You are on page 1of 40

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Layunin
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan
ng mga konseptong pangwika F11PT – Ia – 85
WIKARAMBULAN
PANUTO
TOOL LUNG
WEARY COO
ILL LEE HE YEAH
DAM DUMB INN
COME MATH
THIGH YEN
PUG BOO BOO LIE
BOO LIE
DIE YEAH LICK
TWO
MAN WILL KEY
ZONE
ILL LOOK CAN OH
Ano ang Wika?
Ang wika ay instrumento ng komunikasyon,
at sa pamamagitan nito naipapahayag ng tao
ang kanyang kaisipan at saloobin sa ibang
tao. Nagagamit niya ito sa iba’t ibang aspekto
ng buhay gaya ng pang-ekonomiya,
pampolitikal, pang-edukasyon at panlipunan.
Henry Gleason
Ang wika ay isang
masistemang balangkas na
sinasalitaang tunog na pinili
atisinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit
ng mga taong kabilang o
kasapi sa isang kultura o
lipunan.
Upang pag-ugnayin, inilahad naman nina
Paz et.al. (2003) ang mga sumusunod na
katangiang makapagpapakilala sa wika:
- Sistema ng mga rule o tuntunin
- Sistema ng mga arbitraryong vocal symbol
- Malikhain
- May gramatikang pantay-pantay
- Nagbabago
May sistemang arbitraryong-simbolo

 Ang mga wikang napagkasunduan ay may taglay


na konseptong kinakatawan ng mga simbolong
rumerehistro sa isip ng mga gumagamit.

 Kumakatawan sa bagay (papel, pagkain, pera) sa


ideya (pag-ibig, katotohanan, katapatan) at sa
pangkayarian (ni, si, ng, dahil).
Malikhain ang wika
 Ang malikhaing aspekto ng wika ay
makikita sa paggamit nito.

 Nakatulog ako habang isinasagawa ang


paglilitis
 Tinulugan ko ang paglilitis
Ayon kay Bernales et al. (2002), ang wika ay
isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong
cues na maaaring berbal o di-berbal.
Binabanggit naman sa aklat nina
Mangahis et al. (2005) na may
mahalagang papel na ginagampanan ang
wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.
KATANGIAN NG WIKA

1. Ang wika ay may masistemang balangkas -


Binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang
wika na nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag
pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang
pagkakasunud-sunod ay nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap at talata.
Iba’t ibang sangay ng
Lingwistika
1. Ponolohiya
2. Morpolohiya
3. Semantika
4. Sintaks
5. Pragmatiks
Ayos ng Pangungusap
May dalawang uri ng ayos ng pangungusap sa wikang
Filipino: ang karaniwang ayos at ang di-karaniwang ayos.

A. Karaniwang Ayos ng Pangungusap


 Nasa karaniwang ayos ang pangungusap kapag ang panaguri ay
nauuna kaysa sa simuno
 PANAGURI + SIMUNO

B. Di-karaniwang Ayos ng Pangungusap


 Kapag simuno ang nauuna sa panaguri ang pangungusap ay
nasa di-karaniwng ayos ng pangungusap. Kalamitang may ay ang
pangungusap na nasa di-karaniwang ayos ng pangungusap.
 SIMUNO + PANAGURI
Ayos ng Pangungusap
A. Karaniwang Ayos ng Pangungusap
 Mayaman sa likas na yaman ang ating bansa.
 Walang ibang hangad ang ating mga magulang
kundi magandang kinabukasan para sa atin.

B. Di-karaniwang Ayos ng Pangungusap


 Ang ating bansa ay mayaman sa likas na yaman.
 Ang ating mga magulang ay walang ibang hangad
kundi magandang kinabukasan para sa atin.
KATANGIAN NG WIKA

2. Ang wika ay sinasalitang tunog - Ito ay


sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na
tunog na humuhugis sa paraan ng mga iba’t
ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag
na mga bahagi ng pagsasalita o speech organs.
KATANGIAN NG WIKA

3. Ang wika ay arbitraryo - Pinagkakasunduan


ang anumang wikang gagamitin ng mga grupo
ng tao para sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
KATANGIAN NG WIKA

4. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong


kabilang sa isang kultura -
Magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring
paghiwalayin. Ang kultura ang nagpapayaman sa wika,
samantalang ang wika naman ang magbibigay ng ngalan
o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura.
KATANGIAN NG WIKA

5. Ang wika ay pantao - Ang wika ay isang


eksklusibong pag-aari ng mga tao na sila ang
mismong lumikha at sila rin ang gumagamit.
Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan
ng pakikipagtalastasan
KATANGIAN NG WIKA

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura - Taglay


nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan
nito. Ang sining, panitikan, karunungan,
kaugalian, kinagawain at paniniwala ng
mamamayan ang bumubuo ng kultura.
KATANGIAN NG WIKA

