You are on page 1of 1

REINA LYNN FEB A.

NAMIA GRADE 12 – VITA

ASIGNATURANG FILIPINO DAPAT NGA BANG TANGGALIN SA KURIKULUM


PANGKOLEHIYO?

Lahat ng bansa ay may sariling wika dahil ang wika ang bumubuo sa isang bansa Ang
wika ay kaluluwa at salamin sa pagkatao ng isang bansa. Ang pagkatao ng bansa natin ay mas
mapapalalim pa kung ito ay mas pahahalagahan nating mga Pilipino.
Bilang isang mag-aaral, isa rin ako sa mga nahihirapan sa paggamit ng angkop
na gramatika at bantas sa pagsusulat gamit ang Wikang Filipino ngunit pagdating naman sa
Ingles ay bihasa ako. Para sa akin, isa sa mga rason kung bakit isa ako sa maraming studyante
na nahihirapan sa pagbigkas at pagsulat gamit ang Wikang Filipino dahil kulang kami sa
intensibo na pag-aaral sa ating Wika. Kamakailan lamang ay uminit ang isyu tungkol sa
pagtatangal ng CHED sa siyam (9) na unit ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito ay kaugnay
sa paglalabas ng CHED ng Memorandum (CMO) No. 20, Series of 2013 noong Hunyo 28,
nagkaisa ang mga guro ng wika at manunulat ng saliksik,panitikang Filipino at maging ang ating
mga kababayan na manindigan laban sa polisiya at pamahalaan sapagkat isinantabi nito ang
pagturo ng Filipino bilang mahalagang asignatura sa kolehiyo. Bakit nga ba dapat tanggalin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo? Bakit hindi dapat ito tanggalin ? Sa panahon ngayon, mas
pinahahalagahan ng mga Pilipino ang pagsasalita ng mga banyagang salita. Kung ito man ay
tatanggalin, lalong dadami ang mga mag-aaral na katulad ko at mas dadami ang bilang ng mga
Pilipino na sinasakop na ng kolonyal na kaisipan. Dinidiin ng mga sumasang-ayon sa
pagtanggal ng asignaturang ito na itinuro na raw ito mula pa mababa hanggang sa mataas na
paaralan. Ngunit bakit marami pa rin ang mga mag-aaral na hindi pa rin natututunan ng malalim
ang asignaturang ito? Mas malaki ang benepisyo kung ito ay ituturo sa kolehiyo dahil mas
malaki ang chansa na mas matutunan ito ng mga mag-aaral dahil hindi na mangmang ang
kanilang pag-iisip. Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging
pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang
Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang
mga tao na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming
unibersidad sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of
Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St.
Petersburg University at University of Moscow sa Russia. Ayon sa a panayam ng DZMM,
ipinaliwanag ng Tanggol Wika spokesperson na si David Michael San Juan ang kahalagahan
ng pagpapanatili ng mga subjects na ito sa university level na malaki ang implikasyon nito sa
klase ng matututuhan ng ating mga estudyante sa kakayahan nilang makipag-ugnayan sa mga
kapwa Pilipino. Una, naniniwala kami na ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-
aambag sa pagiging mabisa ng community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang
wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran. Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagmakabayan ng
bawat isa. Habang patuloy itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang kaalaman ng bawat
mamamayan patungkol dito na isa sa magiging dahilan upang maging intelektwalisado na ang
pambansang wika ngunit paano ito mangyayari kung aalisin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo. Nanguna rin sa pagtutol ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o
Tanggol Wika sa mga tumututol sa kautusang ito kaya naghain sila ng petisyon sa Korte
Suprema upang ito’y rebisahin. Dininig naman nila ang petisyong ito sa pamamagitan ng
paglabas ng pansamantalang pagpigil (temporary restraining order) sa kautusan ng komisyon.
Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang pagtatalakay dito ng mga mahistrado kaya umaasa ang
mga makabayang Pilpino na panigan ng Korte Suprema ang inihaing petisyon ng Tanggol
Wika.
Ang pagbura sa asignaturang Filipino sa kolehiyo ay nangangahulugan ding pagbura at
paglusaw sa pagpapahalaga nating mga Pilipino sa Wikang Filipino sa buong bansa. Kung
kayat marapat lamang na pahalagahan ang wikang Pambansa dahil sumasalamin ditto ang
ating pagka Pilipino at ang ating kultura. Naipapakita ang pagpapahalaga sa wikang pambansa
sa pagpapalalim ng asignaturang Filipino sapagkat mas nalilinang at nadadagdagan ang ating
kaalaman at pagkilala sa ating sariling Wika.

You might also like