You are on page 1of 1

Pagtatangkang gawing opsyonal ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ito ba ay nararapat?

Bilang isang mamayang Pilipino na gumagamit nito sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan ano ang
iyong saloobin? Mas gugustihing ipasok sa kurikulum ang mga salitang Hapon at Koriyano kaysa sa
paglinang at pagpapalawak sa pinagsimulan ng mga salitang nabuo sa ating bansa na kung tawagi’y
baybayin. Baybayin isang kultura at kasanayan sa paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno at ito rin ang
naging daan upang sila ay makaroon ng pakikipagtalastasan.
Bilang isang mag-aaral na naglalayong payabungin ang kaalaman sa paggamit ng wika at
layuning tahakin ang pagiging guro na kursong ang medyor ay ang asignaturang Filipino tila ang
pagtatangkang gawaing ospyonal ang asignaturang Filipino ay isang kawalan ng respeto sa mga taong
nagbuwis ng buhay upang makamtam ang kalayaan ng ating bansa. Hindi ito katanggap-tanggap sapagkat
ang mga taong nais maging opsyonal ang asignaturang ito ay mga kulang parin ang kaalaman sa lawak at
yabong ng wikang Filipino. Hindi dapat maliitin ang asignaturang Filipino sapagkat ito ay itinuturo sa
ibat-ibang bansa bilang isang medyor na subyek. Bilang isang Pilipino alam mo ang kahalagahan ng
asignaturang Filipino o ang layunin ng wikang Filipino. Ito ay wikang pambansa makabansang diskurso.
Wikang ginagamit ng karaniwang mamamayan sa pagtalakay ng mga isyung pambayan. Isang
instrumento na humihikayat sa mga mamamayan na magisip, magtalakay at makilahok sa isyung
pambansa. Mahalaga ngayong darating na eleksyon ang pagkakaintindihan ibat-iba man ang wikang
ginagamit iisa ang layon nito pumili ng tamang tao para sa ikauunlad ng ating bansa at sa ikaaayos ng
sistemang pulitikal sa bawat lugar para sa kapakanan ng bawat isa.Maihahalimbawa ko ang bayang aking
pinagmulan ang bayang ng Dolores na nataguriang faith and wellness Zone sa buong Pilipinas sapagkat
bilang isang maliit na bayan ito ay naglalaman ng mahigit 100 sekta nananinirahan dito. Bagamat ibat-
ibang lugar ang pinagmulan naroon parin ang pagkakaintindihan sapagkat may isang wikang
nagbubuklod nangiging tulay ng masaganang pamumuhay.Wika ang isang solusyon sa pag-unlad ,
pagkakaisa at mabilis na pagkakaunawaan ng lahat ng mamamayan ng bansa kaya nararapat na ito ay
palakasin ang pagtuturo nito sa lahat ng antas. Mapa hayskul o kolehiyo man dapat itong pagtibayin.
Marami pa tayong dapat suriin kung kaya’t ito ay hindi dapat baliwalain sapagkat ang hindi mo
pagmamahal sa sarili mong wika ay tila parang wala kang respeto at pagmamahal sa sarili mo dahil kung
tunay kang Pilipino ano pa man ang kulay mo dapat ika’y taas noo na Filipino ang wikang kinagisnan mo.
Tunay na ang wika ay makapangyarihan maari itong gamit sa masama o kabutihan utak man natin ay
maaring madiktahan subalit ang kalaban nito ay ang iyong busilak na kalooban.

You might also like