7. Ang wika ay ginagamit - Kailangan itong


gamitin na instrumento sa komunikasyon.
Unti-unting mawawala ito kapag hindi
ginagamit.
KATANGIAN NG WIKA

8. Ang wika ay natatangi - May kaibahan ang bawat


wika sa ibang wika. Walang dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng
palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may
sariling set ng mga bahagi.
KATANGIAN NG WIKA

9. Ang wika ay dinamiko - Ito ay buhay at


patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy
rin na nagbabago ang pamumuhay ng tao at
iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng
buhay na dulot ng agham at teknolohiya.
KATANGIAN NG WIKA

10. Ang wika ay malikhain - Ang anumang


wika ay may abilidad na makabuo ng walang
katapusang dami ng pangungusap.
KATANGIAN NG WIKA
11. Ang wika ay may iba’t ibang antas – ang ating
wika ay nahahati sa dalawang kategorya, ang Pormal at
di- Pormal. Nabibilang sa pormal ang antas na
Pampanitikan at Pambansa, at sa di – pormal naman ay
Kolokyal, Lalawiganin at Balbal.
Iba’t Ibang antas ng wika
• Pambansa – higit na pormal ang gamit, ginagamit sa buong bansa,
mga salitang kabilang sa wikang Filipino, gamit sa pagtuturo at sa
mga aklat.
Hal. Hustisya maganda asawa tahanan
Masaya Malayakatipan kabukiran

• Pampanitikan – ginagamit ang mga salitang may malalalim o


nakatagong kahulugan, ginagamit din sa pagsulat ng tula at iba pang
akdang pampanitikan
Hal. Kahiramang-suklay putok sa buho
di-mahulugang karayom Kalapating mababa ang lipad
nagkadaupang-palad di-maliparang – uwak
Iba’t Ibang antas ng wika
• Kolokyal - mga salitang hango sa pormal na salita na pinaikli at karaniwang
ginagamit sa araw-araw
Hal. Mayroon – meron; nasaan – asan; pahingi – penge; puwede – pede

• Lalawiganin – salitain o ditalekto ng mga katutubo sa isang partikular na


lalawigan at maaaring nagiging bahagi na sa pang-araw-araw na pakikipag-
usap.
Hal. Balay (bahay) bana (asawa) adlaw (araw) babaye (babae)

• Balbal – pinakamababang uri na wikang ginagamit ng mga partikular na grupo


ng tao, nabuo mula sa kagustuhan ng grupong gumagamit nito na nagkakaroon
ng sariling pagkakakilanlan.
Hal. Lespu (pulis) chaka (di-kagandahan) chika
lang (kunyari lang) kano (Amerikano)
KAHALAGAHAN NG WIKA:

1. Isa sa pangunahing kahalagahan ng wika ay ang


pagiging instrumento nito sa komunikasyon.
2. Mahalaga ang wika sa pagpapanatili, pagpapayabong,
at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao.
3. Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang bansa,
nangangahulugang ito ay malaya at may soberanya.
KAHALAGAHAN NG WIKA:

4. Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at


tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
5. Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang
tulay para magkausap at magkaunawaan ang iba’t
ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang wikang
ginagamit.
GAWAIN #1

Isulat at ayusin ang pangungusap na


hindi wasto.
1. Kalsada sirang ang dating ay inaspalto na.
2. Sa katawan ang paninigarilyo masama.
3. Kumain ng kendi at tsokolate si Benny madalas.
4. Sa opisina ng koreo kami ay pupunta Kami
aymamayang hapon.
5. Ang barkada ni Ellen ay magmimiryenda bukas sa
bahay.
GAWAIN #2
Panuto: Salungguhitan ang buong paksa o simuno ng bawat pangungusap.
Pagkatapos, isulat sa patlang ang titik K kung ang ayos ng pangungusap ay
karaniwan o tuwid. Isulat ang mga titik DK kung ang ayos ng pangungusap
ay di-karaniwan o kabalikan.

1. Nakabihis na at handa nang umalis ang mga anak natin.


2. Tumulong sa paglinis ng bakuran sina Juan at Jose.
3. Tumagal nang higit sa dalawang oras ang programa.
4. Dadalo kami sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jessica .
5. Tayo ay magbabakasyon sa isang magandang resort sa Batangas.
6. May mga alagang aso at pusa ang pinsan ko sa probinsiya.
7. Masyadong maasim ang manggang ibinigay sa akin.
8. Gaganapin sa bahay ni Ollie ang munting salusalo.
9. Si Ate Sheila ay gumigising nang maaga para magluto ng almusal.
10. Nakatira ang kaibigan ko sa kabilang subdibisyon.

You might also like