitan ng mga saloobin, iniisip, ideya,
atbp.
• Naipadarama natin sa pamamagitan ng wika
ang ating mga emosyon, ang ating mga
plano, mga nais at di-ninanais.
3. Transmisyon

• Ginagamit ang wika sa pagpapasa ng mga


impormasyon
• Walang katapusan ang pagsasalin o
pagpapasa ng mga impormasyon – maging
ito’y personal na inihahatid mula sa libro o
iba pang mga babasahin, lektyur, radio,
telebisyon, internet at iba pa.
Seatwork: Ayusin sa tamang pagkakaugnay-ugnay ang
mga salita sa sumusunod na mga bilang. Ipaliwanag
ang dahilan ng iyong ginawang pagbabago

• 1. Ang estudyante mahalaga sa mga


kompyuter.
• 2. Ng isang lingo may sa loob pitong araw.
• 3. MSU-IIT ang Iligan City sa matatagpuan.
• 4. Pilipinas sa dumating AstraZeneca na
vaccine ang.
• 5. Covid-19 ng pangmatagalang magbibigay
ba ang proteksyon sa mga bakuna?

You might also like